Zacarias 10:2-4
Ang Biblia (1978)
2 Sapagka't ang mga teraf ay nagsalita ng walang kabuluhan, at (A)ang mga manghuhula ay nangakakita ng isang kabulaanan; at (B)sila'y nangagsaysay ng mga kabulaanang panaginip, sila'y nagsisialiw ng walang kabuluhan: kaya't sila'y nagsisiyaon ng kanilang lakad na parang mga tupa, sila'y nadadalamhati, (C)sapagka't walang pastor.
3 Ang aking galit ay nagalab laban sa mga pastor, at aking parurusahan (D)ang mga lalaking kambing; sapagka't dinalaw ng Panginoon ng mga hukbo ang kaniyang kawan na sangbahayan ni Juda, at kaniyang gagawin silang parang magilas na kabayo sa pagbabaka.
4 Sa kaniya lalabas ang (E)batong panulok, sa kaniya ang (F)pako, sa kaniya (G)ang busog na pangbaka, sa kaniya ang bawa't pinuno na magkakasama.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978