Add parallel Print Page Options

10 Ipaaalis niya ang mga karwahe at mga kabayong pandigma sa Israel at sa Juda.[a] Babaliin ang mga panang ginagamit sa pandigma. Ang haring darating ay magdadala ng kapayapaan sa mga bansa. Maghahari siya mula sa isang dagat hanggang sa isa pang dagat,[b] at mula sa Ilog ng Eufrates hanggang sa dulo ng mundo.”[c]

Palalayain ng Dios ang Nabihag na mga Taga-Israel

11 Sinabi pa ng Panginoon, “Tungkol naman sa inyo na mga taga-Israel, palalayain ko ang mga nabihag sa inyo. Sila ay parang mga taong inihulog sa balon na walang tubig. Palalayain ko sila dahil sa kasunduan ko sa inyo na pinagtibay sa pamamagitan ng dugo. 12 Kayong mga binihag na umaasang mapalaya, bumalik na kayo sa inyong mga lugar kung saan ligtas kayo. Sinasabi ko ngayon sa inyo na ibabalik ko nang doble ang mga nawala sa inyo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:10 sa Israel at sa Juda: sa Hebreo, sa Efraim at sa Jerusalem. Ang Efraim ay kumakatawan sa kaharian ng Israel at ang Jerusalem naman ay sa kaharian ng Juda.
  2. 9:10 mula … dagat: Ang ibig sabihin, mula sa Dagat na Patay hanggang sa Dagat ng Mediteraneo.
  3. 9:10 mundo: o, buong lupain ng Israel.