Font Size
Tobit 4:3-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Tobit 4:3-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Ipinatawag nga niya ito, at pagdating ay sinabihan, “Ipalibing mo ako nang maayos kapag ako'y namatay. Igagalang mo ang iyong ina at huwag mo siyang pababayaan. Sundin mo anuman ang kanyang kagustuhan at huwag mo siyang dudulutan ng sama ng loob. 4 Alalahanin mo anak na maraming panganib ang kanyang dinanas habang ikaw ay nasa sinapupunan pa niya. Kaya kung siya'y bawian ng buhay, ilibing mo siya sa aking tabi.
Read full chapter