Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the ESV. Switch to the ESV to read along with the audio.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
1 Cronica 2:18-4:4

18 At nagkaanak si Caleb na anak ni Hesron kay Azuba na asawa niya, at kay Jerioth. Ang mga ito ang kanyang mga anak: sina Jeser, Sobad, at Ardon.

19 Nang mamatay si Azuba, nag-asawa si Caleb kay Efrata, na siyang nagsilang kay Hur sa kanya.

20 Naging anak ni Hur si Uri, at naging anak ni Uri si Bezaleel.

21 Pagkatapos ay sumiping si Hesron sa anak na babae ni Makir na ama ni Gilead, na siya niyang naging asawa nang siya'y may animnapung taong gulang; at ipinanganak niya si Segub sa kanya.

22 Naging anak ni Segub si Jair, na nagkaroon ng dalawampu't tatlong lunsod sa lupain ng Gilead.

23 Ngunit sinakop ni Geshur at ni Aram ang mga bayan ni Jair sa kanila, pati ang Kenat, at ang mga nayon niyon, samakatuwid baga'y animnapung lunsod. Lahat ng ito'y mga anak ni Makir na ama ni Gilead.

24 At pagkamatay ni Hesron sa Caleb-efrata ay ipinanganak ni Abias na asawa ni Hesron si Ashur na ama ni Tekoa.

Ang mga Anak nina Juda, Jerameel, Caleb at David

25 Ang mga anak ni Jerameel na panganay ni Hesron ay si Ram, ang panganay, at sina Buna, Orem, Osem, at Ahias.

26 Si Jerameel ay may iba pang asawa na ang pangalan ay Atara; siya ang ina ni Onam.

27 Ang mga anak ni Ram na panganay ni Jerameel ay sina Maas, Jamin, at Eker.

28 Ang mga anak ni Onam ay sina Shammai, at Jada. Ang mga anak ni Shammai ay sina Nadab, at Abisur.

29 Ang pangalan ng asawa ni Abisur ay Abihail; at ipinanganak niya sa kanya sina Aban, at Molid.

30 Ang mga anak ni Nadab ay sina Seled, at Afaim. Ngunit si Seled ay namatay na walang anak.

31 Ang anak[a] ni Afaim ay si Ishi. At ang anak[b] ni Ishi ay si Sesan. Ang anak[c] ni Sesan ay si Alai.

32 Ang mga anak ni Jada, na kapatid ni Shammai ay sina Jeter at Jonathan. Si Jeter ay namatay na walang anak.

33 Ang mga anak ni Jonathan ay sina Pelet, at Zaza. Ito ang mga anak ni Jerameel.

34 Si Sesan ay hindi nagkaanak ng mga lalaki, kundi mga babae. Si Sesan ay may isang alipin na taga-Ehipto, na ang pangalan ay Jarha.

35 At pinapag-asawa ni Sesan ang kanyang anak na babae kay Jarha na kanyang alipin at naging anak nila ni Jarha si Attai.

36 Si Attai ang ama ni Natan, at naging anak ni Natan si Zabad;

37 si Zabad ang ama ni Eflal, at naging anak ni Eflal si Obed.

38 Si Obed ang ama ni Jehu, at naging anak ni Jehu si Azarias.

39 Si Azarias ang ama ni Heles, at naging anak ni Heles si Elesa.

40 Si Elesa ang ama ni Sismai, at naging anak ni Sismai si Shallum.

41 Si Shallum ang ama ni Jekamias, at naging anak ni Jekamias si Elisama.

42 Ang mga anak ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesha na kanyang panganay, na siyang ama ni Zif. Ang kanyang anak ay si Maresha[d] na ama ni Hebron.[e]

43 Ang mga anak ni Hebron ay sina Kora, Tapua, Rekem, at Shema.

44 Si Shema ang ama ni Raham, na ama ni Jokneam; at naging anak ni Rekem si Shammai.

45 Ang anak ni Shammai ay si Maon; at si Maon ay ama ni Bet-zur.

46 At ipinanganak ni Efa, na asawang-lingkod ni Caleb, sina Haran, Mosa, at Gazez; at naging anak ni Haran si Gazez.

47 Ang mga anak ni Joddai ay sina Regem, Jotam, Gesan, Pelet, Efa, at Saaf.

48 Ipinanganak ni Maaca, na asawang-lingkod ni Caleb, sina Sebet, at Tirana.

49 Ipinanganak din niya si Saaf na ama ni Madmana, si Seva na ama ni Macbena, at ang ama ni Gibea; at ang anak na babae ni Caleb ay si Acsa.

50 Ito ang mga naging anak ni Caleb, na anak ni Hur, na panganay ni Efrata: si Sobal na ama ni Kiryat-jearim;

51 si Salma na ama ni Bethlehem, si Haref na ama ni Betgader.

52 At si Sobal na ama ni Kiryat-jearim ay nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki: si Haroe, na kalahati ng mga Menuhot.

53 At ang mga angkan ni Kiryat-jearim: ang mga Itreo, mga Futeo, at ang mga Sumateo, at ang mga Misraiteo; mula sa kanila ang mga Soratita at mga Estaolita.

54 Ang mga anak ni Salma: ang Bethlehem, ang mga Netofatita, ang Atrot-betjoab, at ang kalahati ng mga Manahetita, ang mga Soraita.

55 At ang mga angkan ng mga eskriba na naninirahan sa Jabez: ang mga Tirateo, mga Shimateo, at ang mga Sucateo. Ito ang mga Kineo na nagmula kay Hamat na ama ng sambahayan ni Recab.

Ang Angkan ni David

Ito ang mga anak ni David na ipinanganak sa kanya sa Hebron: ang panganay ay si Amnon, kay Ahinoam na Jezreelita; ang ikalawa'y si Daniel, kay Abigail na Carmelita;

ang ikatlo'y si Absalom, na ang ina ay si Maaca na anak na babae ni Talmai, na hari sa Geshur; ang ikaapat ay si Adonias na ang ina ay si Hagit;

ang ikalima'y si Shefatias, kay Abithal; ang ikaanim ay si Itream, kay Egla na asawa niya.

Anim(A) ang ipinanganak sa kanya sa Hebron; at naghari siya doon ng pitong taon at anim na buwan. Sa Jerusalem ay naghari siya ng tatlumpu't tatlong taon.

Ito(B) ang mga ipinanganak sa kanya sa Jerusalem: sina Shimea, Sobab, Natan, at Solomon, apat kay Batsua na anak na babae ni Amiel;

at sina Ibhar, Elisama, Elifelet;

Noga, Nefeg, Jafia;

Elisama, Eliada, at Elifelet, siyam.

Lahat ng ito'y mga anak ni David, bukod pa ang mga anak ng mga asawang-lingkod; at si Tamar ay kanilang kapatid na babae.

10 Ang anak ni Solomon ay si Rehoboam, si Abias na kanyang anak, si Asa na kanyang anak, si Jehoshafat na kanyang anak;

11 si Joram na kanyang anak, si Ahazias na kanyang anak, si Joas na kanyang anak;

12 si Amasias na kanyang anak, si Azarias na kanyang anak, si Jotam na kanyang anak;

13 si Ahaz na kanyang anak, si Hezekias na kanyang anak, si Manases na kanyang anak;

14 si Amon na kanyang anak, si Josias na kanyang anak.

15 Ang mga anak ni Josias: ang panganay ay si Johanan, ang ikalawa'y si Jehoiakim, ang ikatlo'y si Zedekias, ang ikaapat ay si Shallum.

16 Ang mga anak ni Jehoiakim: si Jeconias na kanyang anak, si Zedekias na kanyang anak.

17 Ang mga anak ni Jeconias, na bihag: sina Shealtiel na kanyang anak,

18 Malchiram, Pedaya, Shenassar, Jekamias, Hosama, at Nedabia.

19 Ang mga anak ni Pedaya: sina Zerubabel, at Shimei. Ang mga anak ni Zerubabel ay sina Mesulam, Hananias, at si Shelomit na kanilang kapatid na babae;

20 at sina Hasuba, Ohel, Berequias, Hasadia, at Jusabhesed, lima.

21 Ang mga anak ni Hananias ay sina Pelatias, at Jeshaias; ang mga anak ni Refaias, ang mga anak ni Arnan, ang mga anak ni Obadias, ang mga anak ni Shecanias.

22 Ang anak ni Shecanias ay si Shemaya; at ang mga anak ni Shemaya ay sina Hatus, Igal, Bariaas, Nearias, at Shafat, anim.

23 Ang mga anak ni Nearias ay sina Elioenai, Hizkias, at Azricam, tatlo.

24 Ang mga anak ni Elioenai ay sina Hodavias, Eliasib, Pelaias, Akub, Johanan, Delaias, at Anani, pito.

Ang mga Anak ni Juda

Ang mga anak ni Juda ay sina Perez, Hesron, Carmi, Hur, at Sobal.

At naging anak ni Reaya na anak ni Sobal si Jahat. Naging anak ni Jahat sina Ahumai at Laad. Ito ang mga angkan ng mga Soratita.

Si Etam ang ama ng mga ito: sina Jezreel, Isma, at Idbas, at ang pangalan ng kanilang kapatid na babae ay Haslelponi;

at si Penuel na ama ni Gedor, at si Eser na ama ni Husa. Ito ang mga anak ni Hur, na panganay ng Efrata, na ama ng Bethlehem.

Mga Gawa 24

Ang Paratang ng mga Judio kay Pablo

24 Pagkaraan ng limang araw, ang pinakapunong pari na si Ananias ay lumusong na kasama ang ilang matatanda, at ang isang Tertulio na tagapagsalita na siyang nagharap ng sakdal sa gobernador laban kay Pablo.

Nang si Pablo[a] ay tawagin, sinimulan siyang paratangan ni Tertulio, na sinasabi,

“Kagalang-galang na Felix, yamang dahil sa iyo'y nagtamo kami ng matagal na kapayapaan, at dumating ang mga pagbabago sa bansang ito dahil sa iyong pagtanaw sa hinaharap.

Kinikilala namin ito sa lahat ng mga paraan at sa lahat ng mga dako, na may lubos na pasasalamat.

Ngunit upang hindi na kayo maabala pa, hinihiling ko sa iyo sa iyong kagandahang-loob na pakinggan mo kami ng ilang sandali.

Natagpuan namin na ang taong ito'y mapanligalig at mapag-udyok ng kaguluhan sa lahat ng mga Judio sa buong daigdig, at isang pinuno sa sekta ng mga Nazareno.

Nagtangka pa siya na lapastanganin ang templo ngunit dinakip namin siya.[b]

[Ngunit dumating ang pangulong pinunong si Lisias at sapilitang inagaw siya sa aming mga kamay, at inutusan ang mga nagbintang sa kanya na humarap sa inyo.]

Sa pamamagitan ng pagsisiyasat ninyo mismo sa kanya, ang lahat ng mga bagay na ito na isinasakdal namin laban sa kanya ay malalaman ninyo mula sa kanya.”

At ang mga Judio ay nakisama rin sa pagsasakdal, na sinasabing ang lahat ng mga ito ay totoo.

Nagtanggol si Pablo sa Harapan ni Felix

10 Nang siya'y hudyatan ng gobernador upang magsalita, si Pablo ay sumagot:

“Yamang nalalaman ko na ikaw ay naging hukom sa loob ng maraming mga taon sa bansang ito, ay masigla kong gagawin ang aking pagtatanggol.

11 Tulad ng nalalaman mo, wala pang labindalawang araw buhat nang ako'y pumunta sa Jerusalem upang sumamba.

12 Hindi nila ako natagpuang nakikipagtalo sa kanino o kaya'y nanggugulo sa maraming tao sa templo man o sa mga sinagoga, ni sa lunsod,

13 ni hindi rin nila mapapatunayan sa iyo ang mga bagay na ngayo'y kanilang ibinibintang sa akin.

14 Ngunit ito ang inaamin ko sa iyo, na ayon sa Daan, na kanilang tinatawag na sekta, ay sinasamba ko ang Diyos ng aming mga ninuno, na pinaniniwalaan ang lahat ng bagay na alinsunod sa kautusan o nasusulat sa mga propeta.

15 Ako'y may pag-asa sa Diyos, na siya rin namang inaasahan nila, na magkakaroon ng muling pagkabuhay ng mga matuwid at ng mga hindi matuwid.

16 Dahil dito'y lagi akong nagsisikap na magkaroon ng isang malinis na budhi sa Diyos at sa mga tao.

17 Nang(A) makaraan ang ilang taon ay naparito ako upang magdala sa aking bansa ng mga limos at mag-alay ng mga handog.

18 Samantalang ginagawa ko ito, natagpuan nila ako sa templo na ginagawa ang rituwal ng paglilinis, na walang maraming tao ni kaguluhan.

19 Ngunit may ilang Judio roon na galing sa Asia—na dapat naririto sa harapan mo at magsakdal, kung mayroon silang anumang laban sa akin.

20 O kaya'y hayaan ang mga tao ring ito na magsabi kung anong masamang gawa ang natagpuan nila nang ako'y tumayo sa harapan ng Sanhedrin,

21 maliban(B) sa isang bagay na ito na aking isinigaw habang nakatayo sa gitna nila, ‘Tungkol sa pagkabuhay ng mga patay ako'y nililitis sa harapan mo sa araw na ito.’”

22 Ngunit si Felix, na may wastong kaalaman tungkol sa Daan, ay ipinagpaliban ang pagdinig, na sinasabi, “Paglusong ni Lisias na punong kapitan, magpapasiya ako tungkol sa inyong usapin.”

23 At iniutos niya sa senturion na siya'y bantayan at bigyan ng kaunting kalayaan at huwag pagbawalan ang kanyang mga kaibigan na tulungan siya sa kanyang mga pangangailangan.

Iniharap si Pablo kina Felix at Drusila

24 Pagkaraan ng ilang mga araw, si Felix ay dumating na kasama si Drusila na kanyang asawa, na isang Judio, at ipinatawag si Pablo, at siya'y pinakinggang magsalita tungkol sa pananampalataya kay Cristo Jesus.

25 Samantalang tinatalakay niya ang tungkol sa katuwiran, pagpipigil sa sarili, at sa paghuhukom na darating, nangilabot si Felix at sumagot, “Umalis ka muna ngayon at kapag nagkaroon ako ng pagkakataon ay ipatatawag kita.”

26 Kanyang inaasahan din na siya'y bibigyan ni Pablo ng salapi. Kaya't madalas niyang ipinapatawag si Pablo,[c] at sa kanya'y nakikipag-usap.

27 Ngunit nang matapos na ang dalawang taon, si Felix ay pinalitan ni Porcio Festo; at sa pagnanais na gumawa ng ikasisiya ng mga Judio, ay pinabayaan ni Felix si Pablo sa bilangguan.

Mga Awit 4

Panalangin ng Saklolo

Sa Punong Mang-aawit: sa Saliw ng Instrumentong may Kuwerdas. Awit ni David.

Sagutin mo ako kapag tumatawag ako,
O Diyos na tagapagtanggol ko!
    Binigyan mo ako ng silid nang ako'y nasa kagipitan.
    Maawa ka sa akin, at dalangin ko'y iyong pakinggan.

O tao, hanggang kailan magdaranas ng kahihiyan ang aking karangalan?
    Gaano katagal mo iibigin ang mga salitang walang kabuluhan, at hahanapin ang kabulaanan? (Selah)

Ngunit alamin ninyo na ibinukod ng Panginoon para sa kanyang sarili ang banal;
    ang Panginoon ay nakikinig kapag sa kanya ako'y nagdarasal.

Magalit(A) ka, subalit huwag kang magkakasala;
    magbulay-bulay ka ng iyong puso sa iyong higaan, at tumahimik ka. (Selah)
Maghandog kayo ng matuwid na mga alay,
    at ang inyong pagtitiwala sa Panginoon ilagay.
Marami ang nagsasabi, “Sana'y makakita kami ng ilang kabutihan!
    O Panginoon, ang liwanag ng iyong mukha sa amin ay isilay!”
Ikaw ay naglagay ng kagalakan sa aking puso,
    kaysa nang ang kanilang butil at alak ay sagana.

Payapa akong hihiga at gayundin ay matutulog;
    sapagkat ikaw lamang, O Panginoon, ang gumagawa upang mamuhay ako sa katiwasayan.

Mga Kawikaan 18:16-18

16 Ang kaloob ng tao ay nagbubukas ng daan sa kanya,
    at dinadala siya sa harap ng mga taong dakila.
17 Ang unang naglalahad ng kanyang panig ay parang matuwid,
    hanggang sa may ibang dumating at siya'y siyasatin.
18 Ang pagpapalabunutan sa mga pagtatalo'y nagwawakas,
    at nagpapasiya sa mga magkatunggaling malalakas.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001