Add parallel Print Page Options

“Kaya't hintayin ninyo ako,” sabi ni Yahweh,
    “hintayin ninyo ang araw ng aking pag-uusig.
Sapagkat ipinasya kong tipunin,
    ang mga bansa at ang mga kaharian,
upang idarang sila sa init ng aking galit,
    sa tindi ng aking poot;
at ang buong lupa ay matutupok sa apoy ng aking poot.

“Oo, sa panahong iyon ay babaguhin ko ang pananalita ng mga tao,
    at bibigyan ko sila ng dilang malinis,
upang sa kay Yahweh lamang manalangin at sumamba
    at buong pagkakaisang maglingkod sa kanya.
10 Mula sa kabilang panig ng mga ilog ng Etiopia,[a]
    ang aking nangalat na bayan,
    ay sasamba sa akin at magdadala ng kanilang handog.

Read full chapter

Footnotes

  1. 10 ETIOPIA: Sa wikang Hebreo ay “Cus”; sakop ng lugar na ito ang mga kasalukuyang bansa ng Etiopia at Sudan.