Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Lucas 9:18-36

Ang Pahayag ni Pedro Patungkol sa Mesiyas

18 Nang si Jesus ay nananalanging mag-isa, nangyari na ang kaniyang mga alagad ay naroroon. Tinanong niya sila. Sinabi niya: Ayon sa sinasabi ng mga tao, sino raw ako?

19 Sumagot sila at sinabi: Si Juan na tagapagbawtismo. Ang sabi ng ilan: Si Elias. Ang sabi ng iba: Isa sa mga propeta ng unang panahon na nabuhay muli.

20 Sinabi niya sa kanila: Ano ang sabi ninyo, sino ako? Pagsagot ni Pedro, sinabi niya: Ang Mesiyas[a]ng Diyos.

21 Mahigpit niyang ipinagbilin sa kanila na huwag itongsabihin sa kaninuman. 22 Sinabi niya: Kinakailangang ang Anak ng tao ay dumanas ng maraming bagay. At siya ay tanggihan ng mga matanda at mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan. Siya ay papatayin at ibabangon sa ikatlong araw.

Tanggihan ang Sarili at Sumunod sa Akin

23 Sinabi niya sa lahat: Kung ang sinuman magnanais na sumunod sa akin, tanggihan niya ang kaniyang sarili. Pasanin niya araw-araw ang kaniyang krus at sumunod sa akin.

24 Ito ay sapagkat ang sinumang nagnanais na magligtas ng kaniyang buhay aymawawala niya ito. Ang sinumang mawalan ng buhay alang-alang sa akin ay maililigtas niya ito. 25 Ito ay sapagkat ano ang pakikinabangan ng tao kung matamo man niya ang buong sanlibutan at mapapahamak naman ang kaniyang sarili? 26 Ang sinumang magmakahiya sa akin at sa akingmga salita ay ikahihiya rin ng Anak ng Tao sa pagparito niya sa kaniyang kaluwalhatian, at ng Ama at ng mga banal na anghel. 27 Katoto­­hanang sinasabi ko sa inyo: Mayroong ilang mga nakatayo dito na kailanman ay hindi makakaranas ng kamatayan hanggang sa makita nila ang paghahari ng Diyos.

Ang Pagbabagong Anyo

28 Nangyari, mga walong araw pagkatapos niyang sabihin ang ng mga salitang ito, na isinama niya sina Pedro, at Juan at Santiago. Umahaon siya sa bundok upang manalangin.

29 Nang­yari nang siya ay nananalangin, ang anyo ng kaniyang mukha ay nagbago. Ang kaniyang kasuotan ay nagningning sa kaputian. 30 Narito, may dalawang lalaking nakipag-usap sa kaniya. Sila ay sina Moises at Elias. 31 Sila na nakita sa kaluwalhatian ay nagsalita patungkol sa kaniyang pag-alis na kaniya nang gaganapin sa Jerusalem. 32 Si Pedro at ang mga kasama niya ay tulog na. Nang sila ay magising, nakita nila ang kaniyang kaluwalhatian at ang dalawang lalaking nakatayong kasama niya. 33 Nangyari, habang papaalissina Moises at Elias, na si Pedro ay nagsabi kay Jesus: Guro, mabuti para sa amin na kami ay narito. Gagawa kami ng tatlong kubol. Isa para sa iyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias. Hindi alam ni Pedro kung ano ang sinasabi niya.

34 Samantalang sinasabi niya ito, lumitaw ang isang ulap at nililiman sila. Pagpasok nila sa ulap, sila ay natakot. 35 Isang tinig ang nagmula sa ulap, na sinabi: Ito ang pinakamamahal kong anak. Pakinggan ninyo siya. 36 Nang mawala na ang tinig, nasumpungan nilang nag-iisa si Jesus. At sila ay tumahimik. Hindi nila sinabi sa kaninuman sa mga araw na iyon ang anumang nakita nila.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International