Add parallel Print Page Options

Ang Ilawan at ang Puno ng Olibo

Nagbalik ang anghel na kausap ko at ako'y kanyang ginising na para bang ako'y natutulog. Itinanong niya sa akin, “Ano ang nakikita mo?” “Isang ilawang ginto po na may lalagyan ng langis sa itaas at may pitong ilawan, bawat isa'y may pitong lalagyan ng mitsa. Sa(A) magkabila nito ay may puno ng olibo,” sagot ko naman sa kanya. Itinanong ko sa anghel, “Ano po ang kahulugan nito, panginoon?”

“Hindi mo ba alam iyan?” patanong na sagot sa akin.

“Hindi po,” ang sagot ko.

Ang Pangako ng Diyos kay Zerubabel

Sinabi(B) sa akin ng anghel ang ipinapasabi ni Yahweh para kay Zerubabel, “Pinapasabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: Ang tagumpay ay hindi makakamit sa pamamagitan ng lakas ng hukbo o sariling kapangyarihan kundi sa pamamagitan lamang ng aking espiritu.[a] Maging ang pinakamalaking hadlang ay makikita ninyong maaalis. Muli mong itatayo ang templo at habang inilalagay mo ang kahuli-hulihang bato, magbubunyi ang mga tao at kanilang sasabihin, ‘Napakaganda!’”

Sinabi muli sa akin ni Yahweh, “Si Zerubabel ang naglagay ng pundasyon sa templong ito at siya rin ang tatapos. Kapag ito'y natapos na, mapapatunayan ng lahat na ikaw ang aking isinugo. 10 Nag-aalala(C) sila ngayon dahil sa mabagal na pagkayari ng templo. Ngunit matutuwa sila kapag nakita nilang ito'y pinapamahalaan na ni Zerubabel.”

Ipinaliwanag ang Pangitain tungkol sa Ilawan

Sinabi sa akin ng anghel, “Ang pitong sinag na iyan ay paningin ng Diyos at lalaganap ito sa buong mundo.”

11 Itinanong(D) (E) ko sa anghel, “Ano naman po ang kahulugan ng dalawang puno ng olibo sa magkabila ng ilawan? 12 Bakit may dalawang sanga ng olibo sa magkabilang tabi ng gintong tubo na buhusan ng langis?”

13 “Hindi mo ba alam kung ano ang mga iyan?” patanong na tugon niya sa akin.

“Hindi po,” sagot ko.

14 “Iyan ay dalawang taong pinili ni Yahweh at pinahiran ng langis upang makatulong niya sa pamamahala sa daigdig,” sabi niya.

Footnotes

  1. Zacarias 4:6 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan o hangin .

金灯台和橄榄树

那位与我说话的天使又来唤醒我,像唤醒睡觉的人一样。 他问我:“你看见了什么?”

我说:“我看见一个纯金的灯台,上面有一个油碗,灯台上有七盏灯,每盏灯有七个灯芯。 灯台旁边有两棵橄榄树,左右各一棵。” 我问与我说话的天使:“主啊,这是什么意思?” 他说:“你不知道吗?”我说:“主啊,我不知道。”

他对我说:“这是耶和华对所罗巴伯讲的话。万军之耶和华说,‘不靠权势,不靠才能,乃靠我的灵。 大山啊,你算什么?你必在所罗巴伯面前化为平地。他必搬出那块封殿顶的石头,伴随着欢呼声——愿恩典、恩典归于这殿!’”

耶和华的话又传给了我,说: “所罗巴伯的手奠立这殿的根基,他的手也必完成这项工程。那时你便知道是万军之耶和华差遣我到你们这里来的。 10 谁敢藐视这微不足道的日子?人们看见所罗巴伯手中拿着线锤时,就必欢喜。

“这七盏灯是耶和华遍察天下的眼睛。”

11 我又问天使:“灯台左右的两棵橄榄树是什么意思?” 12 然后我又问道:“流出橄榄油的两个金管旁边的两根橄榄枝是什么意思?” 13 他说:“你不知道吗?”我说:“主啊,我不知道。” 14 他说:“这是侍立在天下之主旁边的两位受膏者。”