Add parallel Print Page Options

10 “Ipapaalis(A) niya ang mga karwahe sa Efraim,
    gayundin ang mga kabayong pandigma ng Jerusalem.
Panudla ng mga mandirigma ay mawawala,
    pagkat paiiralin niya'y ang pagkakasundo ng mga bansa.
Hangganan ng kaharian niya'y dagat magkabila,
    mula sa Ilog Eufrates hanggang dulo ng lupa.”

Muling Aayusin ang Zion

11 Sinabi(B) pa ni Yahweh,
“Alang-alang sa ating tipan na pinagtibay ng dugo,
    ibabalik ko ang mga anak mong itinapon sa balong tuyo.
12 Kayo, mga bilanggo, na di nawalan ng pag-asa,
    ay maaari nang bumalik sa inyong lupain.
Ang magandang kalagayan ninyo noong unang panahon,
    ay aking hihigitan at pag-iibayuhin.

Read full chapter