M’Cheyne Bible Reading Plan
Pananampalataya sa Anak ng Diyos
5 Ang sinumang sumampalataya na si Jesus ang Mesiyas, ang kaniyang kapanganakan ay mula sa Diyos. Ang sinumang umiibig sa kaniya na pinagmulan ng kapanganakan ay umiibig din naman sa kaniya na ipinanganak niya.
2 Sa pamamagitan nito ay nalalaman natin na iniibig natin ang mga anak ng Diyos kung iniibig natin ang Diyos at sinusunod ang kaniyang mga utos. 3 Ito ang pag-ibig ng Diyos: Tuparin natin ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga utos ay hindi mabigat. 4 Dahil ang sinuman na ang kapanganakan ay mulasa Diyos ay nagtatagumpay sa sanlibutan at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanlibutan, ang ating pananampalataya. 5 Sino ang nagtatagumpay sa sanlibutan? Hindi ba ang sumasampalataya na si Jesus ang Anak ng Diyos?
6 Siya itong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, si Jesucristo. Hindi siya naparito sa pamamagitan ng tubig lamang kundi sa pamamagitan ng tubig at dugo. Ang nagpapatotoo ay ang Espiritu sapagkat ang Espiritu ay katotohanan. 7 May tatlong nagpapatotoo sa langit, ang Ama, ang Salita, ang Banal na Espiritu at ang tatlong ito ay iisa. 8 May tatlong nagpapatotoo sa lupa, ang Espiritu, ang tubig at ang dugo. Ang tatlong ito ay nagkakaisa. 9 Yamang tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, higit na dakila ang patotoo ng Diyos sapagkat ito ang patotoo ng Diyos na pinapatunayan niya patungkol sa kaniyang Anak. 10 Ang sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay nagtataglay ng patotoo sa kaniyang sarili. Ang hindi sumasampalataya sa Diyos, siya ang nagsasabi na ang Diyos ay sinungaling sapagkat hindi niya sinampalatayanan ang patotoo na pinatotohanan ng Diyos patungkol sa kaniyang Anak. 11 At ito ang patotoo: Binigyan tayo ng Diyos ng buhay na walang hanggan at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak. 12 Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay. Siya na hindi kinaroroonan ng Anak ng Diyos ay hindi kinaroroonan ng buhay.
Mga Panghuling Salita
13 Isinulat ko ang mga bagay na ito sa inyo na sumasampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos upanginyong malaman na kayo ay may buhay na walang hanggan at upang kayo ay sumampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos.
14 Mayroon tayong katiyakan sa pagharap sa kaniya. Ito ang kapanatagan na sa tuwing humihingi tayo ng anumang bagay na ayon sa kaniyang kalooban, dinirinig niya ito. 15 Yamang alam nating dinirinig niya tayo sa anumang hingin natin, alam din nating natatamo natin ang mga kahilingan na hiningi sa kaniya.
16 Maaaring may makakita sa kaniyang kapatid na gumagawa ng kasalanang hindi ikamamatay. Humiling siya sa Diyos para sa kaniya at magbibigay ng buhay ang Diyos sa kaniya. Ito ay para sa mga nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay. Hindi ko sinasabing idalangin niya ito. 17 Ang lahat ng kalikuan ay kasalanan. Ngunit may kasalanang hindi ikamamatay.
18 Nalalaman natin na ang sinuman na ang kapanganakan ay mula sa Diyos ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala.Siya na ang kapanganakan ay mula sa Diyos ay nag-iingatsa kaniyang sarili at hindi siya maaagaw ng masama. 19 Nalalaman natin na tayo ay sa Diyos at ang buong sanlibutan ay nasa kamay ng masama. 20 Alam nating naparito ang Anak ng Diyos at binigyan tayo ng pang-unawa upang makilala natin siya na totoo. Tayo ay nasa kaniya na totoo, samakatuwid, sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Siya ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan.
21 Munting mga anak, lumayo kayo sa mga diyos-diyosan. Siya nawa!
Pinag-alinlanganan ang Kapamahalaan ni Jesus
20 Nangyari, na isa sa mga araw na iyon, habang nagtuturo si Jesus sa mga tao sa templo at ipinangangaral ang ebanghelyo, pumunta sa kaniyaang mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan na kasama nila ang mga matanda.
2 Nagsalita sila sa kaniya. Sinabi nila: Sabihin mo sa amin kung sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng kapamahalaang ito?
3 Sumagot siya sa kanila na sinabi: Itatanong ko rin sa inyo ang isang bagay. Sabihin ninyo sa akin: 4 Ang bawtismo ni Juan, ito ba ay mula sa langit o mula sa tao?
5 Nagtanungan sila sa isa’t isa na sinasabi: Kung sabihin nating mula sa langit, sasabihin niya: Kung gayon, bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan? 6 Ngunit kapag sinabi nating mula sa mga tao, babatuhin tayo ng lahat ng mga tao sapagkat naniniwala silang si Juan ay isang propeta.
7 Sumagot sila kay Jesus na hindi nila alam kung saan iyon nagmula.
8 Sinabi ni Jesus sa kanila: Kahit ako, hindi ko rin sasabihin kung sa anong kapamahalaan ko ginagawa ang mga bagay na ito.
Ang Talinghaga Patungkol sa mga Magsasakaga
9 Sinimulan niyang sabihin sa mga tao ang isang talinghaga. Isang lalaki ang nagtanim ng ubasan. Ipinaupahan niya ito sa mga magsasaka ng lupain at nilisan niya ang bayan sa mahabang panahon. 10 Sa kapanahunan, isinugo niya sa mga magsasaka ang isang alipin upang ibigay nila sa kaniya ang bunga ng ubasan. Ngunit binugbog ito ng mga magsasaka at pinaalis nang walang dala. 11 Muli siyang nagsugo ng isang alipin ngunit binugbog din nila ito at pinagmalupitan at pinaalis nang walang dala. 12 Nagsugo siyang muli ng pangatlo ngunit kanila rin siyang sinugatan at itinaboy palabas.
13 Sinabi ng panginoon ng ubasan: Ano ang gagawin ko? Susuguin ko ang pinakamamahal kong anak na lalaki. Marahil siya ay igagalang kapag siya ay kanilang nakita.
14 Ngunit nang siya ay makita ng mga magsasaka, sila ay nag-usap-usap. Kanilang sinabi: Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya upang mapasaatin ang mana. 15 Nang siya ay kanilang maitaboy palabas ng ubasan, siya ay kanilang pinatay.
Ano nga ang gagawin sa kanila ng panginoon ng ubasan?
16 Darating siya at lilipulin ang mga magsasakang ito. Ang ubasan ay ibibigay niya sa iba.
Pagkarinig nila nito, kanilang sinabi: Huwag nawang mangyari.
17 Tiningnan niya sila at kaniyang sinabi: Ano nga ang kahulugan ng nasusulat na ito:
Ang bato na tinanggihan ng mga tagapagtayo ay naging batong panulok?
18 Ang bawat isang babagsak sa batong iyon ay magkakapira-piraso. Ngunit ang sinumang mabagsakan nito ay madudurog.
19 Ang mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan ay naghanap ng paraan upang hulihin siya sa oras ding iyon at natakot sila sa mga tao. Ito ay sapagkat alam nila na sinabi ni Jesus ang talinghagang ito laban sa kanila.
Pagbabayad ng Buwis-pandayuhan kay Cesar
20 Sa pagmamatyag nila sa kaniya, nagsugo sila ng mga tiktikna magkukunwaring matuwid upang maipahuli nila siya sa kaniyang pananalita. Nang sa gayon ay maibigay nila siya sa pamunuan at kapamahalaan ng gobernador.
21 Tinanong nila siya na sinasabi: Guro, alam naming ikaw ay nagsasalita at nagtuturo ng tama. Ikaw ay hindi nagtatangi ng tao. Itinuturo mo ang daan ng Diyos na may katotohanan. 22 Naaayon ba sa kautusan na kami ay magbigay ng buwis-pandayuhan kay Cesar o hindi?
23 Alam ni Jesus ang kanilang katusuhan. Sinabi niya sa kanila: Bakit ninyo ako sinusubukan? 24 Ipakita ninyo sa akin ang isang denaryo. Kaninong anyo ang narito at papatungkol kanino ang nakasulat dito?
Sumagot sila: Kay Cesar.
25 Sinabi niya sa kanila: Ibigay nga ninyo kay Cesar ang mga bagay na nauukol kay Cesar. Ibigay ninyo sa Diyos ang mga bagay na nauukol sa Diyos.
26 Siya ay hindi nila mahuli sa kaniyang pananalita sa harap ng mga tao. Namangha sila sa kaniyang sagot at tumahimik sila.
Ang Muling Pagkabuhay at ang Pag-aasawa
27 Pumunta sa kaniya ang ilan sa mga Saduseo na tumatangging mayroong muling pagkabuhay. Nagtanong sila sa kaniya:
28 Guro, si Moises ay sumulat sa amin na kapag mamatay ang kapatid na lalaking may asawa at walang anak, dapat kunin ng kapatid niyanglalaki ang asawa nito. Kukunin ng kapatid ang asawang babae upang magkaanak para sa kaniyang kapatid na namatay. 29 Mayroon ngang pitong magkakapatid na lalaki. Ang una ay nag-asawa at namatay na walang anak. 30 Kinuha siya ng pangalawa upang maging asawa at ang lalaki ay namatay na walang anak. 31 Ang babae ay kinuha ng pangatlo at hanggang sa pampito, gayon ang nangyari. Wala silang iniwang anak at namatay. 32 Sa kahuli-hulihan, namatay din ang babae. 33 Kung magkagayon, sa muling pagkabuhay, kaninong asawa siya? Ito ay sapagkat naging asawa siya ng pito.
34 Sumagot si Jesus: Ang mga anak ng kapanahunang ito ay nag-aasawa at ikinakasal. 35 Ngunit sa kanila na itinuring na karapat-dapat na magtamo ng kapanahunang darating at ng muling pagkabuhay mula sa mga patay ay hindi nag-aasawa ni ikinakasal. 36 Ito ay sapagkat hindi na sila mamamatay kailanman dahil sila ay magiging katulad ng mga anghel. Sa pagiging mga anak ng muling pagkabuhay, sila ay mga anak ng Diyos. 37 Ngunit maging si Moises ay nagpatunay nito sa salaysay patungkol sa palumpong[a] na ang mga patay ay muling mabubuhay. Ito aynang tawagin niya ang Panginoon na Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob. 38 Ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi Diyos ng mga buhay. Ito ay sapagkat ang lahat ay nabubuhay sa kaniya.
39 Sumagot ang ilang guro ng kautusan: Guro, mahusay ang pagkasabi mo. 40 Hindi na sila naglakas ng loob kailanman na magtanong sa kaniya ng anumang bagay.
Kaninong Anak ang Mesiyas?
41 Sinabi niya sa kanila: Papaano nilang sinasabi na ang Mesiyas ay anak ni David?
42 Ito ay sapagkat si David na rin ang nagsabi sa aklat ng mga Awit:
Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon: Maupo ka sa aking kanan.
43 Ito ay hanggang mailagay ko ang iyong mga kaaway bilang tuntungan ng iyong mga paa.
44 Kaya nga, tinawag siya ni David na Panginoon, papaano nga siya naging anak niya?
Mag-ingat sa mga Mapagpaimbabaw
45 Habang nakikinig ang mga tao, siya ay nagsabi sa kaniyang mga alagad.
46 Mag-ingat kayo sa mga guro ng kautusan na nasisiyahang maglakad na may mahabang kasuotan. Ibig nila ang mga pagbati ng mga tao sa mga pamilihang-dako. Ibig din nila ang mga pangunahing upuan sa mga sinagoga at mga pangunahing dako sa mga hapunan. 47 Nilalamon nila ang mga bahay ng mga balo. Bilang pagpapakunwari, nananalangin sila ng mahaba. Ang mga ito ay tatanggap ng higit na mabigat na kahatulan.
Copyright © 1998 by Bibles International