Mga Kawikaan 8-10
Ang Biblia (1978)
Ang tawag ng karunungan.
8 Hindi ba umiiyak (A)ang karunungan,
At inilalabas ng unawa ang kaniyang tinig?
2 Sa (B)taluktok ng mga mataas na dako sa tabi ng daan,
Sa mga salubungang landas, siya'y tumatayo;
3 Sa tabi ng mga (C)pintuang-bayan sa pasukan ng bayan,
Sa pasukan sa mga pintuan siya'y humihiyaw ng malakas:
4 Sa inyo, Oh mga lalake, ako'y tumatawag;
At ang aking tinig ay sa mga anak ng mga tao.
5 Oh kayong mga musmos, (D)magsiunawa kayo ng katalinuhan;
At, kayong mga mangmang, makaunawa kayo sa puso.
6 Kayo'y mangakinig, sapagka't magsasalita ako ng mga (E)marilag na bagay;
At ang buka ng aking mga labi ay magiging mga matuwid na bagay,
7 Sapagka't ang aking bibig ay sasambit ng katotohanan;
At kasamaan ay karumaldumal sa aking mga labi.
8 Lahat ng mga salita ng aking bibig ay sa katuwiran;
Walang bagay na liko o suwail sa kanila.
9 (F)Pawang malilinaw sa kaniya na nakakaunawa,
At matuwid sa kanila na nangakakasumpong ng kaalaman.
10 Tanggapin mo ang aking turo at huwag pilak;
At ang kaalaman na higit kay sa dalisay na ginto.
11 (G)Sapagka't ang karunungan ay maigi kay sa mga rubi;
At lahat ng mga bagay na mananasa ay hindi maitutulad sa kaniya.
12 Akong karunungan ay tumatahan sa kabaitan,
At aking nasusumpungan ang kaalaman at gunita.
13 (H)Ang pagkatakot sa Panginoon ay ipagtanim ang kasamaan;
(I)Kapalaluan, at kahambugan at masamang lakad,
At (J)ang masamang bibig ay aking ipinagtatanim.
14 Payo ay akin at magaling na kaalaman:
Ako'y kaunawaan; ako'y may kapangyarihan,
15 (K)Sa pamamagitan ko ay naghahari ang mga hari,
At nagpapasiya ng kaganapan ang mga pangulo.
16 Sa pamamagitan ko ay nagpupuno ang mga pangulo,
At ang mga mahal na tao, sa makatuwid baga'y lahat ng mga hukom sa lupa.
17 (L)Aking iniibig sila na nagsisiibig sa akin;
At yaong nagsisihanap na masikap sa akin ay masusumpungan (M)ako.
18 (N)Mga kayamanan at karangalan ay nasa akin;
Oo, lumalaging mga kayamanan at katuwiran.
19 Ang bunga ko ay maigi kay sa ginto, oo, kay sa dalisay na (O)ginto;
At ang pakinabang sa akin kay sa piling pilak.
20 Ako'y lumalakad sa daan ng katuwiran,
Sa gitna ng mga landas ng kahatulan:
21 Upang aking papagmanahin ng pagaari yaong nagsisiibig sa akin,
At upang aking mapuno ang kanilang ingatang-yaman.
Ang kaluwalhatian ng karunungan. Ang pagkamapalad ng marunong na lalake.
22 Inari ako (P)ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad,
Bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una.
23 (Q)Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula,
Bago nalikha ang lupa.
24 (R)Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman;
Nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig.
25 (S)Bago ang mga bundok ay nalagay,
Bago ang mga burol ay ako'y nailabas:
26 Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man,
Ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan.
27 Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako:
Nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman:
28 Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas:
Nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman:
29 (T)Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan,
Upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos:
Nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa:
30 (U)Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa:
At ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw,
Na nagagalak na lagi sa harap niya;
31 Na nagagalak sa kaniyang tinatahanang lupa;
At ang aking kaaliwan ay sa mga anak ng mga tao.
32 Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako:
Sapagka't (V)mapalad ang nangagiingat ng aking mga daan.
33 Mangakinig kayo ng turo, at kayo'y magpakapantas,
At huwag ninyong tanggihan.
34 (W)Mapalad ang tao na nakikinig sa akin,
Na nagbabantay araw-araw sa aking mga pintuang-bayan,
Na naghihintay sa mga haligi ng aking mga pintuan.
35 Sapagka't sinomang nakakasumpong sa akin, ay (X)nakakasumpong ng buhay.
At magtatamo ng lingap ng Panginoon.
36 Nguni`t siyang nagkakasala laban sa akin ay (Y)nagliligaw ng kaniyang sariling kaluluwa;
Silang lahat na nangagtatanim sa akin ay (Z)nagsisiibig ng kamatayan.
Ang handaan ng karunungan.
9 (AA)Itinayo ng karunungan ang kaniyang bahay,
Kaniyang tinabas ang kaniyang pitong haligi:
2 (AB)Pinatay niya ang kaniyang mga hayop: hinaluan niya ang kaniyang alak;
Kaniya namang ginayakan ang kaniyang dulang.
3 Kaniya namang sinugo ang kaniyang mga alilang babae;
Siya'y sumisigaw sa mga pinakapantas na dako sa bayan:
4 Kung sinoma'y musmos, pumasok dito:
(AC)Tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya:
5 Kayo'y magsiparito, magsikain kayo ng aking tinapay,
At magsiinom kayo ng alak na aking hinaluan.
6 Iwan ninyo, ninyong mga musmos at kayo'y mabuhay;
At kayo'y magsilakad sa daan ng kaunawaan.
7 Siyang sumasaway sa manglilibak ay nagtataglay ng kahihiyan sa kaniyang sarili:
At siyang sumasaway sa masama ay nagtataglay ng pula sa kaniyang sarili.
8 (AD)Huwag mong sawayin ang manglilibak, baka ipagtanim ka niya:
(AE)Sawayin mo ang pantas, at kaniyang iibigin ka.
9 Turuan mo ang pantas, at (AF)siya'y magiging lalong pantas pa:
Iyong turuan ang matuwid, at siya'y lalago sa pagkatuto.
10 (AG)Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan:
At ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan.
11 Sapagka't (AH)sa pamamagitan ko ay dadami ang iyong mga kaarawan,
At ang mga taon ng iyong buhay ay magsisidami.
12 (AI)Kung ikaw ay pantas, ikaw ay pantas sa ganang iyong sarili:
At kung ikaw ay manglilibak, ikaw na magisa (AJ)ang magpapasan.
Ang anyaya ng hangal na babae.
13 (AK)Ang hangal na babae ay madaldal;
Siya'y musmos at walang nalalaman.
14 At siya'y nauupo sa pintuan ng kaniyang bahay,
Sa isang upuan sa mga mataas na dako sa bayan,
15 Upang tawagin ang nangagdadaan,
Na nagsisiyaong matuwid ng kanilang mga lakad:
16 Sinomang musmos ay pumasok dito:
At tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya:
17 (AL)Ang mga nakaw na tubig ay matamis,
At ang tinapay na kinakain sa lihim ay masarap.
18 Nguni't hindi niya nalalaman na ang patay ay (AM)nandoon;
Na ang mga panauhin niya ay nangasa mga kalaliman ng Sheol.
Iba't ibang kawikaan. Pinagpaparis ang matuwid at ang masama.
10 (AN)Mga kawikaan ni Salomon.
Ang (AO)pantas na anak ay nakapagpapasaya sa ama:
Nguni't ang mangmang na anak ay pasan ng kaniyang ina.
2 (AP)Mga kayamanan ng kasamaan ay hindi napapakinabangan:
Nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan.
3 Hindi titiisin (AQ)ng Panginoon na magutom ang kaluluwa ng matuwid:
Nguni't kaniyang itinatakuwil ang nasa ng masama.
4 Siya'y nagiging dukha na gumagawa (AR)ng kamay na walang kasipagan:
Nguni't yumayaman ang kamay ng masipag.
5 Siyang nagtitipon sa taginit ay pantas na anak:
Nguni't siyang natutulog sa pagaani ay anak na kahiyahiya.
6 Mga pagpapala ay nangasa ulo ng matuwid:
Nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama.
7 (AS)Ang alaala sa ganap ay pinagpapala:
Nguni't ang pangalan ng masama ay mapaparam.
8 Ang pantas sa puso ay tatanggap ng mga utos:
Nguni't ang madaldal na musmos ay mabubuwal.
9 Siyang lumalakad ng matuwid ay lumalakad na tiwasay:
Nguni't siyang sumisira ng kaniyang mga lakad ay makikilala.
10 (AT)Siyang kumikindat ng mata ay nagpapapanglaw:
Nguni't ang madaldal na musmos ay mabubuwal.
11 Ang bibig ng matuwid, ay (AU)bukal ng kabuhayan:
Nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama.
12 Ang pagtatanim ay humihila ng mga kaalitan:
(AV)Nguni't tinatakpan ng pagibig ang lahat ng pagsalangsang.
13 Nasusumpungan sa mga labi ng mabait ang karunungan:
Nguni't ang pamalo ay sa likod ng walang unawa.
14 Ang mga pantas ay nagiimbak ng kaalaman:
Nguni't ang bibig ng mangmang ay kasalukuyang ikapapahamak.
15 Ang kayamanan ng mayaman (AW)ay ang kaniyang matibay na bayan:
Ang kapahamakan ng dukha ay ang kanilang karalitaan.
16 Ang gawa ng matuwid ay patungo sa buhay;
Ang bunga ng dukha ay sa pagkakasala.
17 (AX)Nasa daan ng buhay siyang nakikinig ng saway:
Nguni't siyang nagpapabaya ng saway ay nagkakamali.
18 Siyang nagkukubli ng mga pagtatanim ay sa mga magdarayang labi;
At (AY)siyang nagpaparatang ay mangmang.
19 Sa karamihan ng mga salita ay hindi nagkukulang ng pagsalangsang:
Nguni't (AZ)siyang nagpipigil ng kaniyang mga labi ay gumagawang may kapantasan.
20 Ang dila ng matuwid ay parang piling pilak:
Ang puso ng masama ay kaunti ang halaga.
21 Ang mga labi ng matuwid ay nagpapakain ng marami:
Nguni't ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pagunawa.
22 (BA)Ang pagpapala ng Panginoon, ay nagpapayaman,
At hindi niya idinadagdag ang kapanglawan.
23 Isang paglilibang sa mangmang ang (BB)paggawa ng kasamaan:
At gayon ang karunungan sa taong naguunawa.
24 (BC)Ang takot ng masama ay darating sa kaniya:
(BD)At ang nasa ng matuwid ay ipagkakaloob.
25 Pagka ang ipoipo ay dumadaan ay nawawala ang (BE)masama:
Nguni't ang (BF)matuwid ay walang hanggang patibayan.
26 Kung paano ang suka sa mga ngipin, at kung paano ang usok sa mata,
Gayon ang tamad sa mga nagsusugo sa kaniya.
27 (BG)Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapalaon ng mga kaarawan:
(BH)Nguni't ang mga taon ng masama ay mangangaunti.
28 Ang pagasa ng matuwid ay magiging kasayahan:
(BI)Nguni't ang pagasa ng masama ay mawawala.
29 Ang daan ng Panginoon ay katibayan sa matuwid;
(BJ)Nguni't kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan.
30 (BK)Ang matuwid ay hindi makikilos kailan man:
(BL)Nguni't ang masama ay hindi tatahan sa lupain.
31 (BM)Ang bibig ng matuwid ay nagbibigay ng karunungan:
Nguni't ang magdarayang dila ay ihihiwalay.
32 Nalalaman ng mga labi ng matuwid ang nakalulugod:
Nguni't ang bibig ng masama ay nagsasalita ng karayaan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978