Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 146-147

Papuri sa Panginoon, na masaganang tagatulong.

146 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin mo ang Panginoon, (A)Oh kaluluwa ko.
Samantalang ako'y nabubuhay ay (B)pupurihin ko ang Panginoon:
Ako'y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios, samantalang ako'y may buhay.
(C)Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo,
Ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo.
(D)Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa;
Sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip.
(E)Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob,
Na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios:
(F)Na gumawa ng langit at lupa,
Ng dagat, at ng lahat na nandoon;
Na nagiingat ng katotohanan magpakailan man:
(G)Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati;
(H)Na nagbibigay ng pagkain sa gutom:
(I)Pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo;
(J)Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag;
(K)Ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob;
Iniibig ng Panginoon ang matuwid;
(L)Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa;
Kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao;
Nguni't (M)ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad.
10 (N)Maghahari ang Panginoon magpakailan man.
Ang iyong Dios, Oh Sion, sa lahat ng sali't saling lahi.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Pagpupuri dahil sa muling pagkakatayo ng Jerusalem at kasaganaan.

147 Purihin ninyo ang Panginoon; Sapagka't (O)mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios;
(P)Sapagka't maligaya, at ang pagpuri (Q)ay nakalulugod.
(R)Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem;
Kaniyang pinipisan ang mga (S)natapon na Israel.
(T)Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso,
At tinatalian niya ang kanilang mga sugat.
(U)Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin;
Siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan.
Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan;
Ang kaniyang unawa ay walang hanggan,
(V)Inaalalayan ng Panginoon ang maamo:
Kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama.
Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat;
Magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios:
(W)Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap.
Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa,
na nagpapatubo ng damo sa mga bundok.
(X)Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain.
At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing.
10 (Y)Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo:
Siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao.
11 Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya,
Sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob.
12 Purihin mo ang Panginoon, Oh Jerusalem;
Purihin mo ang iyong Dios, Oh Sion.
13 Sapagka't kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan;
Kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo.
14 (Z)Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan;
(AA)Kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo.
15 Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa;
Ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi.
16 (AB)Siya'y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa;
Siya'y nagkakalat ng eskarcha na parang abo.
17 Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo:
Sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon?
18 (AC)Kaniyang pinahahatdan ng salita, at tinutunaw:
Kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin, at ang tubig ay pinaagos.
19 (AD)Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob,
(AE)Ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel.
20 (AF)Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa:
At tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Mga Awit 111-113

Ang Panginoon ay pinuri dahil sa Kaniyang kagalingan.

111 Purihin ninyo ang Panginoon.
Ako'y magpapasalamat (A)sa Panginoon ng aking buong puso,
Sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan.
Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila,
Siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan.
Ang kaniyang gawa ay (B)karangalan at kamahalan:
At ang (C)kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin:
Ang Panginoon ay (D)mapagbiyaya at puspos ng kahabagan.
Siya'y nagbigay ng (E)pagkain sa nangatatakot sa kaniya:
Kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan.
Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa,
Sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa.
Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay (F)katotohanan at kahatulan:
Lahat niyang mga tuntunin ay (G)tunay.
(H)Nangatatatag magpakailankailan man,
Mga yari sa katotohanan at katuwiran.
Siya'y nagsugo ng (I)katubusan sa kaniyang bayan;
Kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailan man:
(J)Banal at kagalanggalang ang kaniyang pangalan.
10 (K)Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan;
May mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos.
Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.

Ang pananagana niyaong natatakot sa Panginoon.

112 Purihin ninyo ang Panginoon.
Mapalad (L)ang tao na natatakot sa Panginoon,
Na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos.
(M)Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa;
Ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad.
(N)Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay:
At ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
Sa matuwid ay (O)bumabangon ang liwanag sa kadiliman:
(P)Siya'y mapagbiyaya at puspos ng kahabagan, at matuwid.
(Q)Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at nagpapahiram,
Kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan.
Sapagka't siya'y hindi makikilos magpakailan man;
Ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan.
Siya'y hindi matatakot (R)sa mga masamang balita:
Ang kaniyang (S)puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon.
Ang kaniyang puso ay natatag, siya'y hindi matatakot,
Hanggang sa kaniyang (T)makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway.
Kaniyang pinanabog, kaniyang ibinigay sa mapagkailangan;
Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man,
Ang kaniyang (U)sungay ay matataas na may karangalan.
10 Makikita ng masama, at mamamanglaw;
Siya'y magngangalit ng kaniyang mga ngipin, at matutunaw:
Ang nasa ng masama ay (V)mapaparam.

Ang Panginoon ay pinuri dahil sa pagpuri sa nagpapakababa.

113 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon,
Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon.
(W)Purihin ang pangalan ng Panginoon
Mula sa panahong ito at magpakailan man.
(X)Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon
Ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin,
Ang Panginoon ay (Y)mataas na higit sa lahat ng mga bansa,
At ang kaniyang kaluwalhatian ay (Z)sa itaas ng mga langit.
(AA)Sino ang gaya ng Panginoon nating Dios,
Na may kaniyang upuan sa itaas,
(AB)Na nagpapakababang tumitingin
Ng mga bagay na nangasa sa langit at sa lupa?
(AC)Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok,
At itinataas ang mapagkailangan mula sa dumi;
Upang maupo siya na kasama ng mga pangulo,
Sa makatuwid baga'y ng mga pangulo ng kaniyang bayan.
(AD)Kaniyang pinapagiingat ng bahay ang baog na babae,
At maging masayang ina ng mga anak.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Jeremias 36:1-10

Inutusan ni Jeremias si Baruch upang basahin ang aklat sa loob ng templo.

36 At nangyari (A)nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, na ang salitang ito ay dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi,

Kumuha ka ng (B)isang balumbon, (C)at iyong isulat doon ang lahat na salita na aking sinalita sa iyo laban sa Israel, at laban sa Juda, (D)at laban sa lahat ng mga bansa, (E)mula nang araw na magsalita ako sa iyo, mula nang kaarawan ni Josias, hanggang sa araw na ito.

Marahil ay maririnig ng sangbahayan ni Juda ang lahat na kasamaan na aking pinanukalang gawin sa kanila; upang (F)humiwalay bawa't isa sa kanila sa kaniyang masamang lakad; (G)upang aking maipatawad ang kanilang kasamaan at ang kanilang kasalanan.

Nang magkagayo'y tinawag ni Jeremias (H)si Baruch na anak ni Nerias; at sinulat ni (I)Baruch ang lahat ng salita ng Panginoon na mula sa bibig ni Jeremias, na sinalita niya sa kaniya, sa balumbon.

At si Jeremias ay nagutos kay Baruch, na nagsasabi, (J)Ako'y nakukulong; hindi ako makapasok sa bahay ng Panginoon:

Kaya't pumaroon ka, at basahin mo sa balumbon, ang iyong isinulat na mula sa aking bibig, ang mga salita ng Panginoon sa mga pakinig ng bayan sa bahay ng Panginoon sa kaarawan ng pagaayuno; at iyo ring babasahin sa mga pakinig ng buong Juda na lumabas sa kanilang mga bayan.

Marahil ay maghaharap sila ng kanilang daing sa harap ng Panginoon, at hihiwalay bawa't isa sa kaniyang masamang lakad; sapagka't malaki ang galit at ang kapusukan na sinalita ng Panginoon laban sa bayang ito.

At ginawa ni Baruch na anak ni Nerias ang ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ni Jeremias na propeta, na binasa sa aklat ang mga salita ng Panginoon sa bahay ng Panginoon.

Nangyari nga nang ikalimang taon ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda nang ikasiyam na buwan, na ang buong bayan sa Jerusalem, at ang buong bayan na nanggaling sa mga bayan ng Juda sa Jerusalem, ay (K)nagtanyag ng ayuno sa harap ng Panginoon.

10 Nang magkagayo'y binasa ni Baruch sa balumbon ang mga salita ni Jeremias sa bahay ng Panginoon, (L)sa silid ni Gemarias na anak ni (M)Saphan na kalihim, sa mataas na looban (N)sa pasukan ng bagong pintuang-daan ng bahay ng Panginoon, sa mga pakinig ng buong bayan.

Mga Gawa 14:8-18

At sa Listra ay may isang lalaking nakaupo, na sa mga paa'y (A)walang lakas, pilay mula pa sa tiyan ng kaniyang ina, na kailan ma'y hindi nakalakad.

Narinig nitong nagsasalita si Pablo: na, nang titigan siya ni Pablo, at makitang may pananampalataya (B)upang mapagaling,

10 Ay nagsabi ng malakas na tinig, Magtindig kang matuwid sa iyong mga paa. (C)At siya'y lumukso at lumakad.

11 At nang makita ng karamihan ang ginawa ni Pablo, ay nagsigawan sila, na sinasabi sa wikang Licaonia, (D)Ang mga dios ay nagsibaba sa atin sa anyo ng mga tao.

12 At tinawag nilang Jupiter, si Bernabe; at Mercurio, si Pablo, sapagka't siya ang pangulong tagapagsalita.

13 At ang saserdote ni Jupiter na ang kaniyang templo ay nasa harap ng bayan, ay nagdala ng mga baka't mga putong na bulaklak sa mga pintuang-daan, at ibig maghaing kasama ng mga karamihan.

14 Datapuwa't nang marinig ito (E)ng mga apostol, na si Bernabe at si Pablo, ay (F)hinapak nila ang kanilang mga damit, at nagsipanakbo sa gitna ng karamihan, na nagsisigaw

15 At nagsisipagsabi, Mga ginoo, (G)bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito? Kami'y mga tao ring may mga karamdamang gaya ninyo, at nangagdadala ng mabubuting balita sa inyo, upang mula sa mga bagay na itong (H)walang kabuluhan ay magsibalik kayo (I)sa Dios na buhay, (J)na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat, at ng lahat ng nasa mga yaon:

16 Na nang mga panahong nakaraan (K)ay pinabayaan niya ang lahat ng mga bansa ay magsilakad sa kanilang mga sariling daan.

17 At gayon man ay (L)hindi nagpabayang di nagbigay patotoo, tungkol sa kaniyang sarili, na gumawa ng mabuti (M)at nagbigay sa inyo ng ulang galing sa langit at ng mga panahong sagana, na pinupuno ang inyong mga puso ng (N)pagkain at ng katuwaan.

18 At sa mga pananalitang ito ay bahagya na nilang napigil ang karamihan sa paghahain sa kanila.

Lucas 7:36-50

36 At ipinamanhik sa kaniya (A)ng isa sa mga Fariseo na kumaing kasalo niya. At siya'y pumasok sa bahay ng Fariseo at naupo sa dulang.

37 At narito, ang isang babaing makasalanan na nasa bayan; at nang maalaman niyang siya'y nasa dulang ng pagkain sa bahay ng Fariseo ay (B)nagdala siya ng isang sisidlang alabastro na puno ng unguento,

38 At nakatayo sa likuran sa kaniyang mga paanan na tumatangis, ay pinasimulan niyang dinilig ng mga luha ang kaniyang mga paa, at ang mga ito'y kinukuskos ng buhok ng kaniyang ulo, at hinahagkan ang kaniyang mga paa, at pinapahiran ng unguento.

39 Nang makita nga ito ng Fariseo na sa kaniya'y naganyaya, ay nagsalita sa kaniyang sarili, na sinasabi, Ang taong ito, kung siya'y (C)isang propeta ay nakikilala niya kung sino at kung ano ang babaing ito na sa kaniya'y humihipo, na siya'y makasalanan.

40 At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Simon, ako'y may isang bagay na sasabihin sa iyo. At sinabi niya, Guro, sabihin mo.

41 Isang may pautang ay may dalawang may utang sa kaniya: at ang isa'y may utang na limang daang (D)denario, at ang isa'y limangpu.

42 Nang sila'y walang maibayad, ay kapuwa pinatawad niya. Alin nga sa kanila ang lalong iibig sa kaniya?

43 Sumagot si Simon at sinabi, Inaakala ko na yaong pinatawad niya ng lalong malaki. At sinabi niya sa kaniya, Matuwid ang pagkahatol mo.

44 At paglingon sa babae, ay sinabi niya kay Simon, Nakikita mo baga ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay, (E)hindi mo ako binigyan ng tubig na ukol sa aking mga paa: datapuwa't dinilig niya ang aking mga paa ng kaniyang mga luha, at kinuskos ng kaniyang buhok.

45 (F)Hindi mo ako binigyan ng halik: datapuwa't siya, buhat nang ako'y pumasok ay hindi humihinto ng paghalik sa aking mga paa.

46 (G)Hindi mo pinahiran ng langis ang aking ulo: datapuwa't pinahiran niya ng unguento ang aking mga paa.

47 Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ipinatatawad ang kaniyang maraming kasalanan; sapagka't siya ay umibig ng malaki: datapuwa't sa pinatatawad ng kaunti, ay kakaunti ang pagibig.

48 At sinabi niya sa babae, (H)Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan.

49 At ang mga kasalo niyang nangakaupo sa dulang ng pagkain ay nagpasimulang nangagsabi sa kanilang sarili, Sino ito, na nagpapatawad (I)pati ng mga kasalanan?

50 At sinabi niya sa babae, Iniligtas ka (J)ng iyong pananampalataya; (K)yumaon kang payapa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978