Add parallel Print Page Options

At ang anghel ay sumagot at nagsabi sa akin, (A)Ito ang apat na hangin sa himpapawid, na lumalabas na pinakasugo mula sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.

Ang karo na kinasisingkawan ng mga kabayong maitim ay lumalabas sa dakong lupaing (B)hilagaan; at ang sa mga maputi ay lumabas na kasunod ng mga yaon; at ang mga kulay abo ay nagsilabas sa dakong lupaing timugan.

At ang mga malakas ay nagsilabas, at nangagpumilit na (C)yumaon upang malibot ang lupa: at kaniyang sinabi, Kayo'y magsiyaon at magparoo't parito sa buong lupa. Sa gayo'y sila'y nangagparoo't parito sa buong lupa.

Read full chapter