Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Daily Reading for Personal Growth, 40 Days with God

40 daily Scripture readings that illustrate the character of God and the nature of faith.
Duration: 40 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Efeso 1:15-19

Pasasalamat at Pananalangin

15 Kaya nga, ako ay nagpapasalamat para sa inyo, nang marinig ko ang inyong pananampalataya sa Panginoong Jesus at ang pag-ibig ninyo sa lahat ng mga banal.

16 Dahil dito, patuloy din akong nagpapasalamat para sa inyo at binabanggit ko kayo sa aking mga panalangin. 17 Dumadalangin ako sa Diyos ng ating Panginoong Jesucristo, ang Ama ng kaluwal­hatian, na ipagkaloob niya sa inyo ang espiritu ng karunungan at kapahayagan sa kaalaman sa kaniya. 18 Idinadalangin kong maliwanagan ang mata ng inyong isipan upang malaman ninyo kung ano ang pag-asa ng kaniyang pagtawag at kung ano ang yaman ng kaluwalhatian ng kaniyang pamana sa mga banal. 19 Idinadalangin kong malaman ninyo kung ano ang nakaka­higit na kadakilaan ng kaniyang kapangyarihan patungkol sa atin na sumasampalataya, ayonsa paggawa ng lawak ng kadakilaan ng kaniyang kapangyarihan.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International