Add parallel Print Page Options

Ang Mahusay na Aral

Ngunit ikaw naman, magsalita ka ng mga bagay na angkop sa mahusay na aral.

Ang matatandang lalaki ay dapat maging mapagpigil sa sarili, kagalang-galang, matino, malakas sa pananampalataya, sa pag-ibig, at sa pagtitiis.

Sabihan mo rin ang matatandang babae na maging magalang sa kanilang asal, hindi mapanirang-puri, ni paalipin man sa alak; dapat silang magturo ng kabutihan,

upang kanilang maturuan ang mga kabataang babae na ibigin ang kani-kanilang mga asawa, ibigin ang kanilang mga anak,

maging matino, dalisay, masipag sa gawaing bahay, mabait, na nagpapasakop sa kani-kanilang asawa, upang huwag lapastanganin ang salita ng Diyos.

Gayundin naman, himukin mo ang mga kabataang lalaki na maging matino sa pag-iisip.

Sa lahat ng mga bagay ay ipakita mo ang iyong sarili na isang uliran sa mabubuting gawa; at sa iyong pagtuturo ay magpakita ka ng katapatan, pagiging kagalang-galang,

wastong pananalita na hindi mapipintasan, upang ang kalaban ay mapahiya, na walang anumang masamang masasabi tungkol sa atin.

Ang mga alipin ay magpasakop sa kanilang mga panginoon at magbigay ng kasiyahan sa lahat ng mga bagay, at huwag maging palasagot,

10 ni huwag mangungupit, kundi magpakita ng lubos at tunay na katapatan, upang sa lahat ng bagay ay mapalamutian nila ang aral ng Diyos na ating Tagapagligtas.

11 Sapagkat nagpakita ang biyaya ng Diyos, na nagdadala ng kaligtasan sa lahat ng tao,

12 na nagtuturo sa atin na matapos itakuwil ang kasamaan, at mga makamundong pagnanasa, ay dapat tayong mamuhay nang may katinuan, matuwid at banal sa kasalukuyang panahon,

13 habang hinihintay natin ang mapalad na pag-asa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.

14 Siya(A) ang nagbigay ng kanyang sarili alang-alang sa atin, upang tayo'y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at pakalinisin para sa kanyang sarili ang sambayanang pag-aari niya na masigasig sa mabubuting gawa.

15 Ipahayag mo ang mga bagay na ito. Mangaral ka at sumaway na may buong kapamahalaan. Huwag mong hayaang hamakin ka ng sinuman.

Doing Good for the Sake of the Gospel

You, however, must teach what is appropriate to sound doctrine.(A) Teach the older men(B) to be temperate,(C) worthy of respect, self-controlled,(D) and sound in faith,(E) in love and in endurance.

Likewise, teach the older women to be reverent in the way they live, not to be slanderers(F) or addicted to much wine,(G) but to teach what is good. Then they can urge the younger women(H) to love their husbands and children, to be self-controlled(I) and pure, to be busy at home,(J) to be kind, and to be subject to their husbands,(K) so that no one will malign the word of God.(L)

Similarly, encourage the young men(M) to be self-controlled.(N) In everything set them an example(O) by doing what is good.(P) In your teaching show integrity, seriousness and soundness of speech that cannot be condemned, so that those who oppose you may be ashamed because they have nothing bad to say about us.(Q)

Teach slaves to be subject to their masters in everything,(R) to try to please them, not to talk back to them, 10 and not to steal from them, but to show that they can be fully trusted, so that in every way they will make the teaching about God our Savior(S) attractive.(T)

11 For the grace(U) of God has appeared(V) that offers salvation to all people.(W) 12 It teaches us to say “No” to ungodliness and worldly passions,(X) and to live self-controlled,(Y) upright and godly lives(Z) in this present age, 13 while we wait for the blessed hope—the appearing(AA) of the glory of our great God and Savior, Jesus Christ,(AB) 14 who gave himself for us(AC) to redeem us from all wickedness(AD) and to purify(AE) for himself a people that are his very own,(AF) eager to do what is good.(AG)

15 These, then, are the things you should teach. Encourage and rebuke with all authority. Do not let anyone despise you.