Book of Common Prayer
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Jonath-elem-rehokim. Awit ni David: Michtam: nang hulihin siya ng mga (A)Filisteo sa Gat.
56 (B)Maawa ka sa akin, Oh Dios: sapagka't sasakmalin ako ng tao:
Buong araw ay nangbababag siya na pinipighati ako.
2 Ibig akong sakmalin ng aking mga kaaway buong araw:
Sapagka't sila'y maraming may kapalaluan na nagsisilaban sa akin.
3 Sa panahong ako'y matakot,
Aking ilalagak ang aking tiwala sa iyo.
4 Sa Dios (ay pupuri ako ng kaniyang salita),
Sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, (C)hindi ako matatakot;
Anong magagawa ng laman sa akin?
5 Buong araw ay binabaligtad nila ang aking mga salita:
Lahat ng kanilang mga pagiisip ay laban sa akin sa ikasasama.
6 Sila'y nagpipisan, (D)sila'y nagsisipagkubli,
Kanilang tinatandaan ang aking mga hakbang,
Gaya ng kanilang (E)pagaabang sa aking kaluluwa.
7 Tatakas ba sila sa pamamagitan ng masama?
Sa galit ay ilugmok mo ang mga bayan, Oh Dios.
8 Iyong isinasaysay ang aking mga paggagala:
(F)Ilagay mo ang aking mga luha sa iyong botelya;
(G)Wala ba sila sa iyong aklat?
9 Tatalikod nga ang aking mga kaaway sa kaarawan na ako'y tumawag:
Ito'y nalalaman ko, sapagka't ang (H)Dios ay kakampi ko.
10 Sa Dios (ay pupuri ako ng salita),
Sa Panginoon (ay pupuri ako ng salita),
11 Sa Dios ay inilagak ko ang aking tiwala, (I)hindi ako matatakot;
Anong magagawa ng tao sa akin?
12 Ang iyong mga panata ay sa akin, Oh Dios:
Ako'y magbabayad ng mga handog na pasalamat sa iyo.
13 Sapagka't (J)iniligtas mo ang aking kaluluwa sa kamatayan:
Hindi mo ba iniligtas ang aking mga paa sa pagkahulog?
Upang ako'y makalakad sa harap ng Dios
(K)Sa liwanag ng buhay.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. (L)Awit ni David. Michtam; nang kaniyang takasan si Saul, sa yungib.
57 (M)Maawa ka sa akin, Oh Dios, maawa ka sa akin;
Sapagka't ang aking kaluluwa ay nanganganlong sa iyo.
Oo, sa (N)lilim ng iyong mga pakpak ay manganganlong ako,
(O)Hanggang sa makaraan ang mga kasakunaang ito.
2 Ako'y dadaing sa Dios na Kataastaasan;
Sa Dios na nagsagawa ng lahat na mga bagay sa akin.
3 (P)Siya'y magsusugo mula sa langit, at ililigtas ako,
Pagka yaong lulunok sa akin ay dumuduwahagi; (Selah)
(Q)Susuguin ng Dios ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang katotohanan.
4 Ang aking kaluluwa ay nasa gitna ng mga leon:
Ako'y nahihiga sa gitna niyaong mga pinaningasan ng apoy,
Sa mga anak ng tao, na ang mga ngipin ay sibat at mga pana,
At ang kanilang dila ay (R)matalas na tabak.
5 (S)Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit;
Mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.
6 Kanilang hinandaan ng (T)silo ang aking mga hakbang.
Ang aking kaluluwa ay nakayuko:
Sila'y nagsihukay ng isang (U)lungaw sa harap ko.
Sila'y nangahulog sa gitna niyaon. (Selah)
7 (V)Ang aking puso ay matatag, Oh Dios, ang aking puso ay matatag:
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri.
8 (W)Gumising ka, (X)kaluwalhatian ko; gumising ka, salterio at alpa:
Ako'y gigising na maaga.
9 Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan:
Ako'y aawit sa iyo ng mga pagpuri sa gitna ng mga bansa.
10 (Y)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila hanggang sa mga langit,
At ang iyong katotohanan hanggang sa mga alapaap.
11 Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit;
Mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. Awit ni David. Michtam.
58 Tunay bang kayo'y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan?
Nagsisihatol ba kayo ng matuwid, Oh kayong mga anak ng mga tao?
2 Oo, sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan;
Inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa.
3 Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata:
Sila'y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga kasinungalingan.
4 (Z)Ang kanilang kamandag ay parang kamandag ng ahas:
Sila'y (AA)gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kaniyang pakinig;
5 At hindi nakakarinig ng tinig (AB)ng mga enkantador,
Na kailan man ay hindi umeenkanto ng gayon na may karunungan.
6 Iyong bungalin ang kanilang mga ngipin, (AC)Oh Dios, sa kanilang bibig:
Iyong bungalin ang mga malaking ngipin ng mga batang leon, Oh Panginoon.
7 (AD)Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos:
Pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso, maging gaya nawa ng nangaluray.
8 Maging gaya nawa ng laman ng suso na natutunaw at napapawi:
(AE)Na gaya ng naagas sa babae na hindi nakakita ng araw.
9 (AF)Bago makaramdam ang inyong mga palyok ng mga dawag na panggatong,
(AG)Kaniyang kukunin ang mga yaon ng ipoipo, ang sariwa at gayon din ang nagniningas.
10 (AH)Magagalak ang matuwid pagka nakita niya (AI)ang higanti:
Kaniyang huhugasan (AJ)ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama.
11 (AK)Na anopa't sasabihin ng mga tao, Katotohanang may kagantihan sa matuwid:
Katotohanang may Dios na (AL)humahatol sa lupa.
Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
64 Dinggin mo ang tinig ko. Oh Dios, sa aking hibik:
Ingatan mo ang buhay ko sa pagkatakot sa kaaway.
2 Ikubli mo ako sa lihim na payo ng mga manggagawa ng kasamaan;
Sa panggugulo ng mga manggagawa ng kasamaan:
3 (A)Na siyang nangaghasa ng kanilang dila na parang tabak,
At pinahilagpos ang kanilang mga (B)palaso, sa makatuwid baga'y ang masasakit na salita:
4 Upang kanilang maihilagpos sa sakdal sa mga lihim na dako:
Biglang inihihilagpos nila sa kaniya at hindi natatakot.
5 Sila'y nagpapakatapang sa masamang akala;
Sila'y nagsasangusapan ng paglalagay ng lihim na silo;
Sinasabi nila, (C)Sinong makakakita?
6 Sila'y nagsisipagsiyasat ng mga kasamaan;
Aming naganap, sabi nila, ang masikap na pagsiyasat;
At ang pagiisip sa loob ng bawa't isa, at ang puso ay malalim.
7 (D)Nguni't pahihilagpusan sila ng Dios;
Sila'y masusugatang bigla ng isang palaso.
8 Sa gayo'y sila'y (E)matitisod palibhasa't ang kanilang sariling dila ay laban sa kanila:
Ang lahat na makakita sa kanila ay (F)mangaguuga ng ulo.
9 At lahat ng mga tao ay (G)mangatatakot;
At kanilang ipahahayag ang salita ng Dios,
At may karunungang kanilang bubuhayin ang kanilang gawa.
10 Ang matuwid ay (H)matutuwa sa Panginoon, at manganganlong sa kaniya;
At lahat ng mga matuwid sa puso ay magsisiluwalhati.
Sa Pangulong Manunugtog. Salmo. Awit ni David.
65 Ang kapurihan ay naghihintay sa iyo, Oh Dios, sa Sion:
At sa iyo'y maisasagawa ang panata.
2 Oh ikaw na dumidinig ng dalangin,
(I)Sa iyo'y paroroon ang lahat ng laman.
3 Mga kasamaan ay nangananaig laban sa akin:
Tungkol sa aming pagsalangsang, ay (J)lilinisin mo.
4 (K)Mapalad ang tao na (L)iyong pinipili, at pinalalapit mo sa iyo,
(M)Upang siya'y makatahan sa iyong mga looban:
(N)Kami ay mangasisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay,
Ng iyong banal na templo.
5 Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay,
Oh Dios ng aming kaligtasan;
Ikaw na katiwalaan ng (O)lahat na wakas ng lupa,
At nila na malayo sa dagat:
6 Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan;
Palibhasa't nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan:
7 (P)Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat,
Ng hugong ng kanilang mga alon,
(Q)At ng kaingay ng mga bayan.
8 Sila naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda:
Ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim.
9 (R)Iyong dinadalaw ang lupa, at (S)dinidilig mo,
Iyong pinayayamang mainam;
(T)Ang ilog ng Dios ay puno ng tubig:
Iyong pinagtataanan sila ng trigo, pagka't inihanda mo ang lupa.
10 Iyong dinidilig ang kaniyang bungkal ng sagana;
Iyong pinapantay ang kaniyang mga bungkal;
Iyong mga pinalalambot ng ambon;
Iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon.
11 Iyong dinudulutan ang taon ng iyong kabutihan;
At ang iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan.
12 Nagsisipatak sa mga (U)pastulan sa ilang;
At ang mga burol ay nabibigkisan ng kagalakan.
13 Ang mga[a] pastulan ay nangabihisan ng mga kawan;
Ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo;
Sila'y magsisihiyaw sa kagalakan, sila naman ay nagsisiawit.
18 Mga babae, (A)pasakop kayo sa inyo-inyong asawa, gaya ng nararapat sa Panginoon.
19 Mga lalake, (B)ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, at huwag kayong maging mapait sa kanila.
20 Mga anak, (C)magsitalima kayo sa inyong magulang sa lahat ng mga bagay, sapagka't ito'y totoong nakalulugod sa Panginoon.
21 Mga ama, (D)huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak, upang huwag manghina ang loob nila.
22 (E)Mga alipin, magsitalima kayo sa lahat ng mga bagay sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon: hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa katapatan ng puso, na mangatakot sa Panginoon:
23 Anomang inyong ginagawa, (F)ay inyong gawin ng buong puso, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao;
24 Yamang inyong nalalaman na sa Panginoon ay (G)tatanggapin ninyo ang ganting (H)mana; sapagka't naglilingkod kayo sa Panginoong Jesucristo.
25 Sapagka't ang gumagawa ng masama ay tatanggap ng ayon sa masama na kaniyang ginawa; (I)at walang itinatanging mga tao.
4 Mga panginoon, (J)gawin ninyo sa inyong mga alipin ang matuwid, at katampatan; yamang nalalaman ninyo na kayo naman ay mayroong ding isang Panginoon sa langit.
2 (K)Manatili kayong palagi (L)sa pananalangin, na kayo'y mangagpuyat na (M)may pagpapasalamat;
3 (N)Na tuloy idalangin din ninyo kami, na buksan sa amin ng Dios ang pinto sa salita, upang aming salitain (O)ang hiwaga ni Cristo, (P)na dahil din dito'y may mga tanikala ako;
4 Upang ito'y aking maihayag, gaya ng aking nararapat na salitain.
5 Magsilakad kayo na may karunungan (Q)sa nangasa labas, (R)na inyong samantalahin ang panahon.
6 Ang inyong pananalita nawa'y (S)laging may biyaya, (T)na magkalasang asin, upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa't isa.
7 (U)Ang lahat na mga bagay ukol sa akin ay ipatatalastas sa inyo ni Tiquico, na minamahal na kapatid at tapat na ministro, at kasamang lingkod sa Panginoon:
8 Na siyang aking sinugo sa inyo sa bagay na ito, upang maalaman ninyo ang aming kalagayan, at upang kaniyang aliwin ang inyong mga puso;
9 Na kasama ni (V)Onesimo, tapat at minamahal na kapatid, na siya'y isa sa inyo. Sila ang magpapatalastas sa inyo ng lahat ng mga bagay na nangyayari dini.
10 Binabati kayo ni Aristarco na kasama ko sa bilangguan, at ni (W)Marcos na pinsan ni Bernabe (tungkol sa kaniya'y tinanggap na ninyo ang mga utos: kung paririyan siya sa inyo, ay inyong tanggapin),
11 At si Jesus na tinatawag na Justo, (X)na pawang sa pagtutuli: ang mga ito lamang ang aking kamanggagawa sa kaharian ng Dios, mga taong naging kaaliwan ko.
12 Binabati kayo ni Epafras, (Y)na isa sa inyo, na lingkod ni Cristo Jesus, na siyang laging nagsisikap dahil sa inyo sa kaniyang pananalangin, upang kayo'y magsitatag na mga sakdal at lubos na tiwasay sa lahat na kalooban ng Dios.
13 Sapagka't siya'y binibigyan kong patotoo na siya'y totoong nagpapagal sa inyo, at sa nangasa (Z)Laodicea, at sa nangasa Hierapolis.
14 Binabati kayo ni (AA)Lucas, ang minamahal na manggagamot, at ni (AB)Demas.
15 Batiin ninyo ang mga kapatid na nangasa Laodicea, at si Nimfas, at (AC)ang iglesiang nasa kanilang bahay.
16 At pagkabasa (AD)ng sulat na ito sa inyo, ay ipabasa naman ninyo sa iglesia ng mga taga Laodicea; at basahin naman ninyo ang sulat na mula sa Laodicea.
17 At sabihin ninyo kay (AE)Arquipo, Ingatan mong tuparin ang ministerio na tinanggap mo sa Panginoon.
18 Ang bating sinulat ng aking sariling kamay, (AF)akong si Pablo. Alalahanin ninyo ang (AG)aking mga tanikala. (AH)Ang biyaya'y sumasainyo nawa.
36 At ipinamanhik sa kaniya (A)ng isa sa mga Fariseo na kumaing kasalo niya. At siya'y pumasok sa bahay ng Fariseo at naupo sa dulang.
37 At narito, ang isang babaing makasalanan na nasa bayan; at nang maalaman niyang siya'y nasa dulang ng pagkain sa bahay ng Fariseo ay (B)nagdala siya ng isang sisidlang alabastro na puno ng unguento,
38 At nakatayo sa likuran sa kaniyang mga paanan na tumatangis, ay pinasimulan niyang dinilig ng mga luha ang kaniyang mga paa, at ang mga ito'y kinukuskos ng buhok ng kaniyang ulo, at hinahagkan ang kaniyang mga paa, at pinapahiran ng unguento.
39 Nang makita nga ito ng Fariseo na sa kaniya'y naganyaya, ay nagsalita sa kaniyang sarili, na sinasabi, Ang taong ito, kung siya'y (C)isang propeta ay nakikilala niya kung sino at kung ano ang babaing ito na sa kaniya'y humihipo, na siya'y makasalanan.
40 At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Simon, ako'y may isang bagay na sasabihin sa iyo. At sinabi niya, Guro, sabihin mo.
41 Isang may pautang ay may dalawang may utang sa kaniya: at ang isa'y may utang na limang daang (D)denario, at ang isa'y limangpu.
42 Nang sila'y walang maibayad, ay kapuwa pinatawad niya. Alin nga sa kanila ang lalong iibig sa kaniya?
43 Sumagot si Simon at sinabi, Inaakala ko na yaong pinatawad niya ng lalong malaki. At sinabi niya sa kaniya, Matuwid ang pagkahatol mo.
44 At paglingon sa babae, ay sinabi niya kay Simon, Nakikita mo baga ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay, (E)hindi mo ako binigyan ng tubig na ukol sa aking mga paa: datapuwa't dinilig niya ang aking mga paa ng kaniyang mga luha, at kinuskos ng kaniyang buhok.
45 (F)Hindi mo ako binigyan ng halik: datapuwa't siya, buhat nang ako'y pumasok ay hindi humihinto ng paghalik sa aking mga paa.
46 (G)Hindi mo pinahiran ng langis ang aking ulo: datapuwa't pinahiran niya ng unguento ang aking mga paa.
47 Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ipinatatawad ang kaniyang maraming kasalanan; sapagka't siya ay umibig ng malaki: datapuwa't sa pinatatawad ng kaunti, ay kakaunti ang pagibig.
48 At sinabi niya sa babae, (H)Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan.
49 At ang mga kasalo niyang nangakaupo sa dulang ng pagkain ay nagpasimulang nangagsabi sa kanilang sarili, Sino ito, na nagpapatawad (I)pati ng mga kasalanan?
50 At sinabi niya sa babae, Iniligtas ka (J)ng iyong pananampalataya; (K)yumaon kang payapa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978