Daily Reading for Personal Growth, 40 Days with God
4 Mangagalak kayong lagi sa Panginoon: (A)muli kong sasabihin, Mangagalak kayo.
5 Makilala nawa (B)ang inyong kahinhinan ng lahat ng mga tao. (C)Ang Panginoon ay malapit na.
6 Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; (D)kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.
7 At (E)ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.
8 Katapustapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, (F)anomang bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito.
9 Ang mga bagay na inyong natutuhan (G)at tinanggap at narinig at nakita sa akin, ang mga bagay na ito ang gawin ninyo: at (H)ang Dios ng kapayapaan ay sasa inyo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978