Add parallel Print Page Options

15 At magiging gayon ang salot sa kabayo, sa mula, sa kamelyo, at sa asno, at sa lahat ng hayop na naroroon, sa mga kampamentong yaon, na gaya ng salot na ito.

16 At mangyayari, na bawa't maiwan, sa lahat na bansa na naparoon laban sa Jerusalem ay (A)aahon (B)taon-taon upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, at upang ipangilin (C)ang mga kapistahan ng mga balag.

17 At mangyayari, (D)na ang sinoman sa mga angkan sa lupa na hindi umahon sa Jerusalem upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, sila'y mawawalan ng ulan.

Read full chapter