M’Cheyne Bible Reading Plan
6 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 Kung ang sinoman ay magkasala, (A)at sumuway sa Panginoon, (B)na magbulaan sa kaniyang kapuwa (C)tungkol sa isang habilin, o sa isang sanla, o sa nakaw, o pumighati sa kaniyang kapuwa,
3 O (D)nakasumpong ng nawala, at ipagkaila (E)at sumumpa ng kasinungalingan; sa alin man sa lahat ng ito na ginawa ng tao ng pinagkakasalahan:
4 Ay mangyayari nga, na kung siya'y nagkasala at naging salarin, na isasauli niya ang ninakaw, o ang nakuha sa pagpighati, o ang habiling inihabilin sa kaniya, o ang bagay na nawala sa kaniyang nasumpungan,
5 O anomang bagay na kaniyang sinumpaan ng kabulaanan; (F)na isasauli niyang buo, at daragdagan pa niya ng ikalimang bahagi niyaon: sa may-ari ibibigay niya sa araw na pagkasumpong sa kaniya na siya'y may kasalanan.
6 At dadalhin niya sa Panginoon ang kaniyang handog dahil sa pagkakasala, (G)isang tupang lalake na walang kapintasan na kinuha sa kawan, ayon sa iyong pagkahalaga, at ibibigay sa saserdote na pinaka handog dahil sa pagkakasala:
7 (H)At itutubos sa kaniya ng saserdote sa harap ng Panginoon; at siya'y patatawarin tungkol sa alin mang kaniyang nagawa, na kaniyang pinagkasalahan.
Ang tungkulin ng saserdote sa handog na susunugin.
8 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
9 Iutos mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na iyong sabihin, Ito ang kautusan tungkol sa handog na susunugin: ang handog na susunugin ay malalagay sa ibabaw ng pinagsusunugan sa ibabaw ng dambana, buong gabi hanggang umaga; at ang apoy sa dambana ay papananatilihing nagniningas doon.
10 (I)At isusuot ng saserdote ang kaniyang kasuutang lino, at ang kaniyang mga salawal na kayong lino at itatakip niya sa kaniyang katawan; at dadamputin niya ang mga abo ng handog na susunugin na sinunog sa apoy sa ibabaw ng dambana, (J)at ilalagay niya sa tabi ng dambana.
11 At maghuhubad siya ng kaniyang mga suot, at magbibihis ng ibang mga kasuutan, at ilalabas ang mga abo sa labas ng kampamento (K)sa isang dakong malinis.
12 At ang apoy sa ibabaw ng dambana ay papananatilihing nagniningas doon, hindi papatayin; at ang saserdote ay magsusunog ng kahoy sa ibabaw niyaon tuwing umaga: at aayusin niya sa ibabaw niyaon ang handog na susunugin, at susunugin sa ibabaw niyaon (L)ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan.
13 Ang apoy ay papananatilihing nagniningas sa ibabaw ng dambana; hindi papatayin.
14 (M)At ito ang kautusan tungkol sa handog na harina: ihahandog ng mga anak ni Aaron sa harap ng Panginoon, sa harap ng dambana.
Ang tungkulin ng saserdote sa handog na pagkain.
15 At kukuha siya niyaon ng kaniyang dakot, ng mainam na harina sa handog na harina, at ng langis niyaon, at ng lahat na kamangyan, na nasa ibabaw ng handog na harina, at kaniyang susunugin sa ibabaw ng dambana, na pinakamasarap na amoy, na alaala niyaon (N)sa Panginoon.
16 (O)At ang labis sa handog ay kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak: (P)walang lebadurang kakanin sa dakong banal; sa looban ng tabernakulo ng kapisanan kakanin nila.
17 (Q)Hindi lulutuing may lebadura. (R)Aking ibinigay sa kanilang pinakabahagi nila, sa mga handog sa akin na pinaraan sa apoy; (S)kabanalbanalang bagay nga, na gaya ng handog dahil sa kasalanan, at gaya ng handog dahil sa pagkakasala.
18 Bawa't lalake sa mga anak ni Aaron ay kakain niyaon na (T)pinakabahagi nila magpakailan man, sa buong panahon ng inyong lahi, sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; (U)sinomang humipo ng mga iyan ay magiging banal.
19 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
20 (V)Ito ang alay ni Aaron at ng kaniyang mga anak na kanilang ihahandog sa Panginoon sa araw na siya'y pahiran ng langis; ang ikasangpung bahagi ng isang (W)epa[a] ng mainam na harina, na pinakahandog na harina magpakailan man, ang kalahati ay sa umaga at ang kalahati ay sa hapon.
21 Sa kawali ihahandang may langis; pagkatigmak niyaon dadalhin mo: lutong putolputol na ihaharap mo ang handog na harina na pinaka masarap na amoy sa Panginoon.
22 At ang saserdoteng pinahiran ng langis na mahahalili sa kaniya, na mula sa gitna ng kaniyang mga anak ay maghahandog niyaon: ayon sa palatuntunang walang hanggan ay susunuging (X)lahat sa Panginoon.
23 At bawa't handog na harina ng saserdote ay susunuging lahat: hindi kakanin.
24 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
25 Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na sabihin, (Y)Ito ang kautusan tungkol sa handog dahil sa kasalanan: (Z)sa dakong pinagpapatayan ng handog na susunugin ay doon papatayin ang handog dahil sa kasalanan, sa harap ng Panginoon; kabanalbanalang bagay nga.
26 (AA)Ang saserdoteng maghandog niyaon dahil sa kasalanan ay kakain niyaon: sa dakong banal kakanin, sa looban ng tabernakulo ng kapisanan.
27 (AB)Anomang humipo ng laman niyaon ay magiging banal: at pagka pumilansik ang dugo sa alin mang damit, ay lalabhan mo yaong napilansikan sa dakong banal.
28 Datapuwa't ang sisidlang lupa na pinaglutuan (AC)ay babasagin: at kung niluto sa sisidlang tanso ay lilinisin at babanlawan ng tubig.
29 (AD)Bawa't lalake sa mga saserdote ay kakain niyaon: bagay ngang kabanalbanalan.
30 (AE)At hindi kakanin ang anomang handog dahil sa kasalanan, kung may dugo niyao'y ipinasok sa tabernakulo ng kapisanan upang ipangtubos sa dakong banal: sa apoy nga susunugin.
Panalangin upang ipag-adya sa masama. Sa Pangulong manunugtog; pati ng Nehiloth. Awit ni David.
5 Pakinggan mo ang aking mga salita, Oh Panginoon,
Pakundanganan mo ang aking pagbubulaybulay.
2 Dinggin mo ang tinig ng aking daing, (A)Hari ko, at Dios ko;
Sapagka't (B)sa Iyo'y dumadalangin ako.
3 Oh Panginoon, (C)sa kinaumagaha'y didinggin mo ang aking tinig;
Sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo, at magbabantay ako.
4 Sapagka't ikaw ay di isang Dios na may kaluguran sa kasamaan:
Ang masama ay hindi tatahang kasama mo.
5 Ang hambog ay hindi tatayo sa iyong paningin:
Iyong kinapopootan ang lahat na mga manggagawa ng kalikuan.
6 Iyong lilipulin sila na nangagsasalita ng mga (D)kabulaanan:
(E)Kinayayamutan ng Panginoon ang taong mabangis at magdaraya,
7 Nguni't sa ganang akin, sa kasaganaan ng iyong kagandahang-loob ay papasok ako sa iyong bahay;
(F)Sa takot sa iyo ay sasamba ako sa dako ng iyong banal na templo.
8 (G)Patnubayan mo ako, Oh Panginoon, sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway;
Patagin mo ang iyong daan sa harapan ko.
9 Sapagka't walang pagtatapat sa kanilang bibig;
Ang kanilang kalooban ay tunay na kasamaan;
Ang kanilang lalamunan ay bukas na (H)libingan;
Sila'y nanganunuya ng kanilang dila.
10 Bigyan mong sala sila, Oh Dios;
Ibuwal mo sila sa kanilang sariling mga payo:
Palayasin mo sila sa karamihan ng kanilang mga pagsalangsang;
Sapagka't sila'y nanganghimagsik laban sa iyo,
11 Nguni't iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo,
Pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man, sapagka't iyong ipinagsasanggalang sila:
Mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan.
12 Sapagka't iyong pagpapalain ang matuwid;
Oh Panginoon, lilibirin mo siya ng paglingap (I)na gaya ng isang kalasag.
Panalangin sa paghingi ng tulong sa panahon ng bagabag. Sa Pangulong manunugtog; sa mga panugtog na kawad, itinugma sa Seminoth. Awit ni David.
6 Oh Panginoon, (J)huwag mo akong sawayin sa iyong galit,
(K)Ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob.
2 (L)Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; sapagka't ako'y naluluoy, Oh Panginoon, pagalingin mo ako; sapagka't ang aking mga buto ay nagsisipangalog.
3 Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam:
At ikaw, Oh Panginoon, (M)hanggang kailan?
4 Bumalik ka, Oh Panginoon, palayain mo ang aking kaluluwa:
Iligtas mo ako alangalang sa iyong kagandahang-loob.
5 (N)Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo;
Sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo?
6 Ako'y pagal ng aking pagdaing; Gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan;
Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha.
7 (O)Ang aking mga mata ay nangamumugto dahil sa kapanglawan;
Tumatanda ako dahil sa aking lahat na kaaway.
8 (P)Magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kasamaan:
Sapagka't narinig ng Panginoon ang tinig ng aking pagtangis.
9 Narinig ng Panginoon ang aking pananaing;
Tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin.
10 Lahat ng kaaway ko'y mapapahiya, at mababagabag na mainam:
Sila'y magsisibalik, sila'y mangapapahiyang kagyat.
Iba't ibang palagay tungkol sa buhay at kaugalian.
21 Ang puso ng hari ay nasa kamay ng Panginoon na parang mga batis:
Kumikiling saan man niya ibigin.
2 (A)Bawa't lakad ng tao ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata:
Nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga puso.
3 (B)Gumawa ng kaganapan at kahatulan
Ay lalong kalugodlugod sa Panginoon kay sa hain.
4 (C)Ang mapagmataas na tingin, at ang palalong puso,
Siyang ilaw ng masama, ay kasalanan.
5 Ang mga pagiisip ng masipag ay patungo sa kasaganaan lamang:
Nguni't bawa't nagmamadali ay sa pangangailangan lamang.
6 (D)Ang pagtatamo ng mga kayamanan sa pamamagitan ng sinungaling na dila
Ay singaw na tinatangay na paroo't parito noong nagsisihanap ng kamatayan.
7 Ang pangdadahas ng masama ay siya ring papalis sa kanila;
Sapagka't sila'y nagsitangging magsigawa ng kahatulan.
8 Ang lakad ng nagpapasan ng sala ay lubhang liko;
Nguni't tungkol sa malinis, ang kaniyang gawa ay matuwid.
9 (E)Lalong maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan,
Kay sa palatalong babae sa maluwang na bahay.
10 (F)Ang kaluluwa ng masama ay nagnanasa ng kasamaan:
Ang kaniyang kapuwa ay hindi nakakasumpong ng lingap sa kaniyang mga mata.
11 (G)Pagka ang mangduduwahagi ay pinarusahan, ang musmos ay nagiging pantas:
At pagka ang pantas ay tinuturuan, siya'y tumatanggap ng kaalaman.
12 Pinagninilay ng matuwid ang bahay ng masama,
Kung paanong napapahamak ang masama sa kanilang pagkapariwara.
13 (H)Ang nagtatakip ng kaniyang mga pakinig sa daing ng dukha,
Siya naman ay dadaing, nguni't hindi didinggin.
14 Ang (I)kaloob na lihim ay nagpapatahimik ng galit,
At ang alay sa sinapupunan, ay ng malaking poot.
15 Kagalakan sa matuwid ang gumawa ng kahatulan;
Nguni't kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan.
16 Ang tao na gumagala sa labas ng daan ng kaunawaan,
(J)Magpapahinga sa kapisanan ng patay.
17 Ang umiibig ng kalayawan ay magiging dukha:
Ang umiibig sa alak at langis ay hindi yayaman.
18 (K)Ang masama ay isang katubusan para sa matuwid,
At ang taksil ay sa lugar ng matuwid.
19 (L)Lalong maigi ang tumahan sa ilang na lupain,
Kay sa makisama sa palatalo at magagaliting babae.
20 May mahalagang kayamanan at langis sa tahanan ng pantas;
Nguni't ito'y sinasakmal ng mangmang.
21 (M)Ang sumusunod sa katuwiran at kagandahang-loob
Nakakasumpong ng buhay, katuwiran, at karangalan.
22 Sinasampa ng pantas ang (N)bayan ng makapangyarihan,
At ibinabagsak ang lakas ng pagkakatiwala niyaon.
23 (O)Sinomang nagiingat ng kaniyang bibig at kaniyang dila
Nagiingat ng kaniyang kaluluwa mula sa mga kabagabagan.
24 Ang palalo at mapagmataas na tao, manglilibak ang kaniyang pangalan,
Siya'y gumagawa sa kahambugan ng kapalaluan.
25 (P)Ang nasa ng tamad ay pumapatay sa kaniya;
Sapagka't tumatanggi ang kaniyang mga kamay sa paggawa.
26 May nagiimbot sa kasakiman buong araw:
Nguni't ang (Q)matuwid ay nagbibigay at hindi nagkakait.
27 Ang hain ng masama ay karumaldumal:
Gaano pa nga, pagka kaniyang dinadala na may masamang isip!
28 Ang sinungaling na saksi ay mamamatay:
Nguni't ang taong nakikinig ay magsasalita upang mamalagi.
29 Ang masamang tao ay nagmamatigas ng kaniyang mukha;
Nguni't tungkol sa taong matuwid, nagaayos ng kaniyang mga lakad.
30 (R)Walang karunungan, o kaunawaan man,
O payo man laban sa Panginoon.
31 (S)Ang kabayo ay handa laban sa kaarawan ng pagbabaka:
Nguni't ang pagtatagumpay ay sa Panginoon.
4 Mga panginoon, (A)gawin ninyo sa inyong mga alipin ang matuwid, at katampatan; yamang nalalaman ninyo na kayo naman ay mayroong ding isang Panginoon sa langit.
2 (B)Manatili kayong palagi (C)sa pananalangin, na kayo'y mangagpuyat na (D)may pagpapasalamat;
3 (E)Na tuloy idalangin din ninyo kami, na buksan sa amin ng Dios ang pinto sa salita, upang aming salitain (F)ang hiwaga ni Cristo, (G)na dahil din dito'y may mga tanikala ako;
4 Upang ito'y aking maihayag, gaya ng aking nararapat na salitain.
5 Magsilakad kayo na may karunungan (H)sa nangasa labas, (I)na inyong samantalahin ang panahon.
6 Ang inyong pananalita nawa'y (J)laging may biyaya, (K)na magkalasang asin, upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa't isa.
7 (L)Ang lahat na mga bagay ukol sa akin ay ipatatalastas sa inyo ni Tiquico, na minamahal na kapatid at tapat na ministro, at kasamang lingkod sa Panginoon:
8 Na siyang aking sinugo sa inyo sa bagay na ito, upang maalaman ninyo ang aming kalagayan, at upang kaniyang aliwin ang inyong mga puso;
9 Na kasama ni (M)Onesimo, tapat at minamahal na kapatid, na siya'y isa sa inyo. Sila ang magpapatalastas sa inyo ng lahat ng mga bagay na nangyayari dini.
10 Binabati kayo ni Aristarco na kasama ko sa bilangguan, at ni (N)Marcos na pinsan ni Bernabe (tungkol sa kaniya'y tinanggap na ninyo ang mga utos: kung paririyan siya sa inyo, ay inyong tanggapin),
11 At si Jesus na tinatawag na Justo, (O)na pawang sa pagtutuli: ang mga ito lamang ang aking kamanggagawa sa kaharian ng Dios, mga taong naging kaaliwan ko.
12 Binabati kayo ni Epafras, (P)na isa sa inyo, na lingkod ni Cristo Jesus, na siyang laging nagsisikap dahil sa inyo sa kaniyang pananalangin, upang kayo'y magsitatag na mga sakdal at lubos na tiwasay sa lahat na kalooban ng Dios.
13 Sapagka't siya'y binibigyan kong patotoo na siya'y totoong nagpapagal sa inyo, at sa nangasa (Q)Laodicea, at sa nangasa Hierapolis.
14 Binabati kayo ni (R)Lucas, ang minamahal na manggagamot, at ni (S)Demas.
15 Batiin ninyo ang mga kapatid na nangasa Laodicea, at si Nimfas, at (T)ang iglesiang nasa kanilang bahay.
16 At pagkabasa (U)ng sulat na ito sa inyo, ay ipabasa naman ninyo sa iglesia ng mga taga Laodicea; at basahin naman ninyo ang sulat na mula sa Laodicea.
17 At sabihin ninyo kay (V)Arquipo, Ingatan mong tuparin ang ministerio na tinanggap mo sa Panginoon.
18 Ang bating sinulat ng aking sariling kamay, (W)akong si Pablo. Alalahanin ninyo ang (X)aking mga tanikala. (Y)Ang biyaya'y sumasainyo nawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978