New Testament in a Year
19 Ano ang aking sinasabi? na ang hain baga sa mga diosdiosan ay may kabuluhan? (A)o ang diosdiosan ay may kabuluhan?
20 Subali't sinasabi ko, na ang mga bagay na inihahain (B)ng mga Gentil, ay kanilang inihahain sa mga demonio, at hindi sa Dios: at di ko ibig na kayo'y mangagkaroon ng pakikipagkaisa sa mga demonio.
21 Hindi ninyo maiinuman (C)ang saro ng Panginoon, at ang saro ng mga demonio: kayo'y hindi maaaring makisalo sa dulang ng Panginoon, at sa dulang ng mga demonio.
22 O (D)minumungkahi baga natin sa paninibugho ang Panginoon? tayo baga'y lalong malakas kay sa kaniya?
23 Lahat ng mga bagay ay matuwid; (E)nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay nararapat. Lahat ng mga bagay ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay makapagpapatibay.
24 Huwag (F)hanapin ninoman ang sa kaniyang sarili, kundi ang ikabubuti ng kapuwa.
25 Lahat ng ipinagbibili sa pamilihan ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman (G)dahilan sa budhi;
26 Sapagka't ang lupa ay (H)sa Panginoon, at ang kabuuan ng naririto.
27 Kung kayo'y aanyayahan ng isang hindi sumasampalataya, at ibig ninyong pumaroon; ang anomang ihain sa inyo ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi.
28 Datapuwa't kung sa inyo'y may magsabi, Ito'y inihandog na hain, ay huwag ninyong kanin, (I)dahilan doon sa nagpahayag at dahilan sa budhi;
29 Budhi, sinasabi ko, hindi ang inyong sarili, kundi ang sa iba; sapagka't bakit (J)hahatulan ang kalayaan ng budhi ng iba?
30 Kung nakikisalo ako na may pagpapasalamat,(K)bakit ako'y aalipustain ng dahil sa aking ipinagpapasalamat?
31 Kaya kung kayo'y nagsisikain man, o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa, (L)gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios.
32 Huwag kayong magbigay ng dahilang ikatitisod, (M)sa mga Judio man, sa mga Griego man, o sa (N)iglesia man ng Dios:
33 Na gaya ko (O)din naman, na sa lahat ng mga bagay ay nagbibigay lugod ako sa lahat ng mga tao, na hindi ko hinahanap ang aking sariling kapakinabangan, kundi ang sa marami, upang sila'y (P)mangaligtas.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978