Add parallel Print Page Options

13 Pagkatapos, inalis niya ang katarata, at nakakitang muli ang kanyang ama. 14 Niyakap ni Tobit ang anak at umiiyak na nagsabi, “Maliwanag na ang aking paningin; nakikita na kita, anak!” Pagkatapos ay sinabi,

“Purihin ang Diyos! Purihin ang dakila niyang pangalan,
    pagpalain ang lahat niyang mga anghel.
Nawa'y purihin ang banal niyang pangalan sa lahat ng panahon.
15 Sapagkat siya ang nagparusa sa akin at siya rin ang nahabag.
    Narito, nakikita ko na ang aking anak, nakikita ko na si Tobias!”

Pumasok si Tobias sa loob ng bahay. Galak na galak siya at sumisigaw na nagpupuri sa Diyos. Isinalaysay nito sa ama ang kanyang naging tagumpay. Sinabi ni Tobias, “Nakuha ko po ang salapi at napangasawa ko pa si Sara, ang anak ng kamag-anak ninyong si Raguel. Kasunod po namin siya at marahil ay papasok na sila sa Nineve.”

Read full chapter