Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Lucas 24:36-53

Nagpakita si Jesus sa mga Alagad

36 Habang sinasabi nila ang mga bagay na ito, tumayo si Jesus sa gitna nila. Sinabi niya sa kanila: Kapayapaan ang sumainyo.

37 Sa kanilang pagkasindak at pagkatakot, inakala nilangnakakita sila ng isang espiritu. 38 Sinabi niya sa kanila: Bakit kayo naguguluhan? Bakit kayo nagkakaroon ng mga pag-aalinlangan sa inyong mga puso? 39 Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa. Ang mga ito ay nagpapatunay na ako ito. Hipuin ninyo ako at tingnan. Ang espiritu ay walang laman at buto tulad ng nakikita ninyo sa akin.

40 Pagkatapos niyang magsalita, ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at mga paa. 41 Ngunit hindi sila makapaniwala dahil sa galak atpagkamangha. Habang sila ay nasa ganitong kalagayan, sinabi niya sa kanila: Mayroon ba kayong anumang makakain dito? 42 Binigyan nila siya ng bahagi ng inihaw na isda at pulot. 43 Pagkakuha niya, kumain siya sa harapan nila.

44 Sinabi niya sa kanila: Ito ang mga salitang sinabi ko sa inyo nang ako ay kasama pa ninyo. Sinabi ko sa inyo na dapat maganap ang lahat ng mga bagay patungkol sa akin. Ito ay ang mga isinulat sa mga aklat ng kautusan ni Moises, at aklat ng mga propeta at ng mga Awit.

45 Pagkatapos, binuksan niya ang kanilang mga pang-unawa upang maunawaan nila ang mga kasulatan. 46 Sinabi niya sa kanila: Sa ganitong paraan ito ay naisulat at sa ganito ring paraan kinakailangang ang Mesiyas ay maghirap at babangon mula sa mga patay sa ikatlong araw. 47 Sa ganitong paraan ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat maihayag sa lahat ng mga bansa sa kaniyang pangalan, simula sa Jerusalem. 48 Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito. 49 Narito, ipadadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama. Ngunit manatili kayo sa lungsod ng Jerusalem hanggang kayo ay mabihisan ng kapangyarihang mula sa itaas.

Ang Pag-akyat ni Jesus sa Langit

50 Dinala sila ni Jesus hanggang sa Betania. Doon ay itinaas niya ang kaniyang mga kamay at pinagpala sila.

51 At nang­yari, habang pinagpapala niya sila, na siya ay nahiwalay sa kanila at dinalang paitaas sa langit. 52 Siya ay sinamba nila at bumalik sila sa Jerusalem na may malaking kagalakan. 53 Sa templo, sila ay nagpatuloy na nagpupuri at nagpapala sa Diyos. Siya nawa!

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International