Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the ESV. Switch to the ESV to read along with the audio.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
1 Cronica 9-10

Ang mga Unang Nanirahan sa Jerusalem

Sa gayon ang buong Israel ay itinala ayon sa mga talaan ng angkan; at sila'y nakasulat sa Aklat ng mga Hari ng Israel. At ang Juda ay naging bihag sa Babilonia dahil sa kanilang pagtataksil.

Ang(A) mga unang nanirahan sa kanilang mga ari-arian sa kanilang mga bayan ay mga Israelita, mga pari, mga Levita, at ang mga lingkod sa templo.[a]

Sa Jerusalem ay nanirahan ang iba sa mga anak nina Juda, Benjamin, Efraim, at Manases:

si Utai, na anak ni Amihud, na anak ni Omri, na anak ni Imri, na anak ni Bani, sa mga anak ni Perez na anak ni Juda.

Sa mga Shilonita: si Asaya na panganay, at ang kanyang mga anak.

Sa mga anak ni Zera: si Jehuel, at ang kanilang mga kapatid, na animnaraan at siyamnapu.

At sa mga anak ni Benjamin: si Sallu, na anak ni Mesulam, na anak ni Hodavias, na anak ni Hasenua;

at si Ibnias na anak ni Jeroham, at si Ela na anak ni Uzi, na anak ni Michri, at si Mesulam na anak ni Shefatias, na anak ni Reuel, na anak ni Ibnias;

at ang kanilang mga kapatid, ayon sa kanilang mga lahi ay siyamnaraan at limampu't anim. Lahat ng mga lalaking ito ay mga puno sa mga sambahayan ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang.

10 Sa mga pari: sina Jedias, Jehoiarib, Jakin,

11 at Azarias na anak ni Hilkias, na anak ni Mesulam, na anak ni Zadok, na anak ni Meraiot, na anak ni Ahitub, na tagapamahala sa bahay ng Diyos;

12 si Adaya na anak ni Jeroham, na anak ni Pashur, na anak ni Malkia, at si Mahsai na anak ni Adiel, na anak ni Jazera, na anak ni Mesulam, na anak ni Mesillemith, na anak ni Imer;

13 bukod sa kanilang mga kapatid, mga puno sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang, na isang libo pitong daan at animnapu. Sila'y mga lalaking may kakayahan sa gawaing paglilingkod sa bahay ng Diyos.

14 At sa mga Levita: si Shemaya na anak ni Hashub, na anak ni Azricam, na anak ni Hashabias sa mga anak ni Merari;

15 at sina Bacbacar, Heres, Galal, at si Matanias na anak ni Mikas, na anak ni Zicri, na anak ni Asaf;

16 at si Obadias na anak ni Shemaya, na anak ni Galal, na anak ni Jedutun, at si Berequias na anak ni Asa na anak ni Elkana, na nanirahan sa mga nayon ng mga Netofatita.

Ang Bantay sa Pinto at ang Kanilang Gawain

17 Ang mga bantay sa pinto ay sina Shallum, Acub, Talmon, Ahiman at ang kanilang mga kapatid (si Shallum ang pinuno),

18 na hanggang ngayo'y nananatili sa pintuang-daan ng hari na dakong silangan. Sila ang mga bantay sa pinto sa kampo ng mga anak ni Levi.

19 Si Shallum na anak ni Kora, na anak ni Abiasat, na anak ni Kora, at ang kanyang mga kapatid, sa sambahayan ng kanyang magulang, ang mga Korahita, ang namamahala sa gawaing paglilingkod, mga tagapagbantay ng mga pintuang-daan ng tolda, kung paanong ang kanilang mga ninuno ay mga tagapamahala sa kampo ng Panginoon, na mga bantay ng pasukan.

20 Si Finehas na anak ni Eleazar ay pinuno nila nang panahong nakaraan, at ang Panginoon ay kasama niya.

21 Si Zacarias na anak ni Meselemia ay bantay sa pinto ng toldang tipanan.

22 Lahat ng mga ito na pinili upang maging mga bantay sa pinto sa mga tarangkahan ay dalawandaan at labindalawa. Ang mga ito'y itinalaga ayon sa talaan ng lahi sa kanilang mga nayon na siyang pinagkatiwalaan sa kanilang katungkulan ni David at ni Samuel na tagakita ng pangitain.[b]

23 Kaya't sila at ang kanilang mga anak ay tagapamahala sa mga pintuan ng bahay ng Panginoon, samakatuwid ay ang bahay ng tolda bilang mga bantay.

24 Ang mga bantay sa pinto ay nasa apat na sulok sa dakong silangan, kanluran, hilaga at timog.

25 Ang kanilang mga kamag-anak na nasa mga nayon ay sapilitang pinapapasok tuwing ikapitong araw, tuwing kapanahunan, upang makasama ng mga ito,

26 sapagkat ang apat na bantay ng pinto na mga Levita ay tagapamahala ng mga silid at mga kayamanan sa bahay ng Diyos.

27 Sila'y naninirahan sa palibot ng bahay ng Diyos, sapagkat tungkulin nila ang pagbabantay at pagbubukas nito tuwing umaga.

28 Ang ilan sa kanila ay nangangasiwa sa mga kasangkapan na ginagamit sa paglilingkod, sapagkat kailangan nilang bilangin ang mga ito kapag ipinapasok at inilalabas.

29 Ang iba sa kanila ay itinalaga sa kasangkapan, sa lahat ng mga banal na kasangkapan, sa piling harina, sa alak, sa langis, at sa insenso, at sa mga pabango.

30 Ang ilan sa mga anak ng mga pari ay naghahanda ng pagtitimpla ng mga pabango.

31 Si Matithias, isa sa mga Levita, na siyang panganay ni Shallum na Korahita ay tagapamahala sa paggawa ng manipis na tinapay.

32 Ang ilan sa kanilang mga kapatid sa mga anak ng mga Kohatita, ay tagapamahala sa tinapay na handog upang ihanda bawat Sabbath.

33 Ang mga ito ang mga mang-aawit, mga puno sa mga sambahayan ng mga magulang ng mga Levita, na naninirahan sa mga silid at malaya sa ibang katungkulan, sapagkat sila'y naglilingkod araw at gabi.

34 Ang mga ito ay mga puno sa mga sambahayan ng mga magulang ng mga Levita, ayon sa kanilang salinlahi, mga pinuno na naninirahan sa Jerusalem.

35 Sa Gibeon ay nanirahan ang ama ni Gibeon, si Jehiel, at ang pangalan ng kanyang asawa ay Maaca.

36 Ang kanyang anak na panganay ay si Abdon, na sinundan nina Zur, Kish, Baal, Ner, Nadab;

37 Gedor, Ahio, Zacarias, at Miclot.

38 At naging anak ni Miclot si Samaam. At sila'y nanirahan ding katapat ng kanilang mga kapatid sa Jerusalem, kasama ng kanilang mga kapatid.

39 Si Ner ang ama ni Kish; at naging anak ni Kish si Saul; at naging anak ni Saul sina Jonathan, Malkishua, Abinadab, at Esbaal.

40 At ang anak ni Jonathan ay si Merib-baal; at naging anak ni Merib-baal si Micaias.

41 Ang mga anak ni Micaias ay sina Piton, Melec, Tarea, at Ahaz.

42 At naging anak ni Ahaz si Jara; at naging anak ni Jara sina Alemet, Azmavet, at Zimri; at naging anak ni Zimri si Mosa.

43 Naging anak ni Mosa si Bina; at si Refaias, Elesa at Asel ang kanyang mga anak.

44 Si Asel ay nagkaroon ng anim na anak, ito ang kanilang mga pangalan: Azricam, Bocru, Ismael, Seraia, Obadias, at Hanan. Ang mga ito ang mga naging anak ni Asel.

Ang Pagkamatay ni Saul at ng Kanyang mga Anak(B)

10 Ang mga Filisteo ay nakipaglaban sa Israel, at ang mga kalalakihan ng Israel ay tumakas sa mga Filisteo, at patay na nabuwal sa Bundok ng Gilboa.

Inabutan ng mga Filisteo si Saul at ang kanyang mga anak. Pinatay ng mga Filisteo sina Jonathan, Abinadab, at Malkishua, na mga anak ni Saul.

Ang paglalaban ay tumindi laban kay Saul. Inabutan siya ng mga mamamana at siya'y sinugatan ng mga ito.

Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kanyang tagadala ng sandata, “Bunutin mo ang iyong tabak, at itusok mo sa akin, baka ang mga hindi tuling ito ay dumating at paglaruan ako.” Ngunit ayaw ng kanyang tagadala ng sandata, sapagkat siya'y lubhang natakot. Kaya't kinuha ni Saul ang kanyang tabak at ibinuwal ang sarili doon.

Nang makita ng kanyang tagadala ng sandata na si Saul ay patay na, kinuha rin niya ang kanyang tabak at ibinuwal din ang sarili at namatay.

Gayon namatay si Saul at ang kanyang tatlong anak; at ang kanyang buong sambahayan ay namatay na magkakasama.

Nang makita ng lahat ng kalalakihan ng Israel na nasa libis na tumakas ang hukbo,[c] at si Saul at ang kanyang mga anak ay patay na, kanilang iniwan ang kanilang mga bayan at tumakas. Ang mga Filisteo ay dumating at nanirahan sa mga iyon.

Kinaumagahan, nang dumating ang mga Filisteo upang hubaran ang mga napatay, kanilang natagpuan si Saul at ang kanyang mga anak na patay na sa Bundok ng Gilboa.

Kanilang hinubaran siya at kinuha ang kanyang ulo at ang kanyang sandata, at nagpadala ng mga sugo sa buong lupain ng mga Filisteo upang dalhin ang mabuting balita sa kanilang mga diyus-diyosan at sa mga tao.

10 Inilagay nila ang kanyang sandata sa bahay ng kanilang mga diyos, at ikinabit ang kanyang ulo sa bahay ni Dagon.

11 Ngunit nang nabalitaan ng buong Jabes-gilead ang lahat ng ginawa ng mga Filisteo kay Saul,

12 ang lahat ng matatapang na lalaki ay tumindig, at kinuha ang bangkay ni Saul at ang mga bangkay ng kanyang mga anak, at dinala sa Jabes. Inilibing nila ang kanilang mga buto sa ilalim ng ensina sa Jabes, at nag-ayuno ng pitong araw.

13 Sa(C) gayo'y namatay si Saul dahil sa kanyang kataksilan. Naging taksil siya sa Panginoon, sapagkat hindi niya sinunod ang utos ng Panginoon. Bukod dito'y sumangguni siya sa tumatawag ng espiritu ng patay, at humihingi ng patnubay,

14 at hindi humingi ng patnubay sa Panginoon. Kaya't siya'y kanyang pinatay at inilipat ang kaharian kay David na anak ni Jesse.

Mga Gawa 27:21-44

21 Sapagkat matagal na silang hindi kumakain, tumayo si Pablo sa gitna nila, at sinabi, “Mga ginoo, nakinig sana kayo sa akin, at hindi naglayag mula sa Creta, at naiwasan ang kapinsalaan at kapahamakang ito.

22 Ngayon ay ipinapakiusap ko sa inyo na inyong lakasan ang inyong loob sapagkat walang buhay na mapapahamak sa inyo, kundi ang barko lamang.

23 Sapagkat sa gabing ito ay tumayo sa tabi ko ang isang anghel ng Diyos na nagmamay-ari sa akin, at siya ko namang pinaglilingkuran,

24 na nagsasabi, ‘Huwag kang matakot, Pablo. Kailangan mong humarap kay Cesar. At tunay na ipinagkaloob ng Diyos ang kaligtasan sa lahat ng kasama mo sa paglalayag.’

25 Kaya, mga ginoo, lakasan ninyo ang inyong loob, sapagkat ako'y sumasampalataya sa Diyos na mangyayari ito ayon sa sinabi sa akin.

26 Subalit tayo'y kailangang mapadpad sa isang pulo.”

27 Nang dumating ang ikalabing-apat na gabi, samantalang kami'y ipinapadpad ng hangin sa kabila ng Dagat ng Adriatico, nang maghahating-gabi na ay inakala ng mga mandaragat na sila'y papalapit na sa lupa.

28 Nang kanilang tarukin ay nalamang dalawampung dipa; at pagkasulong ng kaunti ay tinarok nilang muli at nalamang may labinlimang dipa.

29 Sa takot naming mapapadpad sa batuhan, naghulog sila ng apat na angkla sa hulihan at nanalanging mag-umaga na.

30 Subalit nang magtangka ang mga mandaragat na makaalis sa barko at ibinaba ang bangka sa dagat, na ang idinadahilan ay maghuhulog sila ng mga angkla sa unahan,

31 ay sinabi ni Pablo sa senturion at sa mga kawal, “Malibang manatili ang mga taong ito sa barko, kayo'y hindi makakaligtas.”

32 Nang magkagayo'y pinutol ng mga kawal ang mga lubid ng bangka, at pinabayaang mahulog.

33 Nang mag-uumaga na, hinimok silang lahat ni Pablo na kumain, na sinasabi, “Ang araw na ito ang ikalabing-apat na araw na kayo'y naghihintay na walang kinakaing anuman.

34 Kaya't ipinapakiusap ko sa inyo na kayo'y kumain; ito ay para sa inyong kaligtasan, sapagkat hindi malalaglag kahit ang isang buhok sa ulo ng sinuman sa inyo.”

35 Nang masabi na niya ito, at makakuha ng tinapay, ay nagpasalamat siya sa Diyos sa harapan ng lahat. Ito'y kanyang pinagputul-putol at nagsimulang kumain.

36 Nang magkagayo'y lumakas ang loob ng lahat, at sila nama'y kumain din.

37 Kaming lahat na nasa barko ay dalawandaan at pitumpu't anim na kaluluwa.

38 Nang makakain na sila nang sapat, pinagaan nila ang barko sa pamamagitan ng pagtatapon ng trigo sa dagat.

Nagpatuloy ang Barko

39 Nang mag-umaga na, hindi nila napansin ang lupa, ngunit nababanaagan nila ang isang look na may baybayin, at sila'y nagbalak na maisadsad doon ang barko.

40 Inihulog nila ang mga angkla at kanilang iniwan iyon sa dagat samantalang kinakalag ang mga tali ng mga ugit. Nang maitaas na nila sa hangin ang layag sa unahan ay nagtungo sila sa baybayin.

41 Ngunit pagdating sa isang dako na pinagsasalubungan ng dalawang dagat, ay kanilang isinadsad ang barko at ang unahan ng barko ay hindi nakaalis at nanatiling hindi kumikilos, at ang hulihan ay winasak ng lakas ng mga alon.

42 Ang balak ng mga kawal ay pagpapatayin ang mga bilanggo upang ang sinuma'y hindi makalangoy at makatakas.

43 Sa pagnanais na iligtas si Pablo, pinigil sila ng senturion sa kanilang balak. Ipinag-utos niya na ang mga marunong lumangoy ay tumalon, at mauna na sa lupa;

44 at ang mga naiwan ay sumunod, ang ilan ay sa ibabaw ng mga kahoy, at ang iba ay sa bahagi ng barko. Sa gayon ang lahat ay ligtas na nakarating sa lupa.

Mga Awit 8

Sa Punong Mang-aawit: ayon sa Gittith. Awit ni David.

O Panginoon, aming Panginoon,
    sa buong lupa ay napakadakila ng iyong pangalan!

Sa itaas ng mga langit ay inaawit ang iyong kaluwalhatian
    mula(A) sa bibig ng mga sanggol at mga musmos,
ikaw ay nagtatag ng tanggulan dahil sa mga kalaban mo,
    upang patahimikin ang kaaway at ang maghihiganti sa iyo.

Kapag pinagmamasdan ko ang iyong kalangitan, ang gawa ng iyong mga daliri,
    ang buwan at ang mga bituin na iyong inilagay;
ano(B) ang tao upang siya'y iyong alalahanin,
    at ang anak ng tao upang siya'y iyong kalingain?

Gayunma'y ginawa mo siyang mababa lamang nang kaunti kaysa Diyos,
    at pinutungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
Binigyan(C) mo siya ng kapamahalaan sa mga gawa ng iyong mga kamay;
    sa ilalim ng kanyang mga paa ay inilagay mo ang lahat ng mga bagay,
lahat ng tupa at baka,
    gayundin ang mga hayop sa parang,
ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat,
    anumang nagdaraan sa mga daanan ng dagat.

O Panginoon, aming Panginoon,
    sa buong lupa ay napakadakila ang iyong pangalan!

Mga Kawikaan 18:23-24

23 Ang mahirap ay gumagamit ng mga pakiusap,
    ngunit ang mayaman ay sumasagot na may kagaspangan.
24 May mga kaibigang nagkukunwaring kaibigan,
    ngunit may kaibigan na mas madikit kaysa isang kapatid.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001