Add parallel Print Page Options

At (A)ako'y magtitirik ng kampamento sa palibot ng aking bahay laban sa hukbo, (B)na walang makadadaan ni makababalik; at (C)walang mamimighati na daraan pa sa mga yaon: sapagka't ngayo'y tumingin ako ng aking mga mata.

Ang mapagpakumbabang hari ng Sion at malawak na kaharian.

(D)Magalak kang mainam, (E)Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka, Oh anak na babae ng Jerusalem: (F)narito, ang (G)iyong hari ay naparirito sa iyo; siya'y ganap at may pagliligtas; (H)mapagmababa, at nakasakay sa isang asno, sa isang batang asno na anak ng asnong babae.

10 At (I)aking ihihiwalay ang karo mula sa Ephraim, at ang kabayo'y mula sa Jerusalem; at ang mga busog na pangbaka ay mapuputol; at siya'y magsasalita ng (J)kapayapaan sa mga bansa: at ang kaniyang kapangyarihan ay magiging (K)sa dagat at dagat, at mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa.

Read full chapter