Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Exodo 7

Ang paksa sa pagkasugo ni Moises at Aaron.

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Tingnan mo, ginawa kitang (A)dios kay Faraon: at si Aaron na iyong kapatid ay magiging (B)iyong propeta.

Iyong sasalitaing lahat ang aking iniuutos sa iyo: at sasalitain kay Faraon ni Aaron na iyong kapatid upang kaniyang pahintulutan ang mga anak ni Israel ay lumabas sa kaniyang lupain.

At aking papagmamatigasin ang puso ni Faraon, at aking (C)pararamihin ang aking mga tanda at ang aking mga kababalaghan sa lupain ng Egipto.

Nguni't si Faraon ay hindi makikinig sa inyo, at aking ipapatong sa Egipto ang aking kamay at ilalabas ko ang aking mga hukbo, ang aking bayan, na mga anak ni Israel, sa lupaing Egipto sa pamamagitan ng mga (D)dakilang kahatulan.

(E)At malalaman ng mga taga Egipto na ako ang Panginoon, pagka iniunat ko sa Egipto ang aking kamay, at pagka inilabas ko ang mga anak ni Israel sa gitna nila.

At ginawang gayon ni Moises at ni Aaron: kung paanong iniutos ng Panginoon sa kanila, ay gayon ginawa nila.

At si Moises ay may (F)walong pung taong gulang, at si Aaron ay may walong pu't tatlong taong gulang nang sila'y magsalita kay Faraon.

Tanda ng tungkod ni Aaron.

At nagsalita ang Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,

Pagsasalita ni Faraon sa inyo, na sasabihin, Magpakita kayo ng isang kababalaghan sa ganang inyo; ay iyo ngang sasabihin kay Aaron: Kunin mo ang iyong tungkod, at ihagis mo sa harap ni Faraon, na magiging isang ahas.

10 At si Moises at si Aaron ay naparoon kay Faraon, at kanilang ginawang gayon gaya ng iniutos ng Panginoon, at inihagis ni Aaron ang kaniyang tungkod sa harap ni Faraon at sa harap ng kaniyang mga lingkod at naging ahas.

11 (G)Nang magkagayo'y tinawag naman ni Faraon ang mga marunong at ang mga manghuhula, at (H)sila naman na mga mahiko sa Egipto, ay gumawa sa gayon ding paraan ng kanilang mga pag-enkanto.

12 Sapagka't inihagis ng bawa't isa ang kanikaniyang tungkod, at nangaging ahas: nguni't nilamon ng tungkod ni Aaron ang mga tungkod nila.

13 At ang puso ni Faraon ay nagmatigas, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon.

Pinatigas ni Faraon ang kaniyang puso.

14 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ang puso ni Farao'y nagmatigas, ayaw niyang paalisin ang bayan.

15 Pumaroon ka kay Faraon kinaumagahan; narito, siya'y pasasa tubig; at ikaw ay tatayo sa tabi ng ilog upang matagpuan mo siya; at ang (I)tungkod na naging ahas ay iyong tatangnan sa iyong kamay.

16 At iyong sasabihin sa kaniya, Sinugo ako sa iyo ng (J)Panginoon, ng Dios ng mga Hebreo, na sinasabi, Pahintulutan mong ang aking bayan ay yumaon, upang sila'y makapaglingkod sa akin sa ilang (K)at, narito, hanggang ngayo'y hindi mo dininig.

17 Ganito ang sabi ng Panginoon, Dito mo makikilala, na ako ang Panginoon: narito, aking papaluin ng tungkod, na nasa aking kamay, ang tubig, na nasa ilog (L)at magiging (M)dugo.

18 At ang mga isda, na nasa ilog ay mamamatay, at ang ilog ay babaho; at ang mga Egipcio ay masusuklam na uminom ng tubig sa ilog.

19 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo kay Aaron, Kunin mo ang iyong tungkod, (N)at iunat mo ang iyong kamay sa tubig sa Egipto, sa kanilang mga ilog, sa kanilang mga bangbang, at sa kanilang mga lawa at sa lahat nilang tipunan ng tubig, upang mga maging dugo; at magkakadugo sa buong lupain ng Egipto, maging sa mga sisidlang kahoy at maging sa mga sisidlang bato.

Ang tubig ay naging dugo.

20 At ginawang gayon ni Moises at ni Aaron, gaya ng iniutos ng Panginoon; at kaniyang itinaas ang tungkod, at pinalo ang tubig, na nasa ilog, sa paningin ni Faraon, at sa paningin ng kaniyang mga lingkod; (O)at ang lahat ng tubig, na nasa ilog ay naging dugo.

21 At ang isda, na nasa tubig ay namatay; at ang ilog ay bumaho (P)at ang mga Egipcio ay hindi makainom ng tubig sa ilog; at nagkadugo sa buong lupain ng Egipto.

22 (Q)At ang mga mahiko sa Egipto ay gumawa ng gayon din, sa pamamagitan ng kanilang mga enkanto; at ang puso ni Faraon ay nagmatigas, at hindi niya dininig sila; (R)gaya ng sinalita ng Panginoon.

23 At si Faraon ay pumihit at umuwi sa kaniyang bahay, na hindi man lamang nabagbag ang kaniyang puso.

24 At lahat ng mga Egipcio ay humukay sa palibot ng ilog, upang makasumpong ng tubig na mainom; sapagka't sila'y hindi makainom ng tubig sa ilog.

25 At naganap ang pitong araw, pagkatapos na masalot ng Panginoon ang ilog.

Lucas 10

10 Pagkatapos nga ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay naghalal ng (A)pitongpu (B)pa, at sila'y (C)sinugong daladalawa, sa unahan ng kaniyang mukha, sa bawa't bayan at dako na kaniyang paroroonan.

At sinabi niya sa kanila, Sa katotohana'y marami (D)ang aanihin, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa: kaya't idalangin ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin.

Magsiyaon kayo sa iyong lakad; (E)narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga kordero sa gitna ng mga lobo.

(F)Huwag kayong magsipagdala ng supot ng salapi, ng supot man ng pagkain, ng mga pangyapak man; (G)at huwag kayong magsibati kanino mang tao sa daan.

At sa alin mang bahay na inyong pasukin, ay sabihin ninyo muna, (H)Kapayapaan nawa sa bahay na ito.

At kung (I)mayroon doong anak ng kapayapaan, ang inyong kapayapaa'y mananatili sa kaniya: datapuwa't kung wala, ay babalik ito sa inyong muli.

At magsipanatili kayo sa bahay ding yaon, na kanin at inumin ninyo ang mga bagay na kanilang ibigay: sapagka't ang manggagawa ay marapat sa kaniyang kaupahan. Huwag kayong mangagpalipatlipat sa bahay-bahay.

At sa alin mang bayan na iyong pasukin, at kayo'y kanilang tanggapin, ay kanin ninyo ang mga bagay na ihain sa inyo:

At pagalingin ninyo ang mga may-sakit na nangaroon, at sabihin ninyo sa kanila, (J)Lumapit na sa inyo ang kaharian ng Dios.

10 Datapuwa't sa alin mang bayan na inyong pasukin, at hindi kayo tanggapin, magsilabas kayo sa kanilang mga lansangan at inyong sabihin,

11 Pati ng alabok ng inyong bayan na kumakapit sa aming paa, ay ipinapagpag namin laban (K)sa inyo: gayon ma'y inyong talastasin ito, na lumapit na ang kaharian ng Dios.

12 Sinasabi ko sa inyo, Sa araw na yaon ay higit na mapagpapaumanhinan (L)ang Sodoma kay sa bayang yaon.

13 Sa aba mo, (M)Corazin! sa aba mo, Betsaida! sapagka't kung sa Tiro at sa Sidon sana ginawa ang mga gawang makapangyarihang ginawa sa inyo, ay maluwat na dising nangagsisi, na nangauupong may kayong magaspang at abo.

14 Datapuwa't sa paghuhukom, higit na mapagpapaumanhinan ang Tiro at Sidon, kay sa inyo.

15 At ikaw, Capernaum, magpapakataas ka hanggang sa langit? ikaw ay ibaba hanggang sa Hades.

16 Ang nakikinig sa inyo, ay (N)sa akin nakikinig; at ang nagtatakuwil sa inyo ay ako ang itinatakuwil; at ang nagtatakuwil sa akin ay itinatakuwil ang sa aki'y nagsugo.

17 At nagsipagbalik (O)ang pitongpu na may kagalakan, na nangagsasabi, Panginoon, pati ang mga demonio ay nagsisisuko sa amin sa iyong pangalan.

18 At sinabi niya sa kanila, (P)Nakita ko si Satanas, na (Q)nahuhulog na gaya ng lintik, mula sa langit.

19 Narito, binigyan ko (R)kayo ng kapamahalaan na inyong yurakan ang mga ahas at ang mga alakdan, at sa ibabaw ng lahat ng kapangyarihan ng kaaway: at sa anomang paraa'y hindi kayo maaano.

20 Gayon ma'y huwag ninyong ikagalak ito, na ang mga espiritu ay nagsisisuko sa inyo; kundi (S)inyong ikagalak na nangasusulat ang inyong mga pangalan sa langit.

21 Nang (T)oras ding yaon siya'y nagalak sa Espiritu Santo, at sinabi, Ako'y nagpapasalamat sa iyo, Oh Ama, Panginoon ng langit at lupa, na iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol: gayon nga, Ama; sapagka't gayon ang nakalulugod sa iyong paningin.

22 Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama: at walang nakakakilala kung sino ang Anak, kundi ang Ama; at kung sino ang Ama, kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak.

23 At paglingon sa mga alagad, ay sinabi niya ng bukod, (U)Mapapalad ang mga matang nangakakakita ng mga bagay na inyong nangakikita:

24 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na maraming propeta at mga hari ang nangaghahangad na mangakakita ng mga bagay na inyong nangakikita, at hindi nila nangakita at mangarinig ang mga bagay na inyong nangaririnig, at hindi nila nangarinig.

25 At narito, ang isang tagapagtanggol ng kautusan ay nagtindig at siya'y tinutukso, na sinasabi, (V)Guro, anong aking gagawin upang magmana ng walang hanggang buhay?

26 At sinabi niya sa kaniya, Ano ang nasusulat sa kautusan? ano ang nababasa mo?

27 At pagsagot niya'y sinabi, (W)Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong lakas mo, at ng buong pagiisip mo; (X)at ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.

28 At sinabi niya sa kaniya, Matuwid ang sagot mo: gawin mo ito, at mabubuhay ka.

29 Datapuwa't siya, na ibig (Y)magaring-ganap sa kaniyang sarili, ay nagsabi kay Jesus, At sino ang aking kapuwa tao?

30 Sumagot si Jesus at sinabi, Isang tao'y bumababa sa Jerico na mula sa Jerusalem; at siya'y nahulog sa kamay ng mga tulisan, na sa kaniya'y sumamsam at sa kaniya'y humampas, at nagsialis na siya'y iniwang halos patay na.

31 At nagkataong bumababa sa daang yaon ang isang saserdote; at nang makita siya ay (Z)dumaan sa kabilang tabi.

32 At sa gayon ding paraan ang isang Levita naman, nang dumating siya sa dakong yaon, at makita siya, ay dumaan sa kabilang tabi.

33 Datapuwa't ang (AA)isang Samaritano, sa kaniyang paglalakbay, ay dumating sa kinaroroonan niya: at nang siya'y makita niya, ay nagdalang habag,

34 At lumapit sa kaniya, at tinalian ang kaniyang mga sugat, na binuhusan ng langis at alak; at siya'y isinakay sa kaniyang sariling hayop, at dinala siya sa bahay-tuluyan, at siya'y inalagaan.

35 At nang kinabukasa'y dumukot siya ng (AB)dalawang denario, at ibinigay sa katiwala ng bahay-tuluyan, at sinabi, Alagaan mo siya, at ang anomang magugol mong higit, ay aking pagbabayaran sa iyo pagbabalik ko.

36 Sino sa tatlong ito, sa akala mo, ang nagpakilalang kapuwa tao sa nahulog sa kamay ng mga tulisan?

37 At sinabi niya, Ang nagkaawanggawa sa kaniya. At sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, at gayon din ang gawin mo.

38 Sa pagyaon nga nila sa kanilang lakad, ay pumasok siya sa isang nayon: at isang babaing nagngangalang (AC)Marta, ay tinanggap siya sa kaniyang bahay.

39 At siya'y may isang kapatid na tinatawag na (AD)Maria, na (AE)naupo rin naman sa mga paanan ng Panginoon, at pinakikinggan ang kaniyang salita.

40 Ngunit si Marta ay naliligalig sa maraming paglilingkod; at siya'y lumapit sa kaniya, at sinabi, Panginoon, wala bagang anoman sa iyo, na pabayaan ako ng aking kapatid na babae na maglingkod na magisa? iutos mo nga sa kaniya na ako'y tulungan niya.

41 Datapuwa't sumagot ang Panginoon, at sinabi sa kaniya, Marta, Marta naliligalig ka at nababagabag tungkol sa maraming bagay:

42 Datapuwa't isang bagay ang kinakailangan: sapagka't pinili ni Maria ang magaling na bahagi, na hindi aalisin sa kaniya.

Job 24

Sinasabi ni Job na ang makasalanan ay namamatay na tulad din ng karaniwang tao.

24 Bakit ang mga kapanahunan ay hindi itinakda ng Makapangyarihan sa lahat?
At bakit hindi nangakakakita ng kaniyang mga araw ang nangakakakilala sa kaniya?
May nagsisipagbago ng lindero;
Kanilang dinadalang may karahasan ang mga kawan, at pinasasabsab.
Kanilang itinataboy ang asno ng ulila,
(A)Kanilang kinukuha ang baka ng babaing bao na pinakasangla.
(B)Kanilang inililigaw sa daan ang mapagkailangan:
(C)Ang mga dukha sa lupa ay nagsisikubling magkakasama.
Narito, gaya ng mga mabangis na asno sa ilang,
Sila'y nagsisilabas sa kanilang gawa, na nagsisihanap na masikap ng pagkain;
Ang ilang ay siyang nagbibigay sa kanila ng pagkaing ukol sa kanilang mga anak.
Kanilang pinitas sa bukid ang kanilang pagkain;
At kanilang pinamumulutan ang ubasan ng masama.
Sila'y hubad na nangahihiga buong gabi na walang suot.
At walang kumot sa ginaw.
Sila'y basa ng ulan sa mga bundok,
At (D)niyayakap ang bato sa pagkakailangan ng kulungan.
May nagsisiagaw ng ulila mula sa suso,
At nagsisikuha ng sangla ng dukha:
10 Na anopa't sila'y yumayaong hubad na walang damit,
At palibhasa'y gutom ay kanilang dinadala ang mga bigkis;
11 Sila'y nagsisigawa ng langis sa loob ng olibohan ng mga taong ito;
Sila'y nagpipisa sa kanilang pisaan ng ubas, at nagtitiis ng uhaw.
12 Mula sa makapal na bayan ay nagsisidaing ang mga tao,
At ang kaluluwa ng may sugat ay humihiyaw;
Gayon ma'y hindi inaaring mangmang ng Dios.
13 Ito'y sa mga (E)nangaghihimagsik laban sa liwanag;
Hindi nila nalalaman ang mga daan niyaon,
Ni tumatahan man sa mga landas niyaon.
14 Ang mamamatay tao ay bumabangon pagliliwanag,
Pinapatay niya ang dukha at mapagkailangan;
At sa gabi ay gaya siya ng magnanakaw.
15 Ang mata naman ng mapangalunya ay naghihintay (F)ng pagtatakip-silim,
Na sinasabi, Walang matang makakakita sa akin:
At nagiiba ng kaniyang mukha.
16 Sa kadiliman ay nagsisihukay sila sa mga bahay:
Sila'y nagkukulong sa sarili kung araw;
Hindi nila nalalaman ang liwanag,
17 Sapagka't (G)ang umaga sa kanilang lahat ay parang salimuot na kadiliman,
Sapagka't kanilang nalalaman ang mga kakilabutan ng salimot na kadiliman.
18 (H)Siya'y matulin (I)sa ibabaw ng tubig;
Ang kanilang bahagi ay sinumpa sa lupa:
Siya'y hindi babalik sa daan ng mga ubasan.
19 Katuyuan at kainitan ay tumutunaw ng mga niebeng (J)tubig:
Gaya ng Sheol ng mga nagkakasala.
20 Kalilimutan siya ng bahay-bata: siya'y kakaning maigi ng uod;
Siya'y hindi na maaalaala pa:
At ang kalikuan ay babaliing parang punong kahoy.
21 Kaniyang sinasakmal ang baog na hindi nanganganak;
At hindi gumagawa ng mabuti sa babaing bao.
22 Inaagawan naman ng Dios ang may kaya sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan
Siya'y bumabangon na walang katiwasayan sa buhay.
23 Pinagkakalooban sila ng Dios na malagay sa katiwasayan, at sila'y nagpapahinga roon;
At ang kaniyang mga mata ay nasa kanilang mga lakad.
24 Sila'y nangataas, (K)gayon ma'y isang sandali pa, at sila'y wala na.
Oo, sila'y nangababa, sila'y nangaalis sa daan na gaya ng lahat ng mga iba,
At nangaputol na gaya ng mga uhay.
25 At kung hindi gayon ngayon, sinong magpapatotoo na ako'y sinungaling,
At magwawala ng kabuluhan ng aking pananalita?

1 Corinto 11

11 (A)Maging taga tulad kayo sa akin, na gaya ko naman kay Cristo.

(B)Kayo'y aking pinupuri nga, na sa lahat ng mga bagay ay naaalaala ninyo ako, (C)at iniingatan ninyong matibay ang (D)mga turo, na gaya ng ibinigay ko sa inyo.

Datapuwa't ibig ko na inyong maalaman, (E)na ang pangulo ng bawa't lalake ay si Cristo, at (F)ang pangulo ng babae ay ang lalake, at (G)ang pangulo ni Cristo ay ang Dios.

Ang bawa't lalaking nanalangin, o (H)nanghuhula na may takip ang ulo, ay niwawalan ng puri ang kaniyang ulo.

Datapuwa't ang (I)bawa't babaing nananalangin o nanghuhula na walang lambong ang kaniyang ulo, niwawalan ng puri ang kaniyang ulo; sapagka't gaya rin ng kung kaniyang inahitan.

Sapagka't kung ang babae ay walang lambong, ay pagupit naman; nguni't kung (J)kahiyahiya sa babae ang pagupit o paahit, ay maglambong siya.

Sapagka't katotohanang ang lalake ay hindi dapat maglambong sa kaniyang ulo, palibhasa'y (K)larawan siya at kaluwalhatian ng Dios: nguni't ang babae ay siyang kaluwalhatian ng lalake.

Sapagka't (L)ang lalake ay hindi sa babae; kundi ang babae ay sa lalake:

Sapagka't (M)hindi nilalang ang lalake dahil sa babae; kundi ang babae dahil sa lalake;

10 Dahil dito'y nararapat na ang babae ay magkaroon sa kaniyang ulo ng tanda ng kapamahalaan, (N)dahil sa mga anghel.

11 Gayon man, ang babae ay di maaaring walang (O)lalake at ang lalake ay di maaaring walang babae, (P)sa Panginoon.

12 Sapagka't kung paanong ang babae ay sa lalake, gayon din naman ang lalake ay sa pamamagitan ng babae; datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay sa Dios.

13 Hatulan ninyo sa inyo-inyong sarili: nararapat baga na manalangin ang babae sa Dios nang walang lambong?

14 Hindi baga ang katalagahan din ang nagtuturo sa inyo, na kung may mahabang buhok ang lalake, ay mahalay sa kaniya?

15 Datapuwa't kung ang babae ang may mahabang buhok, ay isang kapurihan niya; sapagka't ang buhok sa kaniya'y ibinigay na pangtakip.

16 Datapuwa't kung tila mapagtunggali ang sinoman, walang gayong ugali kami, (Q)ni ang iglesia man ng Dios.

17 Datapuwa't sa pagtatagubilin sa inyo nito, ay hindi ko kayo pinupuri, sapagka't kayo'y nangagkakatipon hindi sa lalong mabuti kundi sa lalong masama.

18 Sapagka't unauna'y (R)nababalitaan ko na kung nangagkakatipon kayo sa iglesia, ay mayroon sa inyong mga pagkakabahabahagi; at may kaunting paniniwala ako.

19 Sapagka't (S)tunay na sa inyo'y mayroong mga hidwang pananampalataya, upang yaong mga napatunayan na ay mangahayag sa inyo.

20 Kung kayo nga ay nangagkakatipon, ay hindi kayo maaaring magsikain ng hapunan ng Panginoon;

21 Sapagka't sa inyong pagkain, ang bawa't isa'y kumukuha ng kanikaniyang sariling hapunan na nagpapauna sa iba; at ang isa ay gutom, at (T)ang iba'y lasing.

22 Ano, wala baga kayong mga bahay na inyong makakanan at maiinuman? o niwawalang halaga ninyo (U)ang iglesia ng Dios, at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman? Ano ang aking sasabihin sa inyo? Kayo baga'y aking pupurihin? Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri.

23 Sapagka't (V)tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo; na (W)ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay;

24 At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.

25 At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo'y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.

26 Sapagka't sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon (X)hanggang sa dumating siya.

27 (Y)Kaya't ang sinomang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na di nararapat, ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.

28 Datapuwa't (Z)siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro.

29 Sapagka't ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon.

30 Dahil dito'y marami sa inyo ang (AA)mahihina at mga masasaktin, at hindi kakaunti ang (AB)nangatutulog.

31 Datapuwa't kung ating kilalanin ang ating sarili, ay hindi tayo hahatulan.

32 Datapuwa't kung tayo'y hinahatulan, ay (AC)pinarurusahan tayo ng Panginoon, upang huwag tayong mahatulang kasama ng sanglibutan.

33 Dahil dito, mga kapatid ko, kung kayo'y mangagsasalosalo sa pagkain, ay mangaghintayan kayo.

34 (AD)Kung ang sinoman ay magutom, kumain siya sa bahay; upang ang inyong pagsasalosalo ay huwag maging sa paghatol. At ang iba ay aking (AE)aayusin (AF)pagpariyan ko.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978