Font Size
Tito 2:2-4
Magandang Balita Biblia
Tito 2:2-4
Magandang Balita Biblia
2 Sabihin mo sa mga nakatatandang lalaki na sila'y maging mapagpigil sa sarili, marangal, makatuwiran, at matatag sa pananampalataya, sa pag-ibig at pagtitiis. 3 Sabihin mo sa mga nakatatandang babae na sila'y mamuhay nang may kabanalan, huwag maninirang-puri, at huwag malululong sa alak, kundi magturo ng mabuti, 4 upang maakay nila ang mga kabataang babae na mahalin ang kanilang mga asawa at mga anak.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.