Add parallel Print Page Options

Sinabi ko sa anghel na nakipag-usap sa akin, “Ano ang mga ito, panginoon ko?”

Nang magkagayo'y sinagot ako ng anghel na nakipag-usap sa akin, “Hindi mo ba nalalaman kung ano ang mga ito?” Aking sinabi, “Hindi, panginoon ko.”

Ang Pangako ng Diyos kay Zerubabel

Sinabi(A) niya sa akin, “Ito ang salita ng Panginoon kay Zerubabel, na sinasabi: Hindi sa pamamagitan ng lakas, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Ano ka, O malaking bundok? Sa harapan ni Zerubabel ay magiging kapatagan ka; at kanyang ilalagay ang pangunahing bato na may pagsisigawan ng, ‘Biyaya, biyaya sa kanya.’”

Bukod dito'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon na sinasabi:

“Ang mga kamay ni Zerubabel ay siyang naglagay ng pundasyon ng bahay na ito; ang kanyang mga kamay ay siya ring tatapos nito. At malalaman mo na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo.

10 Sapagkat(B) sinong humamak sa araw ng maliliit na bagay? Sapagkat sila'y magagalak, at makikita nila ang batong pabigat sa kamay ni Zerubabel. “Ang pitong ito'y mga mata ng Panginoon na nagpaparoo't parito sa buong lupa.”

Read full chapter