Font Size
Zacarias 4:4-6
Ang Biblia, 2001
Zacarias 4:4-6
Ang Biblia, 2001
4 Sinabi ko sa anghel na nakipag-usap sa akin, “Ano ang mga ito, panginoon ko?”
5 Nang magkagayo'y sinagot ako ng anghel na nakipag-usap sa akin, “Hindi mo ba nalalaman kung ano ang mga ito?” Aking sinabi, “Hindi, panginoon ko.”
Ang Pangako ng Diyos kay Zerubabel
6 Sinabi(A) niya sa akin, “Ito ang salita ng Panginoon kay Zerubabel, na sinasabi: Hindi sa pamamagitan ng lakas, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
Read full chapter