Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Daily Reading for Personal Growth, 40 Days with God

40 daily Scripture readings that illustrate the character of God and the nature of faith.
Duration: 40 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Santiago 3:13-18

13 Sino ang marunong at matalino sa inyo? ipakita niya sa pamamagitan ng mabuting (A)kabuhayan ang (B)kaniyang mga gawa sa kaamuan ng karunungan.

14 Nguni't kung kayo'y mayroong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan.

15 Hindi (C)ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, (D)sa laman, sa diablo.

16 Sapagka't kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama.

17 Nguni't ang karunungang buhat sa itaas, ay una-una'y malinis saka mapayapa, (E)banayad, madaling panaingan, (F)puspos ng kaawaan at ng mabubuting bunga, (G)walang inaayunan, (H)walang pagpapaimbabaw.

18 At ang bunga ng katuwiran (I)ay natatanim sa kapayapaan sa mga nagsisigawa ng kapayapaan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978