Add parallel Print Page Options

Iingatan ng Panginoon ang kanyang templo[a] laban sa mga sumasalakay. Wala nang mang-aapi sa mga mamamayan niya dahil binabantayan na niya sila.

Ang Darating na Hari ng Jerusalem

Sinabi ng Panginoon, “Sumigaw kayo sa kagalakan, kayong mga mamamayan ng Zion, ang lungsod ng Jerusalem, dahil ang inyong hari ay darating na. Matuwid siya at mapagtagumpay. Mapagpakumbaba siya, at darating na nakasakay sa bisirong asno. 10 Ipaaalis niya ang mga karwahe at mga kabayong pandigma sa Israel at sa Juda.[b] Babaliin ang mga panang ginagamit sa pandigma. Ang haring darating ay magdadala ng kapayapaan sa mga bansa. Maghahari siya mula sa isang dagat hanggang sa isa pang dagat,[c] at mula sa Ilog ng Eufrates hanggang sa dulo ng mundo.”[d]

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:8 templo: o, Jerusalem; o, bansang Israel.
  2. 9:10 sa Israel at sa Juda: sa Hebreo, sa Efraim at sa Jerusalem. Ang Efraim ay kumakatawan sa kaharian ng Israel at ang Jerusalem naman ay sa kaharian ng Juda.
  3. 9:10 mula … dagat: Ang ibig sabihin, mula sa Dagat na Patay hanggang sa Dagat ng Mediteraneo.
  4. 9:10 mundo: o, buong lupain ng Israel.