Font Size
Tobit 4:15-17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Tobit 4:15-17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
15 Anumang(A) hindi mo gusto'y huwag mong gagawin sa iba.
“Huwag kang maglalasing. Huwag mong pababayaang maging bisyo mo ang pag-inom ng alak.
16 “Bigyan mo ng pagkain ang nagugutom, at ng damit ang mga nangangailangan. Kung masagana ka ay magkawanggawa ka, at huwag kang manghihinayang sa iyong pagbibigay ng limos. 17 Kung(B) may mabuting tao na mamatay, huwag kang magmaramot sa pagpapakain sa mga naulila. Subalit huwag mong gagawin iyon sa mga makasalanan.
Read full chapter