Daily Reading for Personal Growth, 40 Days with God
Pananampalataya sa Anak ng Diyos
5 Ang sinumang sumampalataya na si Jesus ang Mesiyas, ang kaniyang kapanganakan ay mula sa Diyos. Ang sinumang umiibig sa kaniya na pinagmulan ng kapanganakan ay umiibig din naman sa kaniya na ipinanganak niya.
2 Sa pamamagitan nito ay nalalaman natin na iniibig natin ang mga anak ng Diyos kung iniibig natin ang Diyos at sinusunod ang kaniyang mga utos. 3 Ito ang pag-ibig ng Diyos: Tuparin natin ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga utos ay hindi mabigat. 4 Dahil ang sinuman na ang kapanganakan ay mulasa Diyos ay nagtatagumpay sa sanlibutan at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanlibutan, ang ating pananampalataya. 5 Sino ang nagtatagumpay sa sanlibutan? Hindi ba ang sumasampalataya na si Jesus ang Anak ng Diyos?
6 Siya itong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, si Jesucristo. Hindi siya naparito sa pamamagitan ng tubig lamang kundi sa pamamagitan ng tubig at dugo. Ang nagpapatotoo ay ang Espiritu sapagkat ang Espiritu ay katotohanan.
Copyright © 1998 by Bibles International