Daily Reading for Personal Growth, 40 Days with God
8 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, narito, inilagay ko sa harap mo ang isang pintuang bukas at walang makakapagsara nito sapagkat kaunti ang iyong lakas at tinupad mo ang aking salita at hindi mo ipinagkaila ang aking pangalan. 9 Narito, sinasabi ko ito sa kanila na kabahagi ng sinagoga ni Satanas, yaong mga nagsasabi na sila ay mga Judio at hindi naman. Subalit sila ay nagsinungaling. Narito, palalapitin ko sila upang magpatirapa sa iyong paanan. Ipaaalam ko sa kanila na iniibig kita. 10 Dahil tinupad mo ang aking salita na ikaw ay dapat maging matiisin, iingatan kita sa panahong ito ng pagsubok na darating na sa mga tao sa buong sanlibutan upang subukin ang mga naninirahan sa lupa.
11 Narito, darating na ako agad. Panghawakan mo ang anumang iyong tinataglay upang walang sinumang makakuha ng iyong gantimpalang putong.
Copyright © 1998 by Bibles International