Zacarias 2:1-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Pangitain tungkol sa mga Sungay at sa Panday
2 Ako'y tumingin at may nakita akong apat na sungay. 2 Tinanong ko ang anghel na kausap ko, “Ano ang kahulugan nito?”
Ang sagot niya sa akin, “Iyan ang mga sungay na nagpakalat sa Juda, Israel at Jerusalem.”
3 Pagkatapos, apat na panday ang ipinakita ni Yahweh sa akin. 4 Itinanong ko, “Ano ang gagawin nila?” Sumagot siya, “Ang Juda ay lubusang winasak ng mga sungay na nakita mo, anupa't walang makalaban sa kanila. Ipinadala ko ang mga panday na ito upang siyang humarap sa apat na sungay; babaliin nila ang lahat ng sungay na ginamit laban sa Juda.”
Ang Pangitain tungkol sa Lalaking may Panukat
5 Muli akong tumingin at may nakita akong isang lalaking may dalang panukat. 6 Tinanong ko ito, “Saan kayo pupunta?”
“Susukatin ko ang luwang at haba ng Jerusalem,” sagot niya.
7 Walang anu-ano, lumakad ang anghel na kausap ko at sinalubong siya ng isa pang anghel. 8 Sinabi nito sa kanya, “Bilisan mo! Habulin mo ang binatang may dalang panukat at sabihin mo sa kanya na ang Jerusalem ay titirhan ng napakaraming tao at hayop tulad ng bayang walang pader.
Read full chapter