Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the ESV. Switch to the ESV to read along with the audio.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
1 Cronica 1:1-2:17

Mga Salinlahi mula kay Adan(A)

Sina Adan, Set, Enos,

Kenan, Mahalalel, Jared,

Enoc, Matusalem, Lamec,

Noe, Sem, Ham, at Jafet.

Ang mga anak ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec, at Tiras.

Ang mga anak ni Gomer ay sina Askenaz, Rifat, at Togarma.

Ang mga anak ni Javan ay sina Elisha, Tarsis, Kittim, at Rodanim.[a]

Ang mga anak ni Ham ay sina Cus, Mizraim,[b] Put, at Canaan.

Ang mga anak ni Cus ay sina Seba, Havila, Sabta, Raama, at Sabteca. Ito ang mga anak ni Raama: sina Seba, at Dedan.

10 Si Cus ang ama ni Nimrod na siyang unang naging makapangyarihan sa daigdig.

11 Si Mizraim[c] ang ama ng Ludim, Anamim, Lehabim, Naftuhim,

12 Patrusim, Casluim (na pinanggalingan ng mga Filisteo), at ng Caftorim.

13 Si Canaan ang ama ni Sidon, na kanyang panganay, at ni Het,

14 at ng mga Jebuseo, mga Amoreo, mga Gergeseo,

15 ng mga Heveo, mga Araceo, mga Sineo,

16 ng mga taga-Arvad, mga Zemareo, at ng mga Hamateo.

17 Ang mga anak ni Sem ay sina Elam, Ashur, Arfaxad, Lud, Aram, Uz, Hul, Geter, at si Meshec.[d]

18 Si Arfaxad ang ama ni Shela, si Shela ang ama ni Eber.

19 At si Eber ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki: ang pangalan ng isa'y Peleg, sapagkat sa kanyang mga araw ay nahati ang lupa; at ang pangalan ng kanyang kapatid ay Joktan.

20 At naging anak ni Joktan sina Almodad, Shelef, Hazar-mavet, Jerah,

21 Hadoram, Uzal, Dicla;

22 Ebal, Abimael, Sheba;

23 Ofir, Havila, at Jobab. Lahat ng ito'y mga anak ni Joktan.

24 Si Sem, Arfaxad, Shela;

25 si Eber, Peleg, Reu;

26 si Serug, Nahor, Terah;

27 si Abram, na siyang Abraham.

28 Ang mga anak ni Abraham ay sina Isaac at Ismael.

29 Ito ang kanilang mga salinlahi: ang panganay ni Ismael, si Nebayot; at si Kedar, Adbeel, at Mibsam,

30 sina Misma, Duma, Massa; Hadad, at Tema,

31 sina Jetur, Nafis, at Kedema. Ito ang mga anak na lalaki ni Ismael.

32 At ang mga anak ni Ketura, na asawang-lingkod ni Abraham: kanyang ipinanganak sina Zimram, Jokshan, Medan, Midian, Isbak, at Shuah. At ang mga anak ni Jokshan ay sina Seba, at Dedan.

33 Ang mga anak na lalaki ni Midian ay sina Efa, Efer, Hanoc, Abida, at Eldaa. Lahat ng ito'y mga anak ni Ketura.

34 At naging anak ni Abraham si Isaac. Ang mga anak ni Isaac ay sina Esau at Israel.

35 Ang mga anak ni Esau ay sina Elifas, Reuel, Jeus, Jalam, at Kora.

36 Ang mga anak ni Elifas ay sina Teman, Omar, Sefi, Gatam, Kenaz, Timna, at Amalek.

37 Ang mga anak ni Reuel ay sina Nahat, Zera, Shammah, at Mizza.

Ang mga Anak ni Seir(B)

38 Ang mga anak ni Seir ay sina Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, Dishon, Eser, at Disan.

39 Ang mga anak ni Lotan ay sina Hori at Homam. Si Timna ay kapatid na babae ni Lotan.

40 Ang mga anak ni Sobal ay sina Alian, Manahat, Ebal, Sefi at Onam. Ang mga anak ni Zibeon ay sina Aya at Ana.

41 Ang mga anak ni Ana ay sina Dishon. At ang mga anak ni Dishon ay sina Hamran, Esban, Itran at Cheran.

42 Ang mga anak ni Eser ay sina Bilhan, Zaavan, at Jaakan.[e] Ang mga anak ni Disan ay sina Uz at Aran.

Ang mga Naghari sa Edom(C)

43 Ang mga ito ang mga hari na naghari sa lupain ng Edom bago naghari ang sinumang hari sa mga anak ni Israel: si Bela na anak ni Beor at ang pangalan ng kanyang lunsod ay Dinhaba.

44 Nang mamatay si Bela, si Jobab na anak ni Zera na taga-Bosra ang nagharing kapalit niya.

45 Nang mamatay si Jobab, si Husam sa lupain ng mga Temanita ang nagharing kapalit niya.

46 Nang mamatay si Husam, si Hadad na anak ni Bedad na tumalo kay Midian sa parang ng Moab, ang nagharing kapalit niya. Ang pangalan ng kanyang lunsod ay Avith.

47 Nang mamatay si Hadad, si Samla na taga-Masreca ang nagharing kapalit niya.

48 Nang mamatay si Samla, si Shaul na taga-Rehobot sa tabi ng Ilog[f] ang nagharing kapalit niya.

49 Nang mamatay si Shaul, si Baal-hanan na anak ni Acbor ang nagharing kapalit niya.

50 Nang mamatay si Baal-hanan, si Hadad ang nagharing kapalit niya; at ang pangalan ng kanyang lunsod ay Pai. Ang pangalan ng kanyang asawa ay Mehetabel, na anak na babae ni Matred, na anak na babae ni Mezaab.

51 At namatay si Adad. Ang mga pinuno ng Edom ay sina Timna, Alia,[g] Jetet;

52 Oholibama, Ela, Pinon;

53 Kenaz, Teman, Mibzar;

54 Magdiel, at Iram. Ito ang mga pinuno ng Edom.

Ang mga Anak ni Israel

Ito ang mga anak ni Israel: sina Ruben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zebulon;

Dan, Jose, Benjamin, Neftali, Gad at Aser.

Ang mga anak ni Juda ay sina Er, Onan, at Shela na ang tatlong ito ay isinilang sa kanya ni Batsua na Cananea. Si Er, na panganay ni Juda, ay masama sa paningin ng Panginoon; at pinatay niya ito.

At ipinanganak sa kanya ni Tamar na kanyang manugang na babae si Perez at si Zera. Lima lahat ang anak na lalaki ni Juda.

Ang mga anak na lalaki ni Perez ay sina Hesron at Hamul.

Ang mga anak na lalaki ni Zera ay sina Zimri, Etan, Heman, Calcol, at Dara;[h] lima silang lahat.

Ang(D) mga anak na lalaki ni Carmi ay sina Acar, ang nanggulo sa Israel, na lumabag tungkol sa itinalagang bagay.

Ang anak ni Etan ay si Azarias.

Ang mga anak naman ni Hesron, na isinilang sa kanya ay sina Jerameel, Ram, at Celubai.

10 Naging anak ni Ram si Aminadab; at naging anak ni Aminadab si Naashon, na pinuno ng mga anak ni Juda;

11 naging anak ni Naashon si Salma, at naging anak ni Salma si Boaz;

12 naging anak ni Boaz si Obed, at naging anak ni Obed si Jesse;

13 naging anak ni Jesse ang kanyang panganay na si Eliab, si Abinadab ang ikalawa, si Shimea ang ikatlo;

14 si Natanael ang ikaapat, si Radai ang ikalima;

15 si Osem ang ikaanim, si David ang ikapito.

16 At ang kanilang mga kapatid na babae ay sina Zeruia at Abigail. Ang mga naging anak ni Zeruia ay sina Abisai, Joab, at Asahel, tatlo.

17 Ipinanganak ni Abigail si Amasa; at ang ama ni Amasa ay si Jeter na Ismaelita.

Mga Gawa 23:11-35

11 Nang gabing iyon, lumapit sa kanya ang Panginoon at sinabi, “Lakasan mo ang iyong loob! Sapagkat kung paano kang nagpatotoo tungkol sa akin sa Jerusalem, ay kailangang magpatotoo ka rin sa Roma.”

Pinagtangkaan ang Buhay ni Pablo

12 Kinaumagahan, nagkatipon ang mga Judio, at nagsabwatan sa pamamagitan ng isang sumpa, na hindi sila kakain ni iinom man hanggang sa kanilang mapatay si Pablo.

13 Mahigit sa apatnapu ang sumama sa sabwatang ito.

14 Pumunta sila sa mga punong pari at sa matatanda, at nagsabi, “Kami ay namanata sa ilalim ng mahigpit na sumpa, na hindi titikim ng anumang pagkain hanggang sa mapatay namin si Pablo.

15 Kaya't kayo, pati ang Sanhedrin ay sabihan ninyo ang punong kapitan na kanyang ibaba siya sa inyo, na kunwari'y ibig ninyong siyasatin ng lalong ganap ang paratang tungkol sa kanya. At nakahanda na kaming patayin siya bago siya lumapit.”

16 Ngunit narinig ng anak na lalaki ng kapatid na babae ni Pablo ang tungkol sa kanilang pag-aabang kaya siya'y pumunta sa himpilan at ibinalita kay Pablo.

17 At tinawag ni Pablo ang isa sa mga senturion, at sinabi, “Dalhin mo ang binatang ito sa punong kapitan sapagkat siya'y mayroong sasabihin sa kanya.”

18 Kaya't siya'y isinama at dinala sa punong kapitan, at sinabi, “Tinawag ako ng bilanggong si Pablo, at ipinakiusap sa aking dalhin ko sa iyo ang binatang ito na mayroong sasabihin sa iyo.”

19 At hinawakan siya sa kamay ng punong kapitan at sa isang tabi ay lihim na tinanong siya, “Ano ang sasabihin mo sa akin?”

20 Sinabi niya, “Pinagkasunduan ng mga Judio na sa iyo'y ipakiusap na iyong dalhin bukas si Pablo sa Sanhedrin, na kunwari'y may sisiyasatin pa silang mabuti tungkol sa kanya.

21 Subalit huwag kang maniniwala sa kanila, sapagkat mahigit na apatnapu sa kanilang mga tao ang nag-aabang sa kanya. Sila'y namanata sa ilalim ng isang sumpa na hindi kakain ni iinom man hanggang sa siya'y kanilang mapatay. Ngayo'y handa na sila at naghihintay ng iyong pagsang-ayon.”

22 Kaya't pinaalis ng punong kapitan ang binata, at ipinagbilin sa kanya, “Huwag mong sasabihin kaninuman na ipinagbigay-alam mo sa akin ang mga bagay na ito.”

Ipinadala si Pablo kay Gobernador Felix

23 Pagkatapos ay kanyang tinawag ang dalawa sa mga senturion, at sinabi, “Sa ikatlong oras[a] ng gabi, ihanda ninyo ang dalawandaang kawal kasama ang pitumpung mangangabayo at dalawandaang may sibat upang magtungo sa Cesarea.

24 Ipaghanda rin ninyo sila ng mga hayop na masasakyan ni Pablo, at siya'y ihatid na ligtas kay Felix na gobernador.”

25 At siya'y sumulat ng isang sulat, na ganito:

26 “Si Claudio Lisias sa kagalang-galang na gobernador Felix, ay bumabati.

27 Ang taong ito'y hinuli ng mga Judio, at papatayin sana nila, ngunit nang malaman kong siya'y mamamayan ng Roma dumating ako na may kasamang mga kawal at siya'y iniligtas ko.

28 At sa pagnanais kong malaman ang dahilan kung bakit siya'y kanilang isinakdal, ay dinala ko siya sa kanilang Sanhedrin.

29 Nalaman ko na siya'y kanilang isinasakdal tungkol sa mga usaping may kinalaman sa kanilang kautusan, ngunit walang anumang paratang laban sa kanya na marapat sa kamatayan o sa mga tanikala.

30 Nang ipaalam sa akin na may banta laban sa taong iyan, ipinadala ko siya agad sa iyo, at aking ipinag-utos din sa mga nagsasakdal sa kanya na sabihin sa harapan mo ang laban sa kanya.”

31 Kaya't kinuha si Pablo ng mga kawal, ayon sa iniutos sa kanila, at nang gabi ay dinala siya sa Antipatris.

32 Nang sumunod na araw, pinabayaan nilang samahan siya ng mga mangangabayo, samantalang sila'y nagbalik sa himpilan.

33 Nang makarating sila sa Cesarea at maibigay ang sulat sa gobernador, iniharap din nila si Pablo sa kanya.

34 At pagkabasa sa sulat, itinanong niya kung taga-saang lalawigan siya at nang malaman niya na siya'y taga-Cilicia,

35 ay sinabi niya, “Papakinggan kita pagdating ng mga nagsakdal sa iyo.” At ipinag-utos niya na siya'y bantayan sa palasyo ni Herodes.

Mga Awit 3

Awit(A) ni David nang Takasan Niya si Absalom

Panginoon, ang mga kaaway ko ay dumarami!
    Ang tumitindig laban sa akin ay marami;
marami ang nagsasabi tungkol sa aking kaluluwa,
    walang tulong mula sa Diyos para sa kanya. (Selah)

Ngunit ikaw, O Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko,
    aking kaluwalhatian, at siyang tagapagtaas ng aking ulo.
Ako'y dumadaing nang malakas sa Panginoon,
    at sinasagot niya ako mula sa kanyang banal na burol. (Selah)

Ako'y nahiga at natulog;
    ako'y muling gumising sapagkat inaalalayan ako ng Panginoon.
Sa sampung libu-libong tao ako'y hindi natatakot,
    na naghanda ng kanilang mga sarili laban sa akin sa palibot.
Bumangon ka, O Panginoon!
    Iligtas mo ako, O aking Diyos!
Sapagkat iyong sinampal sa pisngi ang lahat ng aking mga kaaway,
    iyong binasag ang mga ngipin ng masama.

Ang pagliligtas ay sa Panginoon;
    sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)

Mga Kawikaan 18:14-15

14 Aalalay ang espiritu ng tao sa kanyang karamdaman;
    ngunit ang bagbag na diwa, sino ang makakapasan?
15 Ang may matalinong pag-iisip ay kumukuha ng kaalaman,
    at ang pandinig ng marunong ay humahanap ng kaalaman.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001