Add parallel Print Page Options

14 At sinabi sa akin ng anghel na sabihin ko itong mga sinabi ng Makapangyarihang Panginoon: “Totoong nagmamalasakit ako sa Jerusalem na tinatawag ding Zion, 15 pero matindi ang galit ko sa mga bansang nagpapasarap sa buhay. Hindi ako gaanong galit sa kanila noon, ngunit sila na rin ang nagpaningas ng aking galit sa kanila. 16 Kaya babalik[a] akong may awa sa Jerusalem, at itatayo kong muli[b] ang lungsod na ito pati na ang aking templo.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:16 babalik: o, tutulong.
  2. 1:16 itatayo kong muli: sa literal, susukatin kita gamit ang taling panukat.