Add parallel Print Page Options

Nang magkagayo'y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay sumagot na nagsabi sa akin, Hindi mo baga nalalaman kung ano ang mga ito? At aking sinabi, Hindi, panginoon ko.

Nang magkagayo'y siya'y sumagot at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Ito ang salita ng Panginoon kay Zorobabel, na sinasabi, Hindi sa pamamagitan ng (A)kalakasan, ni ng kapangyarihan, kundi (B)sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Sino ka, (C)Oh malaking bundok? sa harap ni Zorobabel (D)ay magiging kapatagan ka; at kaniyang ilalabas (E)ang pangulong bato na (F)may hiyawan, Biyaya, biyaya sa kaniya.

Read full chapter