Add parallel Print Page Options

Babantayan ko ang aking bayan upang hindi ito mapasok ng kaaway. Hindi ko na papahintulutang lupigin pa sila ng iba, sapagkat nakita ko na ang kanilang paghihirap.”

Ang Magiging Hari ng Zion

O(A) Zion, magdiwang ka sa kagalakan!
    O Jerusalem, ilakas mo ang awitan!
Pagkat dumarating na ang iyong hari
    na mapagtagumpay at mapagwagi.
Dumarating siyang may kapakumbabaan,
    batang asno ang kanyang sinasakyan.
10 “Ipapaalis(B) niya ang mga karwahe sa Efraim,
    gayundin ang mga kabayong pandigma ng Jerusalem.
Panudla ng mga mandirigma ay mawawala,
    pagkat paiiralin niya'y ang pagkakasundo ng mga bansa.
Hangganan ng kaharian niya'y dagat magkabila,
    mula sa Ilog Eufrates hanggang dulo ng lupa.”

Read full chapter