Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Beginning

Read the Bible from start to finish, from Genesis to Revelation.
Duration: 365 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Galacia 1-3

Akong si Pablo ay isang apostol, hindi nagmula sa tao, ni sa pamamagitan ng tao. Ako ay apostol sa pamamagitan ni Jesucristo at sa pamamagitan ng Diyos Ama na nagbangon sa kaniya mula sa mga patay. Kasama ang lahat ng mga kapatid na naririto, sumusulat ako sa mga iglesiya sa Galacia.

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at mula sa ating Panginoong Jesucristo. Siya ang nagbigay ng kaniyang sarili para sa ating mga kasalanan upang iligtas tayo mula sa kasalukuyang kapanahunan na masama, ayon sa kalooban ng Diyos at ating Ama. Suma­kaniya ang kaluwalhatian magpakailanman. Siya nawa.

Walang Ibang Ebanghelyo

Ako ay namamangha sa kaparaanan kung bakit napakadali ninyong lumayo mula sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo patungo sa kakaibang uri ng ebanghelyo.

Hindi ito talagang kakaibang ebangheyo maliban na may ilangmga tao na gumugulo sa inyo. Ibig nilang palitan ang ebanghelyo ni Cristo. Subalit kahit kami o isang anghel man na mula sa langit ay mangaral ng ebanghelyo na salungat sa ipinapangaral namin sa inyo, sumpain nawa siya ng Diyos. Gaya ng nasabi na namin noong una pa, sasabihin ko ulit ngayon: Kung ang sinuman ay nangangaral nang salungat sa ebanghelyo na inyong natanggap, sumpain nawa siya ng Diyos.

10 Sapagkat hinihikayat ko ba ngayon ang mga tao o ang Diyos? Ako ba ay naghahangad upang magbigay-lugod sa mga tao? Ito ay sapagkat kung sa mga tao pa ako nagbibigay-lugod, hindi na ako dapat maging alipin ni Cristo.

 

Tinawag ng Diyos si Pablo

11 Mga kapatid, ipinaalam ko sa inyo, na ang ebanghelyo na ipinangaral ko ay hindi nagmula sa tao.

12 Ito ay sapagkat hindi ko ito tinanggap mula sa tao, ni itinuro man ito ng tao sa akin. Bagkus, ipinahayag ito ni Jesucristo sa akin.

13 Sapagkat narinig na ninyo ang patungkol sa dati kong paraan ng pamumuhay noong ako ay sakop pa ng Judaismo. Labis kong pinag-uusig ang iglesiya ng Diyos at winawasak ko ito. 14 Nahigitan ko sa pagtupad sa mga kaugaliang Judaismo ang mga kasinggulang ko na aking kalahi. Ako ay nagsumi­gasig ng labis sa pagsunod sa mga kaugalian ng aking mga ninuno. 15 Nasa sinapupunan pa lamang ako ng aking ina, pinili na ako ng Diyos at tinawag na niya ako sa pamamagitan ng kaniyang biyaya. 16 Ikinalugod ng Diyos na mahayag sa akin ang kaniyang Anak upang maipangaral ko siya sa mga Gentil. Hindi ako sumangguni agad sa tao. 17 Hindi rin ako umahon sa Jerusalem upang makipagkita sa mga apostol na nauna sa akin. Sa halip, ako ay nagpunta sa Arabia at pagkatapos ay nagbalik sa Damasco.

18 Makalipas ang tatlong taon, umahon ako sa Jerusalem upangmakipagkilala kay Pedro. Tumira akong kasama niya sa loob ng dalawang linggo. 19 Ngunit wala akong nakitang ibang apostol maliban kay Santiago na nakakabatang kapatid ng Panginoon. 20 Patungkol sa mga bagay na ito na aking sinusulat, pinatutunayan ko sa harap ng Diyos na hindi ako nagsisinungaling. 21 Pagkatapos, pumunta ako sa mga lupain ng Siria at Cilicia. 22 Hindi pa kilala ng mga iglesiya ni Cristo sa Judea ang aking mukha. 23 Narinig lang nila ang patungkol sa akin. Narinig nila na: Ang lalaking dating umuusig sa atinay nangangaral na ngayon ng ebanghelyo. Ipinangangaral niyaang pananampalatayang dati ay kaniyang winawasak. 24 At niluwalhati nila ang Diyos dahil sa akin.

Tinanggap ng mga Apostol si Pablo

Makalipas ang labing-apat na taon, umahon akong muli sa Jerusalem kasama si Bernabe. Isinama ko rin si Tito.

Umahon ako ayon sa inihayag ng Diyos sa akin at ipinaliwanag ko sa kanila ang ebanghelyo na aking ipinangaral sa mga Gentil. Ngunit sa mga ipinapalagay na nasa matataas na katungkulan ay ipinaliwanag ko nang sarilinan ang ebanghelyo, baka ako ay tumatakbo o tumakbo ng walang katuturan. Bagaman si Tito na kasama ko ay isangGriyego, hindi nila siya napilit na magpatuli. Ito ay kagagawan ng ilang hindi tunay na mga kapatid na pumasok ng palihim upang matyagan ang kalayaang tinaglay namin kay Cristo Jesus nang sa gayon gawin nila kaming mga alipin. Hindi kami nagpailalim sa kanila kahit sandaling panahon lamang upang ang katotohanan ng ebanghelyo ay manatili sa inyo.

Ngunit ang mga lalaking ipinapalagay na mga may katung­kulan sa akin, walang anuman sa akin kung sino sila. Hindi tinatanggap ng Diyos ang tao batay sa kaniyang panlabas na kaanyuan sapagkat iyon na wari ay kinikilalang mga may matataas na katungkulan ay walang ano mang naidagdag sa aking itinuro. Sa halip, nakita nila na ipinagkatiwala sa akin ng Diyos ang ebanghelyo para sa mga hindi nasa pagtutuli. Ito ay gaya rin naman ng pagkakatiwala niya ng ebanghelyo kay Pedro para sa mga nasa pagtutuli. Ito ay sapagkat ang Diyos na gumawa kay Pedro upang maging apostol sa mga tuli ay siya ring Diyos na gumawa sa akin para sa mga Gentil. Si Santiago, Cefas at Juan ang mga kinilalang mga haligi. Nang maunawaan nila ang biyayang ibinigay ng Diyos sa akin, iniabot nila ang kanilang kanang kamay ng pakikisama kay Bernabe at sa akin. Ibinigay nila ito upang kami ay pumaroon sa mga Gentil at sila naman ay sa mga Judio na mga tuli. 10 Ang kahilingan lamang nila ay huwag naming kalilimutan ang mga dukha na siya ko rin namang pinagsisikapang gawin.

Sinalungat ni Pablo si Pedro

11 Nang si Pedro ay dumating sa Antioquia, tinutulan ko siya nang harapan dahil siya ay mali.

12 Ito ay sapagkat nang hindi pa dumarating ang ilang lalaking galing kay Santiago, siya ay kumakaing kasalo ng mga Gentil. Ngunit nang sila ay dumating, lumayo siya at humiwalay dahil sa takot siya sa mga nasa pagtutuli. 13 At ang ibang Judio ay sumama na rin sa kaniyang pagkukunwari, kaya maging si Bernabe ay nahikayat na rin ng kanilang pagkukunwari.

14 Subalit nakita kong hindi sila lumalakad ng matuwid ayon sa katotohanan ng ebanghelyo. Dahil dito, sinabi ko kay Pedro sa harap ng lahat: Ikaw na isang Judio ay namumuhay nang tulad ng mga Gentil at hindi tulad ng mga Judio, bakit mo pinipilit ang mga Gentil na mamuhay tulad ng mga Judio?

15 Kami ay likas na mga Judio, at hindi kami mga makasalanang Gentil. 16 Alam natin na ang isang tao ay hindi pinapaging-matuwid sa pamamagitan ng gawa ng kautusan kundi sapamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Tayo rin ay sumampalataya kay Cristo Jesus upang tayo ay mapaging-matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo at hindi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kautusan. Kaya nga, walang sinumang mapapaging-matuwid sa pamama­gitan ng pagsasagawa ng kautusan.

17 Kung habang nagsisikap tayong mapaging-matuwid sa pamamagitan ni Cristo, ay nasumpungan pa tayo sa ating mga sarili na mga makasalanan, si Cristo ba, kung gayon, ay tagapaglingkod ng kasalanan? Huwag nawang mangyari. 18 Ito ay sapagkat kung itatayo kong muli ang mga bagay na winasak ko na, pinatutunayan ko lamang na ako ay isang manlalabag ng kautusan. 19 Ito ay sapagkat ako, sa pamama­gitan ng kautusan ay namatay sa kautusan, upang ako ay mabuhay sa Diyos. 20 Napako ako sa krus na kasama ni Cristo, gayunman ako ay nabubuhay. Ngunit hindi na ako ang nabubuhay kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. Ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya ng Anak ng Diyos na siyang umibig sa akin at nagbigay ng kaniyang sarili para sa akin. 21 Hindi ko winalang-kabuluhan ang biyaya ng Diyos sapagkat kung ang pagiging-matuwid ay sa pamamagitan ng kautusan, si Cristo ay namatay ng walang-kabuluhan.

Pananampalataya o Pagsunod sa Kautusan

O mangmang na mga taga-Galacia, sino ang bumighani sa inyo upang huwag ninyong sundin ang katotohanan? Malinaw naming ipinaliwanag sa inyo ang patungkol kay Jesu­cristo na ang mga tao ang nagpako sa kaniya.

Ito lamang ang ibig kong malaman mula sa inyo: Tinanggap ba ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan, o sa pamamagitan ng pakikinig na may pananampalataya? Ganyan ba kayo kamangmang?Kayo ay nagsimula sa pamamagitan ng Espiritu. Kayo ba ngayon ay ginawang ganap sa pamamagitan ng gawa ng tao? Kayo ba ay naghirap sa maraming bagay para lang sa walang kabuluhan, kung ito nga ay walang kabuluhan? Ibinibigay ng Diyos sa inyo ang kaniyang Espiritu at gumagawa ng mga himala sa inyong kalagitnaan. Kaya nga, ginawa ba niya ito sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan o sa pamamagitan ng pakikinig na may pananam­palataya?

Sa ganito ring paraan, si Abraham

ay sumampalataya sa Diyos at iyon ay ibinilang sa kaniya na katuwiran.

Kaya nga, alamin ninyo na ang mga anak ni Abraham ay mga suma­sampalataya. Nakita na nang una pa sa kasulatan na pinapaging-matuwid ng Diyos ang mga Gentil sa pamamagitan ng pananampalataya. Noon pa ay ipinahayag na ng kasulatan ang ebanghelyo kay Abraham:

Pagpapalain ng Diyos ang lahat ng bansa sa pamamagitan mo.

Ito ay upang ang may pananampalataya ay pinagpapalang kasama ni Abraham na sumampalataya.

10 Ito ay sapagkat ang lahat ng nasa ilalim ng kautusan ay nasa ilalim ng sumpa, dahil nasusulat:

Sinumpa ang lahat ng mga hindi nagpapatuloy sa paggawa ng lahat ng mga bagay na nakasulat sa aklat ng kautusan.

11 Ngunit maliwanag na walang sinumang pinapaging-matuwid sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng kautusan, sapagkat

ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.

12 Ngunit ang kautusan ay hindi sa pananampalataya. Subalit

ang taong gumaganap ng mga bagay na ito ay mabubuhay sa pamamagitan nito.

13 Nang si Cristo ay naging sumpa nang dahil sa atin, tinubos niya tayo mula sa sumpa ng kautusan sapagkat nasusulat:

Sumpain ang sinumang ibinibitin sa punong-kahoy.

14 Ito ay upang ang pagpapalang ibinigay ng Diyos kay Abraham ay dumating sa mga Gentil sa pamamagitan ni Cristo Jesus. Ito ay upang sa pamamagitan ng pananampalataya ay matanggap natin ang ipinangakong Espiritu.

Ang Kautusan at ang Pangako

15 Mga kapatid, ako ay nagsasalita ayon sa pananalita ngtao. Kahit na ito ay tipan lamang ng tao, kung ito ay pinagtibay, walang sinumang nagpapawalang-bisa o nagdadagdag nito.

16 Ngunit ngayon, ang mga pangako ay sinabi kay Abraham at sa kaniyang binhi. Hindi sinabi: Sa mga maraming binhi. Sa halip, ay sa iisa sinabi: At sa iyong binhi, at ang binhing iyan ay si Cristo. 17 Ngayon ay sinasabi ko ito: Ang tipan ay pinagtibay na ng Diyos noong una pa man kay Cristo. Pagkalipas ng apat na raan at tatlumpung taon, ang kautusan ay dumating ngunit hindi nito binawi sa tipan at hindi nito pinawalang-bisa ang pangako. 18 Ito ay sapagkat kung ang mana ay nakabatay sa kautusan, ito ay hindi na nakabatay sa pangako. Ngunit ang mana ay ipinagkaloob ng Diyos kay Abraham sa pamamagitan ng pangako.

19 Kaya nga, ano ang layunin ng kautusan? Ito ay idinagdag ng Diyos dahil sa pagsalansang, hanggang sa dumating ang binhi, na siyang binigyan ng pangako. Ang kautusan ay itinakda sa pamamagitan ng mga anghel sa kamay ng isang tagapamagitan. 20 Ang tagapamagitan ay hindi para sa isang panig lamang, ngunit ang Diyos ay iisa.

21 Kaya nga, kung magkagayon, ang kautusan ba ay laban sa mga pangakong ibinigay ng Diyos? Huwag nawang mang­yari. Ito ay sapagkat kung maaring makapagkaloob ng isang kautusan na makakapagbigay ng buhay, tunay ngang ang pagpapaging-matuwid ay sa pamamagitan ng kautusan. 22 Subalit ang hangganang itinakda ng kasulatan ay, ang bawat isa ay nasa ilalim ng kasalanan upang ang pangako na dumating sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo ay maibigay sa lahat ng mga nananampalataya.

23 Ngunit bago dumating ang pananampalataya, tayo ay nabilanggo sa ilalim ng kautusan, at nilagyan ng hangganan para sa pananampalataya na ihahayag pagkatapos. 24 Kayanga, ang kautusan ang naging patnugot natin upang tayoay dalhin kay Cristo at upang tayo ay mapaging-matuwidsa pamamagitan ng pananampalataya. 25 Ngayon, kapag dumating na ang pananampalataya, tayo ay hindi na sa ilalim ng isang patnugot.

Mga Anak ng Diyos

26 Sapagkat sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus kayong lahat ay naging mga anak ng Diyos.

27 Ito ay sapagkat lahat kayong binawtismuhan kay Cristo, ay ibinihis ninyo si Cristo. 28 Walang pagkakaiba sa Judio at sa Griyego. Walang alipin o malaya man. Walang lalaki o babae sapagkat iisa kayong lahat kay Cristo Jesus. 29 Yamang kayo ay kay Cristo, binhi kayo ni Abraham at mga tagapagmana ayon sa pangako.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International