Zefanias 1
Ang Biblia (1978)
Ang araw ng kagalitan ng Panginoon ay darating sa Juda.
1 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Zefanias na anak ni Cushi, na anak ni Gedalias, na anak ni Amarias, na anak ni Ezechias, nang mga kaarawan ni Josias na anak ni Amon, na hari sa Juda.
2 Aking lubos na lilipulin ang lahat na bagay sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon.
3 Aking lilipulin ang tao (A)at ang hayop; aking lilipulin ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, at (B)ang mga katitisuran na kasama ng mga masama; at aking ihihiwalay ang tao sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon.
4 At aking iuunat ang aking kamay sa Juda, at sa lahat na nananahan sa Jerusalem; at (C)aking ihihiwalay ang nalabi kay Baal sa dakong ito, at ang pangalan ng mga (D)Chemarim sangpu ng mga saserdote;
5 At ang nagsisisamba sa natatanaw sa langit sa mga bubungan ng bahay; at ang nagsisisamba na (E)nanunumpa sa Panginoon at (F)nanunumpa sa pangalan ni Malcam;
6 At ang nagsisitalikod na mula sa pagsunod sa Panginoon; at yaong mga hindi nagsisihanap sa Panginoon, ni sumangguni man sa kaniya.
7 Pumayapa ka sa harap ng Panginoong Dios; (G)sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na: sapagka't inihanda ng (H)Panginoon ang isang hain, kaniyang itinalaga ang kaniyang mga panauhin.
8 At mangyayari sa kaarawan ng hain sa Panginoon, na aking parurusahan ang mga prinsipe, at ang mga anak ng hari, at ang lahat na nangagsusuot ng pananamit ng taga ibang lupa.
9 At sa araw na yaon ay aking parurusahan yaong lahat (I)na nagsisilukso sa pasukan, na pinupuno ang bahay ng kanilang panginoon ng pangdadahas at pagdaraya.
10 At sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, magkakaroon ng ingay ng hiyawan na (J)mula sa pintuang-bayan ng mga isda, at ng pananambitan mula sa (K)ikalawang bahagi, at malaking hugong na mula sa mga burol.
11 Manambitan kayo, kayong mga nananahan sa Mactes; sapagka't ang buong bayan ng Canaan ay nalansag; yaong napapasanan ng pilak ay nangahiwalay.
12 At mangyayari sa panahong yaon, na ang Jerusalem ay sisiyasatin kong may mga ilawan; at aking parurusahan ang mga tao na (L)nagsisiupo sa kanilang mga latak, na (M)nangagsasabi sa kanilang puso, Ang Panginoo'y hindi gagawa ng mabuti, ni gagawa man siya ng masama.
13 At ang kanilang kayamanan ay magiging samsam, at ang kanilang mga bahay ay kasiraan: oo, sila'y mangagtatayo ng mga bahay, nguni't (N)hindi nila titirahan; at sila'y mag-uubasan, nguni't hindi sila magsisiinom ng alak niyaon.
14 Ang dakilang kaarawan ng Panginoon (O)ay malapit na, (P)malapit na at nagmamadaling mainam, sa makatuwid baga'y ang tinig ng kaarawan ng Panginoon; ang makapangyarihang tao ay (Q)sumisigaw roon ng kalagimlagim.
15 Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan, kaarawan ng kabagabagan at kahapisan, kaarawan ng kawakasan at kasiraan, kaarawan ng kadiliman at kalumbayan, kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman,
16 Kaarawan (R)ng pakakak at ng hudyatan, laban sa mga bayang nakukutaan, at laban sa mataas na kuta.
17 At aking dadalhan ng kahapisan ang mga tao, na sila'y magsisilakad na (S)parang mga bulag, sapagka't sila'y nangagkasala laban sa Panginoon; at (T)ang kanilang dugo ay mabububo na parang alabok, at ang kanilang katawan ay parang dumi.
18 Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ang buong lupain (U)ay masusupok sa pamamagitan ng apoy ng kaniyang paninibugho: sapagka't (V)wawakasan niya, oo, isang kakilakilabot na wakas, nilang lahat na nagsisitahan sa lupain.
Zefanias 1
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
1 Ito ang ipinahayag ng Panginoon kay Zefanias noong si Josia na anak ni Amon ang hari ng Juda. Si Zefanias ay anak ni Cushi na anak ni Gedalia. Si Gedalia naman ay anak ni Amaria na anak ni Hezekia.
Darating ang Parusa ng Panginoon
2 Sinabi ng Panginoon, “Lilipulin ko ang lahat ng bagay na nasa mundo – 3 ang mga tao, hayop, ibon at isda. Mawawala ang lahat ng nag-uudyok sa tao para magkasala pati ang mga makasalanan. Lilipulin ko nga ang lahat ng tao sa mundo. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.
4 “Parurusahan ko ang mga mamamayan ng Juda, pati na ang lahat ng mamamayan ng Jerusalem. Lilipulin ko ang mga natitirang sumasamba sa dios-diosang si Baal pati na ang mga paring naglilingkod dito, para tuluyan na silang makalimutan. 5 Lilipulin ko rin ang mga taong umaakyat sa bubong ng kanilang bahay para sumamba sa araw, sa buwan at mga bituin. Lilipulin ko ang mga sumasamba at sumusumpang maglilingkod sa akin, pero sumusumpa ring maglilingkod sa dios-diosang si Molec.[a] 6 Lilipulin ko ang mga tumatalikod at hindi dumudulog sa akin.
7 “Tumahimik kayo sa harapan ko, dahil malapit na ang araw ng aking pagpaparusa. Inihanda ko na ang aking mga mamamayan para patayin tulad ng hayop na ihahandog. Pinili ko na ang mga kalaban na tinawag ko na sasalakay sa Juda. 8 Sa araw na iyon, papatayin ko ang mga taga-Juda na parang hayop na ihahandog. Parurusahan ko ang kanilang mga opisyal at ang mga anak ng kanilang hari, at ang lahat sa kanila na sumusunod sa masasamang ugali ng ibang bansa.[b] 9 Parurusahan ko rin sa araw na iyon ang lahat ng sumasali sa mga seremonya ng mga hindi nakakakilala sa akin, at ang mga nagmamalupit at nandaraya para punuin ng mga bagay ang bahay ng kanilang panginoon.[c]
10 “Ako, ang Panginoon ay nagsasabing sa araw na iyon maririnig ang iyakan sa pintuan na tinatawag na Isda[d] ng lungsod ng Jerusalem at sa bagong bahagi ng lungsod. Maririnig din ang malakas na ingay ng mga nagigibang bahay sa mga burol. 11 Mag-iyakan kayo, kayong mga naninirahan sa mababang bahagi[e] ng lungsod ng Jerusalem dahil mamamatay ang lahat ng inyong mga mangangalakal.
12 “Sa araw ding iyon, susuyurin kong mabuti[f] ang Jerusalem at parurusahan ko ang mga taong nagpapasarap lang sa buhay at nagsasabi sa kanilang sarili, ‘Walang gagawin ang Panginoon sa amin mabuti man o masama.’ 13 Aagawin sa mga taong ito ang kanilang mga pag-aari at wawasakin ang kanilang mga bahay. Hindi sila ang titira sa mga bahay na kanilang itinayo. At hindi sila ang iinom ng inuming mula sa ubas na kanilang itinanim.”
Ang Nakakatakot na Araw ng Pagpaparusa ng Panginoon
14 Malapit na ang nakakatakot na araw ng pagpaparusa ng Panginoon. Itoʼy mabilis na dumarating. Mapait ang araw na iyon, dahil kahit na ang matatapang na sundalo ay sisigaw para humingi ng tulong. 15 Sa araw na iyon, ipapakita ng Dios ang kanyang galit. Magiging araw iyon ng pighati at paghihirap, araw ng pagkasira at lubusang pagkawasak. Magiging maulap at madilim ang araw na iyon, 16 at maririnig ang tunog ng trumpeta at sigawan ng mga sundalong sumasalakay sa mga napapaderang lungsod at sa matataas na tore nito.
17 Sinabi ng Panginoon, “Ipaparanas ko ang paghihirap sa mga tao, at lalakad sila na parang bulag dahil nagkasala sila sa akin. Dadaloy na parang tubig[g] ang kanilang dugo, at mabubulok na parang dumi[h] ang kanilang bangkay. 18 Hindi sila maililigtas ng kanilang mga pilak at ginto sa araw na ipapakita ko ang aking galit na parang apoy na tutupok sa buong mundo. Sapagkat bigla kong lilipulin ang lahat ng naninirahan sa lupa.”
Footnotes
- 1:5 Molec: sa Hebreo, Malcom, na isa pang pangalan ni Molec.
- 1:8 sumusunod … bansa: sa literal, nagsusuot ng damit ng taga-ibang bansa.
- 1:9 ang bahay ng kanilang panginoon: o, ang templo ng kanilang dios-diosan.
- 1:10 pintuan na tinatawag na Isda: Maaaring dito idinadaan ang mga isdang dinadala sa lungsod.
- 1:11 mababang bahagi: o, pamilihan.
- 1:12 susuyurin kong mabuti: sa literal, susuyurin ko sa pamamagitan ng mga ilaw.
- 1:17 tubig: sa Hebreo, buhangin.
- 1:17 mabubulok na parang dumi: o, lalabas ang kanilang mga bituka sa kanilang katawan na parang dumi.
Zephaniah 1
New King James Version
The Great Day of the Lord(A)
1 The word of the Lord which came to Zephaniah the son of Cushi, the son of Gedaliah, the son of Amariah, the son of Hezekiah, in the days of (B)Josiah the son of Amon, king of Judah.
The Great Day of the Lord
2 “I will [a]utterly consume everything
From the face of the land,”
Says the Lord;
3 “I(C) will consume man and beast;
I will consume the birds of the heavens,
The fish of the sea,
And the [b]stumbling blocks along with the wicked.
I will cut off man from the face of the [c]land,”
Says the Lord.
4 “I will stretch out My hand against Judah,
And against all the inhabitants of Jerusalem.
[d]I will cut off every trace of Baal from this place,
The names of the (D)idolatrous[e] priests with the pagan priests—
5 Those (E)who worship the host of heaven on the housetops;
Those who worship and swear oaths by the Lord,
But who also swear (F)by [f]Milcom;
6 (G)Those who have turned back from following the Lord,
And (H)have not sought the Lord, nor inquired of Him.”
7 (I)Be silent in the presence of the Lord God;
(J)For the day of the Lord is at hand,
For (K)the Lord has prepared a sacrifice;
He has [g]invited His guests.
8 “And it shall be,
In the day of the Lord’s sacrifice,
That I will punish (L)the princes and the king’s children,
And all such as are clothed with foreign apparel.
9 In the same day I will punish
All those who (M)leap over the threshold,
Who fill their masters’ houses with violence and deceit.
10 “And there shall be on that day,” says the Lord,
“The sound of a mournful cry from (N)the Fish Gate,
A wailing from the Second Quarter,
And a loud crashing from the hills.
11 (O)Wail, you inhabitants of [h]Maktesh!
For all the merchant people are cut down;
All those who handle money are cut off.
12 “And it shall come to pass at that time
That I will search Jerusalem with lamps,
And punish the men
Who are (P)settled[i] in complacency,
(Q)Who say in their heart,
‘The Lord will not do good,
Nor will He do evil.’
13 Therefore their goods shall become booty,
And their houses a desolation;
They shall build houses, but not inhabit them;
They shall plant vineyards, but (R)not drink their wine.”
14 (S)The great day of the Lord is near;
It is near and hastens quickly.
The noise of the day of the Lord is bitter;
There the mighty men shall cry out.
15 (T)That day is a day of wrath,
A day of trouble and distress,
A day of devastation and desolation,
A day of darkness and gloominess,
A day of clouds and thick darkness,
16 A day of (U)trumpet and alarm
Against the fortified cities
And against the high towers.
17 “I will bring distress upon men,
And they shall (V)walk like blind men,
Because they have sinned against the Lord;
Their blood shall be poured out like dust,
And their flesh like refuse.”
18 (W)Neither their silver nor their gold
Shall be able to deliver them
In the day of the Lord’s wrath;
But the whole land shall be devoured
By the fire of His jealousy,
For He will make speedy riddance
Of all those who dwell in the land.
Footnotes
- Zephaniah 1:2 Lit. make a complete end of, Jer. 8:13
- Zephaniah 1:3 Idols
- Zephaniah 1:3 ground
- Zephaniah 1:4 Fulfilled in 2 Kin. 23:4, 5
- Zephaniah 1:4 Heb. chemarim
- Zephaniah 1:5 Or Malcam, an Ammonite god, 1 Kin. 11:5; Jer. 49:1; Molech, Lev. 18:21
- Zephaniah 1:7 Lit. set apart, consecrated
- Zephaniah 1:11 A market district of Jerusalem, lit. Mortar
- Zephaniah 1:12 Lit. on their lees; like the dregs of wine
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.

