Add parallel Print Page Options

Nagpakilala si Rafael

12 Natapos ang masayang pagdiriwang ng Israel. Tinawag ni Tobit si Tobias at sinabi, “Anak, huwag mong kalilimutang bayaran ang kasama mo. At dagdagan mo!”

“Magkano po ba ang ibabayad ko sa kanya?” tanong ni Tobias. “Kahit na po kalahati ng taglay kong kayamanan ay di ko panghihinayangang ipagkaloob sa kanya. Napakalaki po ng nagawa niyang tulong sa atin—ibinalik niya akong ligtas, ginamot ang aking asawa, dahil sa kanya'y napabalik ang ating salapi, at higit sa lahat, pinagaling kayo. Magkano nga kayang pabuya ang nararapat kong ibigay?”

“Tamang ibigay mo ang kalahati ng kayamanang taglay mo,” tugon ng kanyang ama.

Matapos ang kanilang pag-uusap, tinawag ni Tobias si Rafael, at sinabi rito, “Dalhin mo ang kalahati ng kayamanang dala natin at humayo kang payapa.”

Tinawag ni Rafael ang mag-amang Tobit at Tobias at sila'y nag-usap. Sinabi niya, “Salamat sa Diyos! Siya ang purihin natin at dakilain. Ipahayag ninyo sa lahat ng tao ang kanyang ginawa sa inyo. Umawit kayo ng pagpupuri at pasasalamat. Ihayag ninyo't parangalan ang kanyang mga gawa at huwag kayong manghihinawa sa paggawa nito. Ang mga bagay na inililihim ng hari'y hindi dapat ibunyag ngunit ang mga gawa ng Diyos ay dapat ipahayag upang siya'y parangalan at kilanlin. Gawin ninyo ang mabuti at hindi kayo madadaig ng masama. Mas(A) mainam ang manalanging may katapatan[a] at makatuwirang pagtulong sa mahihirap. Ang kaunting kabutihan ay higit na mainam kaysa kayamanang ginagamit sa masama. Mas mabuti ang magkawanggawa kaysa mag-impok ng ginto. Ang(B) gumagawa nito ay naliligtas sa kamatayan at dinadalisay sa bawat kasalanan. Hahaba ang buhay niya, 10 ngunit ang nagugumon sa pagkakasala ay kaaway ng sarili niya.

11 “Kailangang malaman na ninyo ang katotohanan; wala akong ililihim sa inyo. Natatandaan ninyong sinabi ko na ang mga inililihim ng hari ay hindi dapat ibunyag, ngunit ang mga gawa ng Diyos ay dapat ngang ipahayag. 12 Ngayon(C) ko sasabihin sa inyo na noong manalangin ka, Tobit, at ang manugang mong si Sara sa Panginoon, ako ang nagharap ng dalangin ninyo sa Diyos. Gayundin ang ginagawa ko tuwing may inililibing ka. 13 Alam kong kahit ka kumakain ay iniiwan mo ang hapag para lamang maglibing ng patay. 14 Bumabâ ako rito para subukin ka. Ako rin ang isinugo ng Diyos para pagalingin ka at ang iyong manugang na si Sara. 15 Ako(D) si Rafael, isa sa pitong anghel na humaharap sa Diyos para maglingkod sa kanya.”

16 Sa takot ng dalawa, sila'y nagpatirapa. 17 “Huwag kayong matakot,” wika ni Rafael, “pumayapa kayo. Magpasalamat kayo sa Diyos habang kayo'y nabubuhay. 18 At huwag ninyo akong intindihin, hindi ninyo dapat kilalaning utang na loob ito sa akin. Sinusunod ko lamang ang kalooban ng Diyos. Patuloy kayong magpasalamat sa kanya, at umawit ng pagpupuri habang kayo'y nabubuhay. 19 Kung nakikita ninyo akong kumakain at umiinom, ang nakikita ninyo'y pangitain lamang. 20 Tumayo kayo at magpuri sa Diyos, sapagkat ako'y aakyat na sa kanya. Ang lahat ng nangyari sa inyo ay inyong isulat.”

21 Nang sila'y tumayo, wala na si Rafael. 22 Bunga ng lahat ng ito, patuloy silang nagpuri sa Diyos at umawit ng pasasalamat dahil sa mga ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng anghel na nagpakita sa kanila.

Footnotes

  1. 8 katapatan: Sa ibang manuskrito'y pag-aayuno .
'Tobit 12 ' not found for the version: Ang Dating Biblia (1905).

El ángel se da a conocer

12 Cuando se terminaron las fiestas de bodas, Tobit llamó a su hijo Tobías y le dijo:

—Hijo, no dejes de pagarle a tu compañero de viaje lo que estaba convenido, y aun dale más.

Tobías le contestó:

—Padre, ¿qué paga le puedo dar? Aunque le diera la mitad de lo que me ayudó a traer, no me perjudicaría. Él me trajo sano y salvo, sanó a mi esposa, me ayudó a traer la plata, y a ti también te sanó. ¿Qué paga le puedo dar?

Tobit le dijo:

—Hijo, es justo darle la mitad de las cosas que trajo.

Entonces Tobías lo llamó y le dijo:

—Toma como paga la mitad de todo lo que trajiste, y que te vaya bien.

Entonces Rafael llamó aparte a los dos y les dijo:

—Alaben a Dios, y hablen de sus beneficios delante de todos los hombres. Alábenlo y canten salmos a su nombre. Honren a Dios dando a conocer a todo hombre lo que él ha hecho. No se cansen de darle gracias. Cuando el rey le confía a uno un secreto, es bueno quedarse callado; pero hay que honrar a Dios contando a todos y publicando lo que él ha hecho. Hagan el bien, y ningún mal vendrá sobre ustedes. Mucho mejor es la oración acompañada de ayuno, y dar limosna viviendo honradamente, que tener riquezas y ser un malvado. Mucho mejor es dar limosna que conseguir montones de oro. Dar limosna salva de la muerte y purifica de todo pecado. Los que dan limosna gozarán de larga vida. 10 Los que cometen el pecado y la maldad son enemigos de su propia vida. 11 Ahora voy a contarles toda la verdad, no voy a ocultarles nada. Ya les había dicho que cuando el rey le confía a uno un secreto, es bueno quedarse callado, pero que hay que honrar a Dios dando a conocer lo que él ha hecho. 12 Pues bien, Tobit, mientras tú y Sara oraban, yo presentaba sus oraciones ante la presencia gloriosa del Señor, para que él las tuviera en cuenta. Y lo mismo hacía yo mientras tú enterrabas a los muertos. 13 Aquella vez, cuando no dudaste en levantarte y dejar servida la comida para ir a enterrar a aquel muerto, Dios me envió a ponerte a prueba. 14 Y ahora también me ha enviado Dios a sanarte, lo mismo que a Sara, tu nuera. 15 Yo soy Rafael, uno de los siete ángeles que están al servicio del Señor y que pueden entrar ante su presencia gloriosa.

16 Los dos se asustaron mucho y se arrodillaron inclinándose hasta el suelo, llenos de miedo. 17 Pero el ángel les dijo:

—¡No tengan miedo! ¡Tranquilícense! Alaben siempre a Dios. 18 Si yo he estado con ustedes, no fue porque yo lo quisiera, sino porque Dios lo dispuso. Denle gracias a él todos los días, alábenlo a él. 19 Cuando me veían comer y beber, no era a mí realmente a quien veían, sino a una visión. 20 Den gracias ahora al Señor de la tierra, alaben a Dios. Yo voy a subir a Dios, que me envió. Pongan por escrito todo lo que les ha sucedido.

Y se elevó. 21 Ellos se levantaron y no lo pudieron ver más. 22 Entonces comenzaron a dar gracias a Dios y a alabarlo por sus maravillas: ¡un ángel de Dios se les había aparecido!

'Tobit 12 ' not found for the version: New International Version.