Beginning
Ipinagtanggol ni Pablo ang Kaniyang Gawain ng Paglilingkod
10 Akong si Pablo ay namamanhik sa inyo sa pamamagitan ng kababaang-loob at kaamuan ni Cristo. Ako ay may mababang-loob kapag kaharap ninyo ngunit kapag hindi ay matapang.
2 Isinasamo ko na kung ako ay kaharap na ninyo, hindi ako dapat matapang sa mga mananampalataya tulad ng aking balak na maging malakas ang loob sa ibang tao na nagtuturing sa amin na kami ay namumuhay ayon sa laman. 3 Ito ay sapagkat kahit na namumuhay kami sa laman, hindi kami nakikipaglaban ayon sa laman. 4 Ito ay sapagkat ang aming mga sandata sa labanang ito ay hindi pantao. Subalit ito ay makapangyarihan sa pamamagitan ng Diyos na makakapagpabagsak ng matitibay nakuta. 5 Ibinabagsak nito ang mga pag-iisip at bawat matataas na bagay na nagtataas sa kaniyang sarili laban sa kaalaman ng Diyos. Dinadala nitong alipin ang bawat kaisipan patungo sa pagsunod kay Cristo. 6 Ito ay handang maghiganti sa lahat ng pagsuway kapag naganap na ang inyong pagsunod.
7 Tinitingnan ba ninyo ang mga bagay sa panlabas na anyo? Kung ang sinuman ay naniniwala sa kaniyang sarili na siya ay kay Cristo, isipin niyang muli ito. Kung siya ay kay Cristo, kami rin naman ay kay Cristo. 8 Kahit na ako man ay nagmamalaki nang lubos patungkol sa aming kapamahalaan, hindi ako mahihiya sapagkat ang kapamahalaan namin ay ibinigay ng Panginoon sa amin para sa inyong ikatitibay at hindi para sa inyong ikababagsak. 9 Ito ay upang hindi ako maging parang nananakot sa inyo sa pamamagitan ng mga sulat. 10 Ito ay sapagkat may nagsasabi: Ang mga sulat niya ay mabibigat at malalakas, ngunit kung nakaharap, siya ay mahina at ang kaniyang salita ay walang halaga. 11 Isaalang-alang ito ng isang iyon. Kung papaano kami sa salita sa pamamagitan ng sulat kung kami ay wala, gayundin ang aming gawa kung kami ay nakaharap.
12 Ito ay sapagkat hindi kami naglakas ng loob na mabilang sa kanila o ihalintulad ang aming sarili sa ilan na nagtataas ng sarili. Subalit sila na sinusukat ang kanilang sarili sa kanilang sarili at inihahambing ang kanilang sarili sa kanilang sariliay mga walang pang-unawa. 13 Hindi kami magmamalaki patungkol sa sukat ng mga bagay na hindi masusukat subalit ayon sa sukat ng pananagutan na ibinigay ng Diyos sa amin, na sa sukat na ito ay kabahagi lalo na kayo. 14 Hindi namin pinilit ang aming sarili na abutinkayo nang higit sa hinihingi ng Diyos sa amin sapagkat kayo rin naman ay inabot namin sa pamamagitan lamang ng ebanghelyo ni Cristo. 15 Hindi namin ipinagmamalaki ang mga bagay na hindi namin kaya. Hindi namin ipinagmamalalaki ang mga gawa ng iba. Umaasa kami, na habang lumalago ang inyong pananampalataya, ay lubos na palalawakin ng Diyos, sa pamamagitan ninyo, ang aming gawain sa inyong kalagitnaan. 16 Ito ay upang maipangaral ang ebanghelyo sa mga nayon sa malayo at hindi upang ipagmalaki ang gawain na nagawa na ng iba. 17 Ngunit siya na nagmamalaki ay magmalaki sa Panginoon. 18 Ito ay sapagkat hindi ang nagpaparangal sa kaniyang sarili ang katanggap-tanggap, kundi siya na pinararangalan ng Panginoon ang katanggap-tanggap.
Si Pablo at ang mga Hindi Tunay na mga Apostol
11 Pagtiisan ninyo ako nang kaunti sa aking kamangmangan. Subalit nagtitiis na nga kayong tunay sa akin.
2 Ito ay sapagkat ako ay naninibugho sa inyo nang paninibughong mula sa Diyos dahil ipinagkatipan ko kayo sa isang lalaki upang maiharap ko kayo kay Cristo na isang dalisay na birhen. 3 Subalit ako ay natatakot baka sa anumang paraan, tulad nang dayain ng ahas si Eba sa pamamagitan ng katusuhan, ay madumihan ang inyong kaisipan mula sa katapatan na na kay Cristo. 4 Ito ay sapagkat kung may dumating na nangangaral ng ibang Jesus na hindi naman namin ipinangaral ay maaari ninyo itong pagtiisan. O kung may dumating na nangangaral ng ibangespiritu na hindi naman ninyo tinanggap ay maaari ninyo itong pagtiisan. O kung may dumating na nangangaral ng ibang ebanghelyo na hindi naman ninyo tinanggap ay maaari ninyo itong pagtiisan. 5 Inaakala kong hindi ako huli sa anumang bagay sa kanila na nakakahigit namga apostol. 6 Kung ang aking pananalita ay para bang sa walang pinag-aralan, subalit sa kaalaman ay hindi. Ngunit sa bawat paraan, sa lahat ng bagay ay malinaw kaming nahahayag sa inyo.
7 Nagkasala ba ako sa pagpapakumbaba ko sa aking sarili upang kayo ay maitaas dahil walang bayad kong ipinangaral sa inyo ang ebanghelyo ng Diyos? 8 Ninakawan ko ang ibang iglesiya nang tumanggap ako ng kabayaran sa paglilingkod para sa inyo. 9 Nang kasama ninyo ako at nangailangan ako, hindi ako naging pabigat sa kaninuman sapagkat ang kakulangan sa akin ay pinunan ng mga kapatid na mula sa Macedonia. Sa lahat ng bagay ay napanatili kong hindi maging pabigat sa inyo at ito ay pananatilihin ko. 10 Kung papaanong ang katotohanan patungkol kay Cristo ay nasa akin, walang sinumang makakahadlang sa akin sa pagmamalaking ito sa mga lalawigan ng Acaya. 11 Bakit ko ito ginagawa? Dahil ba sa hindi ko kayo iniibig? Alam ng Diyos na iniibig ko kayo. 12 Anuman ang ginagawa ko ay patuloy kong gagawin upang huwag magkaroon ng pagkakataon ang mga naghahangad ng pagkakataon na makapagmalaki na sila ay kapantay namin.
13 Ito ay sapagkat ang mga gayon ay hindi tunay na mga apostol. Sila ay mga mandarayang manggagawa na nag-aanyong mga apostol ni Cristo. 14 Hindi ito kataka-taka dahil si Satanas man ay nag-aanyong anghel ng liwanag. 15 Hindi rin nga malaking bagay kung ang kaniyang mga tagapaglingkod ay mag-anyong mga tagapaglingkod ng katuwiran. Ang wakas ng mga ito ay magiging ayon sa kanilang mga gawa.
Ang Pagsasabi ni Pablo ng mga Dinanas Niyang Paghihirap
16 Muli kong sinasabi: Huwag nawang isipin ng sinuman na ako ay isang hangal. Kung magkakagayon man dapat niya akong tanggaping tulad sa isanghangal upang makapagmalaki ako kahit kaunti.
17 Ang sinasabi ko na pagmamalaking may pagtitiwala ay hindi ko sinasabi ayon sa Panginoon. Sinasabi ko ito tulad sa isang hangal. 18 Yamang marami ang nagmamalaki ayon sa pamantayan ng tao, magmamalaki rin ako nang gayon. 19 Pinababayaan ninyo ang mga hangal dahil kayo ay mga matatalino. 20 Ito ay sapagkat pinababayaan ninyo kung inaalipin kayo ng sinuman, kung nilalamon kayo, kung kinukunan kayo ng anumang bagay. Gayundin, pinababayaan ninyo kung nagmamalaki ang sinuman sa inyo, kung sinasampalkayo ng sinuman. 21 Nagsasalita ako sa aming kahihiyan, na kami ay parang mahina. Ngunit kung saan man may malakas ang loob, malakas din ang loob ko.
Nagsasalita ako nito nang tulad sa isang hangal.
22 Mga Hebreo ba sila? Ako rin. Sila ba ay taga-Israel? Ako rin. Mga lahi ba sila ni Abraham? Ako rin. 23 Mga tagalingkod ba silani Cristo? Lalo na ako. Nagsasalita ako tulad sa isang hangal. Sa pagpapagal, sagana ako. Sa paghagupit, lalong higit. Sapagkakabilanggo, lalong marami, sa kamatayan, madalas. 24 Hinagupit ako ng mga Judio sa limang pagkakataon nang apatnapu, maliban sa isa. 25 Tatlong ulit akong pinalo, binato akong minsan, tatlong ulit kong naranasan na nawasak ang barkong sinasakyan. Isang gabi at isang araw akong nasa laot. 26 Madalas akong nasa paglalakbay, nasusuong sa panganibsa mga ilog, nasusuong sa panganib sa mandarambong. Nasusuong ako sa panganib mula sa sarili kong lahi, nasusuong sa panganib mula sa mga Gentil. Nasusuong sa panganib sa lungsod, nasusuong sa panganib sa ilang. Nasusuong ako sa panganib sa karagatan, nasusuong sa panganib mula sa mga hindi tunay na kapatiran. 27 Madalas ako sa pagpapagal at mabibigat na paggawa. Madalas akong nagpupuyat, nagugutom at nauuhaw, madalas akong nag-aayuno, giniginaw at walang damit. 28 Sa kabila ng mga bagay na panlabas, araw-araw ako ay ginigitgit ng pagmamalasakit sa mga iglesiya. 29 Sino ang mahina at hindi ba ako mahina? Sino ang natitisod, hindi ba ako nag-aalab sa galit?
30 Kapag kinakailangan kong magmapuri, ipinagmamapuri ko ang aking mga kahinaan. 31 Ang Diyos na pinupuri magpakailanman at Ama ng ating Panginoong Jesucristo ang nakakaalam na ako ay hindi nagsisinungaling. 32 Sa Damasco, ang namamahalang pinuno sa ilalim ng kapangyarihan ni haring Aretas aynagbabantay sa lungsod ng mga taga-Damasco. Ibig niya na ako ay kaniyang mahuli. 33 Sa pamamagitan ng isang tiklis ako ay inihugos sa bintana pababa sa kabila ng pader at nakaligtas ako sa kaniyang mga kamay.
Ang Pangitain ni Pablo at ang Tinik na Ibinigay ng Diyos sa Kaniya
12 Ang magmalaki ay hindi kapakinabangan sa akin. Paparito ako sa mga pangitain at mga pahayag ng Panginoon.
2 May alam akong isang lalaki na na kay Cristo. Hindi ko alam kung ito ay sa katawan o wala sa katawan, ang Diyos ang siyang nakakaalam. Labing-apat na taon na ang nakalipas, ang lalaking ito ay inagaw paitaas sa ikatlong langit. 3 May alam akong isang lalaki. Kung ito ay sa katawan o wala sa katawan hindi ko alam, ang Diyos ang nakakaalam. 4 Siya ay inagaw paitaas sa paraiso at nakarinig ng mga salitang hindi mabibigkas. Hindi ito ipinahihintulot na sabihin sa tao. 5 Magmamalaki ako patungkol sa lalaking ito, ngunit hindi ako magmamalaki patungkol sa aking sarili maliban sa aking kahinaan. 6 Ito ay sapagkat ibig ko mang magmalaki, ako ay hindi magiging hangal dahil totoo ang aking sasabihin. Magtitiis na lang ako at baka may mag-isip sa akin nang higit pa sa nakikita niya sa akin o anumang naririnig patungkol sa akin.
7 Upang hindi ako magmataas dahil sa kalakhan ng mga pahayag sa akin, ibinigay sa akin ang tinik sa laman. Ito ay sugo ni Satanas na magpapahirap sa akin upang hindi ako magmataas. 8 Dahil dito, ipinamanhik ko nang tatlong ulit sa Panginoon na ito ay maalis sa akin. 9 Sinabi niya sa akin: Sapat sa iyo ang aking biyaya dahil ang aking kapangyarihan ay nalulubos sa kahinaan. Kaya nga, lalo akong magmamapuri sa aking kahinaan upang manahan sa akin ang kapangyarihan ni Cristo. 10 Kaya nga, ako ay malulugod sa mga kahinaan, sa mga panlalait, sa pangangailangan, sa pag-uusig, sa kagipitan alang-alang kay Cristo sapagkat kung kailan ako mahina, saka ako malakas.
Ang Pagmamalasakit ni Pablo sa mga Taga-Corinto
11 Sa pagmamalaki natulad ako sa isang hangal, kayo ang nagtulak sa akin sapagkat dapat ipinagmapuri ninyo ako. Hindi naman ako nahuhuli sa mga napakadakilang apostol kahit na ako ay wala naman.
12 Tunay na ang mga tanda ng apostol ay ginawa sa inyo sa lahat ng pagtitiis, sa mga tanda at sa kamangha-manghang mga gawa at mga himala. 13 Saan kayo nakakababa sa ibang mga iglesiya, maliban na lamang sa hindi ko pagiging pabigat sa inyo? Patawarin ninyo ako sa kamalian kong ito.
14 Narito, sa ikatlong pagkakataon handa akong pumunta sa inyo at hindi ako magiging pabigat sa inyo sapagkat hindi ko hinahangad ang mga bagay na nasa inyo kundi kayo. Ang mga anak ay hindi nag-iipon para sa mga magulang kundi ang mga magulang para sa mga anak. 15 Higit akong maligaya na gugugol at lubos na magpagugol para sa inyong kaluluwa, kahit na kung sagana ang pag-ibig ko sa inyo, ay kakaunti ang pag-ibig sa akin. 16 Magkagayunman, hindi ako naging pabigat sa inyo, subalit sa pagiging tuso, nalinlang ko kayo. 17 Nagsamantala ba ako sa inyo sa pamamagitan ng sinuman sa kanila na isinugo ko sa inyo? 18 Ipinamanhik ko kay Tito at isinugo kasama niya ang isang kapatid. Nagsamantala ba sa inyo si Tito? Hindi ba namuhay kami sa iisang espiritu? Hindi ba namuhay kami sa gayunding mga hakbang?
19 Muli, iniisip ba ninyo na kami ay nagtatanggol ng aming sarili sa inyo? Sa harap ng Diyos, kami ay nagsasalita kay Cristo. Minamahal, ginagawa namin ang lahat ng mga bagay para sa inyong ikatitibay. 20 Ito ay sapagkat sa pagdating ko, natatakot ako na hindi ko kayo masumpungan tulad ng ibig ko. Natatakot ako na masumpungan ninyo ako tulad ng hindi ninyo ibig sa akin. Baka magkaroon ng paglalaban-laban, inggitan, poot, pakikipagtunggalian, paninirang puri, pagsisitsit,[a] pagmamalakihan at kaguluhan. 21 Baka sa pagdating ko, ibaba ako ng Diyos sa harapan ninyo at ako ay manangis dahil sa kanila na nagkasala roon. Hindi sila nagsisi sa karumihan at pakikiapid at kahalayan na kanilang ipinamuhay.
Mga Huling Babala
13 Ito ang ikatlong pagkakataong pupunta ako sa inyo. Sa bibig ng dalawa o tatlong saksi ang lahat ng bagayay mapagtitibay.
2 Sinabi ko na sa inyo noon at aking ipinapaunang-sabi na parang ako ay naririyan sa inyo sa ikalawang pagkakataon. Ngayong wala ako riyan, sumusulat ako sa mga nagkasala noon at sa lahat. Sa pagpunta ko, hindi ko palalampasin ang mga nagkasala. 3 Yaman ngang naghahanap kayo ng katibayan ng pagsasalita sa akin ni Cristo na para sa inyo ay hindi mahina kundi makapangyarihan sa inyo. 4 Ito ay sapagkat kung sa kahinaan, siya ay ipinako sa krus, siya naman ay nabubuhay sa kapangyarihan ng Diyos. Ito ay sapagkat sa kaniya tayo ay totoong mahina, ngunit mabubuhay tayong kasama niya sa kapangyarihan ng Diyos sa inyo.
5 Suriin ninyo ang inyong sarili kung kayo ay nasa pananampalataya, subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi ba ninyo kinikilala ang inyong sarili, na si Cristo ay nasa inyo, maliban na lang kung kayo ay mga itinakwil? 6 Inaasahan ko na malalaman ninyo na tayo ay mga hindi itinakwil. 7 Idinadalangin ko sa Diyos na huwag kayong gumawa ng anumang masama. Ito ay hindi upang kami ay maging karapat-dapat, subalit magawa ninyo ang tama kahit na kami ay tulad ng mga itinakwil. 8 Ito ay sapagkat wala kaming kapangyarihan laban sa katotohanan kundipara sa katotohanan. 9 Ito ay sapagkat kami ay nagagalak kung kami ay mahina at kayo ay malakas. Hinahangad din namin ang inyong pagiging-ganap. 10 Sumusulat ako sa inyo ngayon upang sa aking pagdating ay hindi ako maging marahas sa inyo ayon sa kapamahalaan na ibinigay ng Panginoon sa akin para sa inyong ikatitibay at hindi sa inyong ikawawasak.
Mga Panghuling Pagbati
11 Sa katapusan, mga kapatid, paalam. Maging ganap kayo, magkaroon kayo ng lakas ng loob, magkaisa kayo ng pag-iisip. Mamuhay kayo ng payapa. At ang Diyos ng pag-ibig at ng kapayapaan ang sumainyo.
12 Batiin ninyo ang isa’t isa ng banal na halik. 13 Ang lahat ng mga banal ay bumabati sa inyo.
14 Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo at ang pag-ibig ng Diyos at ang pakikipag-isa ng Banal na Espiritu ang sumainyong lahat. Siya nawa!
Copyright © 1998 by Bibles International