Add parallel Print Page Options

Sumagot ang anghel, “Ang mga iyan ay ang apat na hangin sa kalawakan[a] na paparating mula sa presensya ng Panginoon ng buong mundo. Ang karwaheng hinihila ng mga itim na kabayo ay papunta sa isang lugar sa hilaga. Ang karwaheng hinihila ng mga puting kabayo ay papunta sa kanluran.[b] At ang karwaheng hinihila ng mga batik-batik na kabayo ay papunta sa isang lugar sa timog.”

Nang papalabas pa lang ang malalakas na kabayo, nagmamadali na silang lumibot sa buong mundo. Sinabi ng anghel[c] sa kanila, “Sige, libutin na ninyo ang buong mundo.” Kaya nilibot nila ang buong mundo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 6:5 hangin sa kalawakan: o, espiritu sa langit.
  2. 6:6 papunta sa kanluran: sa Hebreo, sumusunod sa kanila.
  3. 6:7 anghel: o, Panginoon.