Print Page Options

Ang Panginoon ay muling nagsalita sa bayan.

(A)Nang ikawalong buwan, (B)nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias na anak ni Berechias, na anak ni (C)Iddo, na propeta, na nagsasabi,

Ang Panginoo'y totoong naghinanakit sa inyong mga magulang.

Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo. (D)Manumbalik kayo sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ako'y manunumbalik sa inyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

(E)Huwag kayong maging gaya ng inyong mga magulang, (F)na siyang mga pinagsabihan ng mga unang propeta, na nangagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Manumbalik kayo ngayon na mula sa inyong mga masamang lakad, at sa inyong mga masamang gawain: nguni't hindi nila dininig, o pinakinggan man ako, sabi ng Panginoon.

Ang inyong mga magulang, saan nangandoon sila? at ang mga propeta, nangabubuhay baga sila ng magpakailan man?

(G)Nguni't ang aking mga salita at ang aking mga palatuntunan, na aking iniutos sa aking mga lingkod na mga propeta, hindi baga nagsiabot sa inyong mga magulang? at sila'y nanumbalik at nangagsabi, (H)Kung paano ang inisip na gawin ng Panginoon ng mga hukbo sa amin, (I)ayon sa aming mga lakad, at ayon sa aming mga gawa, gayon ang ginawa niya sa amin.

Ang mga kabayo na pangitain ni Zacarias.

Nang ikadalawang pu't apat na araw ng ikalabing isang buwan, na siyang buwan ng Sebath, nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias, na anak ni Berechias, na anak ni Iddo, na propeta, na nagsasabi,

Aking nakita sa gabi, at, narito, ang (J)isang lalaking nakasakay sa isang mapulang kabayo, at siya'y tumayo sa mga puno ng mirto, na nasa pinakamababa; at sa likuran niya'y may mga (K)kabayong mapula, alazan, at maputi.

Nang magkagayo'y sinabi, Oh Panginoon ko, ano ang mga ito? At (L)ang anghel na nakikipagusap sa akin ay nagsabi sa akin, Aking ipakikita sa iyo kung ano-ano ang mga ito.

10 At ang lalake na nakatayo sa mga puno ng mirto ay sumagot at nagsabi, Ang mga ito yaong mga sinugo ng Panginoon na magsilibot sa lupa.

11 At sila'y nagsisagot sa anghel ng Panginoon na nakatayo sa mga puno ng mirto, at nagsabi, Aming nilibot ang lupa, at, narito, ang buong lupa ay tahimik, at tiwasay.

12 Nang magkagayo'y ang anghel ng Panginoon ay sumagot at nagsabi, Oh Panginoon ng mga hukbo, (M)hanggang kailan mawawalan ka ng habag sa Jerusalem at sa mga bayan ng Juda, (N)laban sa iyong mga kinagalitan (O)nitong pitong pung taon?

13 At ang Panginoo'y sumagot sa anghel na nakikipagusap sa akin ng mga mabuting salita, (P)ng mga salitang pangaliw.

14 Sa gayo'y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay nagsabi sa akin. Ikaw ay humiyaw, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: (Q)Ako'y naninibugho sa Jerusalem at sa Sion ng malaking paninibugho.

15 At ako'y totoong naghihinanakit sa mga bansa na mga tiwasay; (R)sapagka't ako'y naghinanakit ng kaunti, at sila'y nagsitulong ng pagbubungad ng kadalamhatian.

16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Ako'y nagbalik sa Jerusalem na may taglay na mga pagkahabag; ang aking bahay ay matatayo (S)roon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at (T)isang pising panukat ay mauunat sa ibabaw ng Jerusalem.

17 Humiyaw ka pa uli, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang aking mga bayan ay sasagana dahil sa pagkasulong; at (U)aaliwin pa ng Panginoon ang Sion, at (V)pipiliin pa ang Jerusalem.

18 At aking itinanaw ang aking mga mata, at aking nakita, at, narito, ang (W)apat na sungay.

19 At aking sinabi sa (X)anghel na nakikipagusap sa akin, Ano ang mga ito? At siya'y sumagot sa akin, (Y)Ito ang mga sungay sa nagpangalat sa Juda, sa Israel, at sa Jerusalem.

20 At ipinakita sa akin ng Panginoon ang apat na panday.

21 Nang magkagayo'y sinabi ko, Ano ang ipinaritong gawin ng mga ito? At siya'y nagsalita na nagsabi, Ito ang mga sungay na nagpangalat sa Juda, na anopa't walang lalake na nagtaas ng kaniyang ulo; nguni't ang mga ito'y naparito upang takutin sila, upang ihulog ang mga sungay ng mga bansa, na (Z)nagtaas ng kanilang mga sungay laban sa lupain ng Juda upang pangalatin.

Nanawagan ang Panginoon sa Kanyang Bayan

Nang(A) ikawalong buwan, nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias na anak ni Berequias, na anak ni Iddo, ang propeta, na sinasabi,

“Ang Panginoon ay galit na galit sa inyong mga ninuno.

Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Manumbalik kayo sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ako'y manunumbalik sa inyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Huwag kayong maging gaya ng inyong mga ninuno, na sa kanila'y sinabi ng mga unang propeta, ‘Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Manumbalik kayo mula sa inyong masasamang lakad, at sa inyong masasamang gawa.’ Ngunit hindi nila ako pinakinggan o pinansin man, sabi ng Panginoon.

Ang inyong mga ninuno, nasaan sila? At ang mga propeta, nabubuhay ba sila magpakailanman?

Ngunit ang aking mga salita at mga tuntunin na aking iniutos sa aking mga lingkod na mga propeta, hindi ba inabutan ng mga ito ang inyong mga ninuno? Kaya't sila'y nagsisi at nagsabi, ‘Kung paano ang inisip na gawin sa amin ng Panginoon ng mga hukbo, ayon sa aming mga lakad, at ayon sa aming mga gawa, gayon ang ginawa niya sa amin.’”

Ang mga Kabayo sa Pangitain ni Zacarias

Nang ikadalawampu't apat na araw nang ikalabing-isang buwan, na buwan ng Sebat, nang ikalawang taon ni Dario, dumating ang salita ng Panginoon kay Zacarias, na anak ni Berequias, na anak ni Iddo, na propeta, na sinasabi:

“Nakita(B) ko noong gabi at narito, isang lalaking nakasakay sa isang pulang kabayo! Siya'y nakatayo sa gitna ng mga puno ng mirto na nasa lambak. Sa likuran niya'y may mga kabayong pula, hubero at puti.

Nang magkagayo'y aking sinabi, ‘O panginoon ko, ano ang mga ito?’ At ang anghel na nakipag-usap sa akin ay nagsabi sa akin, ‘Aking ipapakita sa iyo kung anu-ano ang mga ito.’

10 Ang lalaking nakatayo sa gitna ng mga puno ng mirto ay sumagot, ‘Ang mga iyon ang mga sinugo ng Panginoon upang manmanan ang lupa.’

11 Sila'y sumagot sa anghel ng Panginoon na nakatayo sa gitna ng mga puno ng mirto, ‘Nalibot na namin ang lupa, at narito, ang buong lupa ay mapayapa at tahimik.’

12 Nang magkagayo'y sinabi ng anghel ng Panginoon, ‘O Panginoon ng mga hukbo, hanggang kailan ka mawawalan ng habag sa Jerusalem at sa mga lunsod ng Juda, na sa kanila'y nagalit ka nitong pitumpung taon?’

13 Ang Panginoon ay sumagot ng malumanay at nakaaaliw na mga salita sa anghel na nakipag-usap sa akin.

14 Kaya't sinabi sa akin ng anghel na nakipag-usap sa akin, ‘Sumigaw ka, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Ako'y lubos na naninibugho para sa Jerusalem at sa Zion.

15 Ako'y galit na galit sa mga bansang tiwasay, sapagkat habang kakaunti pa ang aking galit, kanilang ipinagpatuloy ang pagwasak.

16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Ako'y bumalik sa Jerusalem na may pagkahabag. Ang aking bahay ay matatayo roon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ang pising panukat ay iuunat sa ibabaw ng Jerusalem.

17 Muli kang sumigaw, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: ‘Ang aking mga lunsod ay muling aapawan ng kasaganaan, at muling aaliwin ng Panginoon ang Zion, at muling pipiliin ang Jerusalem.’”

Ang Pangitain tungkol sa mga Sungay at mga Panday

18 Aking itinaas ang aking paningin at aking nakita, at narito, apat na sungay!

19 Aking sinabi sa anghel na nakipag-usap sa akin, “Ano ang mga ito?” At siya'y sumagot sa akin, “Ito ang mga sungay na nagpakalat sa Juda, Israel, at sa Jerusalem.”

20 Ipinakita sa akin ng Panginoon ang apat na panday.

21 Nang magkagayo'y sinabi ko, “Ano ang ipinaritong gawin ng mga ito?” Siya'y sumagot, “Ito ang mga sungay na nagpakalat sa Juda, na walang lalaki na nagtaas ng kanyang ulo at ang mga ito'y dumating upang takutin sila, upang ibagsak ang mga sungay ng mga bansa na nagtaas ng kanilang mga sungay laban sa lupain ng Juda upang ito'y pangalatin.”

Panawagan upang Manumbalik sa Dios

May sinabi ang Panginoon kay Propeta Zacarias noong ikawalong buwan ng ikalawang taon ng paghahari ni Darius sa Persia. Si Zacarias ay anak ni Berekia na anak ni Iddo. 2-3 Inutusan ng Panginoong Makapangyarihan si Zacarias na sabihin ito sa mga mamamayan ng Israel:

“Matindi ang galit ko sa inyong mga ninuno. Kaya magbalik-loob na kayo sa akin at manunumbalik[a] ako sa inyo. Huwag ninyong gayahin ang ginawa ng inyong mga ninuno. Inutusan ko noon ang mga propeta na pagsabihan silang talikuran na nila ang kanilang mga ginagawang masama, ngunit hindi sila nakinig. Hindi sila sumunod sa akin. Ang inyong mga ninuno at ang mga propetang iyon ay namatay na. Ngunit nangyari sa inyong mga ninuno ang aking mga sinabi at mga babala sa pamamagitan ng aking mga lingkod na propeta. Kaya nagsisi sila at sinabi, ‘Pinarusahan tayo ng Panginoong Makapangyarihan ayon sa ating ginawa, gaya ng kanyang napagpasyahang gawin sa atin.’ ”

Ang Pangitain tungkol sa mga Kabayo

7-8 May sinabi ang Panginoon kay Zacarias sa pamamagitan ng isang pangitain. Nangyari ito noong gabi ng ika-24, buwan ng Shebat (ika-11 buwan), noong ikalawang taon ng paghahari ni Darius. At ito ang ipinahayag ni Zacarias:

Nakita ko ang isang tao na nakasakay sa kabayong kulay pula na nakatigil sa isang patag na lugar na may mga puno ng mirto. Sa likuran niya ay may nakasakay sa kabayong pula, kayumanggi, at puti. Itinanong ko sa anghel na nakikipag-usap sa akin, “Ano po ang ibig sabihin ng mga ito?” At sinabi niya sa akin, “Ipapaliwanag ko sa iyo ang ibig sabihin nito.”

10 Ang taong nakatayo malapit sa mga puno ng mirto ang siyang nagpaliwanag sa akin. Sinabi niya, “Ang mga mangangabayong iyon ay ipinadala ng Panginoon upang umikot sa buong mundo.”

11 Sinabi ng mga mangangabayo sa anghel ng Panginoon na nakatayo malapit sa mga puno ng mirto, “Nalibot na namin ang buong mundo at nakita naming tahimik ito.”

12 Sinabi ng anghel ng Panginoon, “Makapangyarihang Panginoon, hanggang kailan nʼyo pa pahihirapan ang Jerusalem at ang iba pang bayan ng Juda? May 70 taon na po kayong galit sa kanila.” 13 Ang isinagot ng Panginoon sa anghel ay magagandang salita at nakapagbigay ng kaaliwan.

14 At sinabi sa akin ng anghel na sabihin ko itong mga sinabi ng Makapangyarihang Panginoon: “Totoong nagmamalasakit ako sa Jerusalem na tinatawag ding Zion, 15 pero matindi ang galit ko sa mga bansang nagpapasarap sa buhay. Hindi ako gaanong galit sa kanila noon, ngunit sila na rin ang nagpaningas ng aking galit sa kanila. 16 Kaya babalik[b] akong may awa sa Jerusalem, at itatayo kong muli[c] ang lungsod na ito pati na ang aking templo.”

17 Sinabi ng anghel na sabihin ko pa itong ipinapasabi ng Makapangyarihang Panginoon: “Uunlad muli ang aking mga bayan sa Juda. At aaliwin kong muli ang Zion, ang lungsod ng Jerusalem, at muli ko itong ituturing na hinirang kong bayan.”

Ang Pangitain tungkol sa Apat na Sungay at Apat na Panday

18 Pagkatapos, tumingala ako at nakita ko ang apat na sungay. 19 Tinanong ko ang anghel na nakikipag-usap sa akin, “Ano ang ibig sabihin ng mga sungay na ito?” Sumagot siya, “Ang mga sungay ay ang mga bansang nagpakalat sa mga mamamayan ng Israel, Juda, at Jerusalem.”

20 Pagkatapos, ipinakita sa akin ng Panginoon ang apat na panday. 21 Itinanong ko, “Ano ang gagawin nila?” Sumagot siya, “Sisindakin nila at wawasakin ang mga sungay. Ang mga sungay na ito ay ang mga bansang lubusang nagwasak sa Juda at nagpangalat sa kanyang mga mamamayan.”

Footnotes

  1. 1:2-3 manunumbalik: o, tutulong.
  2. 1:16 babalik: o, tutulong.
  3. 1:16 itatayo kong muli: sa literal, susukatin kita gamit ang taling panukat.

The Lord Calls His People to Return to Him

(A)In the eighth month of the second year that Darius was emperor of Persia, the Lord gave this message to the prophet Zechariah, the son of Berechiah and grandson of Iddo. The Lord Almighty told Zechariah to say to the people, “I, the Lord, was very angry with your ancestors, but now I say to you, ‘Return to me, and I will return to you. Do not be like your ancestors. Long ago the prophets gave them my message, telling them not to live evil, sinful lives any longer. But they would not listen to me or obey me. Your ancestors and those prophets are no longer alive. Through my servants the prophets I gave your ancestors commands and warnings, but they disregarded them and suffered the consequences. Then they repented and acknowledged that I, the Lord Almighty, had punished them as they deserved and as I had determined to do.’”

The Prophet's Vision of the Horses

In the second year that Darius was emperor, on the twenty-fourth day of the eleventh month (the month of Shebat), the Lord gave me a message in a vision at night. (B)I saw someone riding a red horse. He had stopped among some myrtle trees in a valley, and behind him were other horses—red, dappled, and white. I asked him, “Sir, what do these horses mean?”

He answered, “I will show you what they mean. 10 The Lord sent them to go and inspect the earth.”

11 They reported to the angel: “We have been all over the world and have found that the whole world lies helpless and subdued.”

12 Then the angel said, “Almighty Lord, you have been angry with Jerusalem and the cities of Judah for seventy years now. How much longer will it be before you show them mercy?”

13 The Lord answered the angel with comforting words, 14 and the angel told me to proclaim what the Lord Almighty had said: “I have a deep love and concern for Jerusalem, my holy city, 15 and I am very angry with the nations that enjoy quiet and peace. For while I was holding back my anger against my people, those nations made the sufferings of my people worse. 16 So I have come back to Jerusalem to show mercy to the city. My Temple will be restored, and the city will be rebuilt.”

17 The angel also told me to proclaim: “The Lord Almighty says that his cities will be prosperous again and that he will once again help Jerusalem and claim the city as his own.”

The Vision of the Horns

18 In another vision I saw four ox horns. 19 I asked the angel that had been speaking to me, “What do these horns mean?”

He answered, “They stand for the world powers that have scattered the people of Judah, Israel, and Jerusalem.”

20 Then the Lord showed me four workers with hammers. 21 I asked, “What have they come to do?”

He answered, “They have come to terrify and overthrow the nations that completely crushed the land of Judah and scattered its people.”

A Call to Return to the Lord

In the eighth month of the second year of Darius,(A) the word of the Lord came to the prophet Zechariah(B) son of Berekiah,(C) the son of Iddo:(D)

“The Lord was very angry(E) with your ancestors. Therefore tell the people: This is what the Lord Almighty says: ‘Return(F) to me,’ declares the Lord Almighty, ‘and I will return to you,’(G) says the Lord Almighty. Do not be like your ancestors,(H) to whom the earlier prophets(I) proclaimed: This is what the Lord Almighty says: ‘Turn from your evil ways(J) and your evil practices.’ But they would not listen or pay attention to me,(K) declares the Lord.(L) Where are your ancestors now? And the prophets, do they live forever? But did not my words(M) and my decrees, which I commanded my servants the prophets, overtake your ancestors?(N)

“Then they repented and said, ‘The Lord Almighty has done to us what our ways and practices deserve,(O) just as he determined to do.’”(P)

The Man Among the Myrtle Trees

On the twenty-fourth day of the eleventh month, the month of Shebat, in the second year of Darius, the word of the Lord came to the prophet Zechariah son of Berekiah, the son of Iddo.(Q)

During the night I had a vision, and there before me was a man mounted on a red(R) horse. He was standing among the myrtle trees in a ravine. Behind him were red, brown and white horses.(S)

I asked, “What are these, my lord?”

The angel(T) who was talking with me answered, “I will show you what they are.”(U)

10 Then the man standing among the myrtle trees explained, “They are the ones the Lord has sent to go throughout the earth.”(V)

11 And they reported to the angel of the Lord(W) who was standing among the myrtle trees, “We have gone throughout the earth and found the whole world at rest and in peace.”(X)

12 Then the angel of the Lord said, “Lord Almighty, how long(Y) will you withhold mercy(Z) from Jerusalem and from the towns of Judah,(AA) which you have been angry with these seventy(AB) years?” 13 So the Lord spoke(AC) kind and comforting words(AD) to the angel who talked with me.(AE)

14 Then the angel who was speaking to me said, “Proclaim this word: This is what the Lord Almighty says: ‘I am very jealous(AF) for Jerusalem and Zion, 15 and I am very angry with the nations that feel secure.(AG) I was only a little angry,(AH) but they went too far with the punishment.’(AI)

16 “Therefore this is what the Lord says: ‘I will return(AJ) to Jerusalem with mercy, and there my house will be rebuilt. And the measuring line(AK) will be stretched out over Jerusalem,’ declares the Lord Almighty.(AL)

17 “Proclaim further: This is what the Lord Almighty says: ‘My towns will again overflow with prosperity, and the Lord will again comfort(AM) Zion and choose(AN) Jerusalem.’”(AO)

Four Horns and Four Craftsmen

18 Then I looked up, and there before me were four horns. 19 I asked the angel who was speaking to me, “What are these?”

He answered me, “These are the horns(AP) that scattered Judah, Israel and Jerusalem.”

20 Then the Lord showed me four craftsmen. 21 I asked, “What are these coming to do?”

He answered, “These are the horns that scattered Judah so that no one could raise their head, but the craftsmen have come to terrify them and throw down these horns of the nations who lifted up their horns(AQ) against the land of Judah to scatter its people.”[a](AR)

Footnotes

  1. Zechariah 1:21 In Hebrew texts 1:18-21 is numbered 2:1-4.