Font Size
Zacarias 9:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Zacarias 9:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Parurusahan ng Dios ang mga Bansang Kalaban ng Israel
9 Ito ang mensahe ng Panginoon:
Sinabi ng Panginoon na parurusahan niya ang mga lungsod ng Hadrac at Damascus, dahil ang lahat ay dapat sa kanya, lalo na ang mga lahi ng Israel.[a] 2 Parurusahan din ng Panginoon ang Hamat na malapit sa mga lungsod ng Hadrac at Damascus, pati na ang lungsod ng Tyre at Sidon, kahit pa napakahusay ng mga mamamayan nito. 3 Ang mga taga-Tyre ay nagpatayo ng matitibay na pader at nag-ipon ng maraming pilak at ginto na para bang nagtatambak lang ng lupa.
Read full chapterFootnotes
- 9:1 ang lahat … Israel: o, nagbabantay ang Panginoon sa lahat, lalung-lalo na sa lahi ng Israel.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®