Add parallel Print Page Options

Sa araw na iyon, dadaloy ang sariwang tubig mula sa Jerusalem. Ang kalahati nito ay dadaloy sa Dagat na Patay[a] at ang kalahati ay sa Dagat ng Mediteraneo.[b] Patuloy itong dadaloy sa panahon ng tag-araw at tag-ulan. Ang Panginoon ang maghahari sa buong mundo. Siya lamang ang kikilalaning Dios at wala nang iba.

10-11 Gagawing kapatagan ang buong lupain mula sa Geba sa hilaga hanggang sa Rimon sa timog ng Jerusalem. Kaya mananatiling mataas ang Jerusalem sa kinaroroonan nito. At titirhan ito mula sa Pintuan ni Benjamin hanggang sa lugar na kinaroroonan ng Unang Pintuan, at hanggang sa Sulok na Pintuan; at mula sa Tore ni Hananel hanggang sa pisaan ng ubas ng hari. Ang Jerusalem ay hindi na muling wawasakin, at ang mga mamamayan nito ay mamumuhay nang ligtas sa panganib.

Read full chapter

Footnotes

  1. 14:8 Dagat na Patay: sa Hebreo, dagat sa silangan.
  2. 14:8 Dagat ng Mediteraneo: sa Hebreo, dagat sa kanluran.