Font Size
Zacarias 4:10-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Zacarias 4:10-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
10 May mga taong kumukutya dahil kakaunti pa lamang ang nagagawa sa pagpapatayo ng templo. Pero matutuwa sila kapag nakita na nilang inilalagay ni Zerubabel ang pinakahuli at natatanging bato sa templo.[a]
Pagkatapos, sinabi sa akin ng anghel, “Ang pitong ilawang iyan ay ang mata ng Panginoon na nagmamasid sa buong mundo.”
11 Nagtanong ako sa anghel, “Ano ang ibig sabihin ng dalawang puno ng olibo – isa sa kanan at isa sa kaliwa ng lalagyan ng ilaw? 12 At ano ang ibig sabihin ng dalawang sanga ng punong olibo sa tabi ng dalawang gintong tubo na dinadaluyan ng langis na kulay ginto?”
Read full chapterFootnotes
- 4:10 kapag nakita … templo: o, kapag nakita nila sa kamay ni Zerubabel ang taling panukat. Ang ibig sabihin, nagpapatuloy sa pagpapatayo ng templo sina Zerubabel.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®