Tito 1
Ang Salita ng Diyos
1 Akong si Pablo ay alipin ng Diyos at apostol ni Jesucristo ayon sa pananampalataya ng mga hinirang ng Diyos.Ayon sa kaalaman ng katotohanan at ayon sa pagkamaka-Diyos. 2 Mayroon akong buhay na walang hanggan na nakabatay sa pag-asa. Ito ay ipinangako na ng Diyos na hindi makapagsisinungaling, bago pa sa pasimula ng panahon. 3 Sa panahong itinakda ng Diyos, inihayag niya ang kaniyang salita sa pamamagitan ng pangangaral. Ang pangangaral na ito ay ipinagkatiwala niya sa akin alinsunod sa utos ng Diyos na ating Tagapagligtas. 4 Sumusulat ako sa iyo Tito. Ikaw ay tunay kong anak ayon sa pananampalatayang nasa ating lahat.
Sumaiyo ang biyaya, kahabagan at kapayapaang mula sa Diyos Ama at Panginoong Jesucristo na ating Tagapagligtas.
Ang Mga Ginawa ni Tito sa Creta
5 Ang dahilan kung bakit kita iniwan sa Creta ay upang ayusin mo ang mga bagay na kulang at upang magtalaga ka ng mga matanda sa bawat lungsod. Italaga mo sila gaya ng iniutos ko sa iyo.
6 Ito ang aking utos: Italaga mo ang lalaking walang maipupula ang sinuman at may isang asawa. Ang kaniyang mga anak ay mga mananampalataya, dapat na hindi mapaparatangan ng walang pagpipigil o masuwayin. 7 Ito ay sapagkat dapat na walang maipaparatang sa tagapangasiwa bilang katiwala ng Diyos. Hindi niya dapat ipagpilitan ang kaniyang sariling kalooban at hindi madaling magalit. Siya ay hindi dapat manginginom ng alak, hindi palaaway at hindi gahaman sa salapi. 8 Sa halip, ang kaniyang tahanan ay bukas para sa mga panauhin, mapagmahal sa mabuti, ginagamit nang maayos ang isip, matuwid, banal at may pagpipigil sa sarili. 9 Dapat din na panghawakan niya ang matapat na salita ayon sa itinuro sa kaniya. Ito ay upang mahimok niya ang ilan at kaniyang masaway yaong mga laban sa salita, sa pamamagitan ng mabuting aral.
10 Ito ay sapagkat marami ang mga masuwaying tao. Sila ay nagsasalita ng walang kabulukan at mga mandaraya, lalong-lalo na iyong nasa pagtutuli. 11 Huwag mo na silang pagsalitain sapagkat itinataob nila ang mga sambahayan. Magkamal lang ng salapi ay nagtuturo na sila ng mga bagay na hindi niladapat ituro. 12 Isa sa kanila, ito ay sarili nilang propeta, ang nagsabi: Ang mga taga-Creta ay laging sinungaling, asal masamang hayop at matatakaw na batugan. 13 Ang sinabing itopatungkol sa kanila ay totoo. Dahil dito, mahigpit mo silang sawayin upang sila ay tumibay sa pananampalataya. 14 Ito ay upang huwag sila makinig sa mga katha ng mga Judio at ng mga utos ng taong tumatalikod sa katotohanan. 15 Sa taong malinis, ang lahat ng mga bagay ay malinis. Ngunit sa lahat ng nadungisan at hindi sumasampalataya ay walang bagay na malinis. Subalit ang kanilang pag-iisp at budhi ay nadungisan. 16 Sinasabi nilang kilala nila ang Diyos ngunit siya ay ipinagkakaila nila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa. Sila ay kasuklam-suklam, masuwayin at hindi makagagawa ng anumang mabuti.
Tito 1
Ang Biblia (1978)
1 Si Pablo, na alipin ng Dios, at apostol ni Jesucristo, ayon sa pananampalataya ng (A)mga hinirang ng Dios, at (B)sa pagkaalam ng katotohanan na ayon sa kabanalan,
2 Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na (C)ipinangako ng Dios (D)na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan;
3 (E)Nguni't sa kaniyang mga panahon ay ipinahayag ang kaniyang salita sa pangangaral, na sa akin ay ipinagkatiwala (F)ayon sa utos ng Dios na (G)ating Tagapagligtas;
4 Kay (H)Tito na aking (I)tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat: Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin.
5 (J)Dahil dito'y iniwan kita sa Creta, upang husayin mo ang mga bagay na nagkukulang, at (K)maghalal ng (L)mga matanda sa bawa't bayan, na gaya ng ipinagbilin ko sa iyo;
6 (M)Kung ang sinoman ay walang kapintasan, asawa ng isang babae lamang, na may mga anak na nagsisisampalataya, na hindi maisusumbong sa pangliligalig o suwail.
7 Sapagka't dapat na ang obispo ay walang kapintasan, palibhasa siya'y (N)katiwala ng Dios; hindi mapagsariling kalooban, hindi magagalitin, hindi manggugulo, hindi palaaway, hindi masakim sa mahalay na kapakinabangan;
8 Kundi mapagpatuloy, maibigin sa mabuti, mahinahon ang pagiisip, matuwid, banal, mapagpigil;
9 Na (O)nananangan sa (P)tapat na salita na ayon sa turo, upang umaral ng magaling na aral, at papaniwalain ang nagsisisalangsang.
10 Sapagka't may maraming mga suwail, na mapagsalita ng walang kabuluhan at mga magdaraya, (Q)lalong lalo na yaong mga sa pagtutuli,
11 Na ang kanilang mga bibig ay nararapat matikom; mga taong nagsisipanggulo sa buong mga sangbahayan, na nangagtuturo ng mga bagay na di nararapat, (R)dahil sa mahalay na kapakinabangan.
12 Sinabi ng isa sa kanila rin, ng isang propetang sarili nila,
Ang mga taga Creta kailan pa man ay mga sinungaling, masasamang hayop, matatakaw na mga tamad.
13 Ang patotoong ito ay tunay. Dahil dito'y (S)sawayin mong may kabagsikan sila, upang (T)mangapakagaling sa pananampalataya,
14 Na (U)huwag mangakinig sa mga (V)katha ng mga Judio, at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa katotohanan.
15 (W)Sa malinis ang lahat ng mga bagay ay malinis: datapuwa't sa nangahawa at di nagsisisampalataya ay walang anomang malinis; kundi pati ng kanilang (X)pagiisip at kanilang budhi ay pawang nangahawa.
16 Sila'y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios; nguni't ikinakaila (Y)sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, palibhasa'y mga malulupit, at mga masuwayin, at mga itinakuwil sa bawa't gawang mabuti.
Tito 1
Ang Dating Biblia (1905)
1 Si Pablo, na alipin ng Dios, at apostol ni Jesucristo, ayon sa pananampalataya ng mga hinirang ng Dios, at sa pagkaalam ng katotohanan na ayon sa kabanalan,
2 Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan;
3 Nguni't sa kaniyang mga panahon ay ipinahayag ang kaniyang salita sa pangangaral, na sa akin ay ipinagkatiwala ayon sa utos ng Dios na ating Tagapagligtas;
4 Kay Tito na aking tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat: Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin.
5 Dahil dito'y iniwan kita sa Creta, upang husayin mo ang mga bagay na nagkukulang, at maghalal ng mga matanda sa bawa't bayan, na gaya ng ipinagbilin ko sa iyo;
6 Kung ang sinoman ay walang kapintasan, asawa ng isang babae lamang, na may mga anak na nagsisisampalataya, na hindi maisusumbong sa pangliligalig o suwail.
7 Sapagka't dapat na ang obispo ay walang kapintasan, palibhasa siya'y katiwala ng Dios; hindi mapagsariling kalooban, hindi magagalitin, hindi manggugulo, hindi palaaway, hindi masakim sa mahalay na kapakinabangan;
8 Kundi mapagpatuloy, maibigin sa mabuti, mahinahon ang pagiisip, matuwid, banal, mapagpigil;
9 Na nananangan sa tapat na salita na ayon sa turo, upang umaral ng magaling na aral, at papaniwalain ang nagsisisalangsang.
10 Sapagka't may maraming mga suwail, na mapagsalita ng walang kabuluhan at mga magdaraya, lalong lalo na yaong mga sa pagtutuli,
11 Na ang kanilang mga bibig ay nararapat matikom; mga taong nagsisipanggulo sa buong mga sangbahayan, na nangagtuturo ng mga bagay na di nararapat, dahil sa mahalay na kapakinabangan.
12 Sinabi ng isa sa kanila rin, ng isang propetang sarili nila, Ang mga taga Creta kailan pa man ay mga sinungaling, masasamang hayop, matatakaw na mga tamad.
13 Ang patotoong ito ay tunay. Dahil dito'y sawayin mong may kabagsikan sila, upang mangapakagaling sa pananampalataya,
14 Na huwag mangakinig sa mga katha ng mga Judio, at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa katotohanan.
15 Sa malinis ang lahat ng mga bagay ay malinis: datapuwa't sa nangahawa at di nagsisisampalataya ay walang anomang malinis; kundi pati ng kanilang pagiisip at kanilang budhi ay pawang nangahawa.
16 Sila'y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios; nguni't ikinakaila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, palibhasa'y mga malulupit, at mga masuwayin, at mga itinakuwil sa bawa't gawang mabuti.
Titus 1
New International Version
1 Paul, a servant of God(A) and an apostle(B) of Jesus Christ to further the faith of God’s elect and their knowledge of the truth(C) that leads to godliness(D)— 2 in the hope of eternal life,(E) which God, who does not lie,(F) promised before the beginning of time,(G) 3 and which now at his appointed season(H) he has brought to light(I) through the preaching entrusted to me(J) by the command of God(K) our Savior,(L)
4 To Titus,(M) my true son(N) in our common faith:
Grace and peace from God the Father and Christ Jesus our Savior.(O)
Appointing Elders Who Love What Is Good(P)
5 The reason I left you in Crete(Q) was that you might put in order what was left unfinished and appoint[a] elders(R) in every town, as I directed you. 6 An elder must be blameless,(S) faithful to his wife, a man whose children believe[b] and are not open to the charge of being wild and disobedient. 7 Since an overseer(T) manages God’s household,(U) he must be blameless—not overbearing, not quick-tempered, not given to drunkenness, not violent, not pursuing dishonest gain.(V) 8 Rather, he must be hospitable,(W) one who loves what is good,(X) who is self-controlled,(Y) upright, holy and disciplined. 9 He must hold firmly(Z) to the trustworthy message as it has been taught, so that he can encourage others by sound doctrine(AA) and refute those who oppose it.
Rebuking Those Who Fail to Do Good
10 For there are many rebellious people, full of meaningless talk(AB) and deception, especially those of the circumcision group.(AC) 11 They must be silenced, because they are disrupting whole households(AD) by teaching things they ought not to teach—and that for the sake of dishonest gain. 12 One of Crete’s own prophets(AE) has said it: “Cretans(AF) are always liars, evil brutes, lazy gluttons.”[c] 13 This saying is true. Therefore rebuke(AG) them sharply, so that they will be sound in the faith(AH) 14 and will pay no attention to Jewish myths(AI) or to the merely human commands(AJ) of those who reject the truth.(AK) 15 To the pure, all things are pure,(AL) but to those who are corrupted and do not believe, nothing is pure.(AM) In fact, both their minds and consciences are corrupted.(AN) 16 They claim to know God, but by their actions they deny him.(AO) They are detestable, disobedient and unfit for doing anything good.(AP)
Footnotes
- Titus 1:5 Or ordain
- Titus 1:6 Or children are trustworthy
- Titus 1:12 From the Cretan philosopher Epimenides
Titus 1
King James Version
1 Paul, a servant of God, and an apostle of Jesus Christ, according to the faith of God's elect, and the acknowledging of the truth which is after godliness;
2 In hope of eternal life, which God, that cannot lie, promised before the world began;
3 But hath in due times manifested his word through preaching, which is committed unto me according to the commandment of God our Saviour;
4 To Titus, mine own son after the common faith: Grace, mercy, and peace, from God the Father and the Lord Jesus Christ our Saviour.
5 For this cause left I thee in Crete, that thou shouldest set in order the things that are wanting, and ordain elders in every city, as I had appointed thee:
6 If any be blameless, the husband of one wife, having faithful children not accused of riot or unruly.
7 For a bishop must be blameless, as the steward of God; not selfwilled, not soon angry, not given to wine, no striker, not given to filthy lucre;
8 But a lover of hospitality, a lover of good men, sober, just, holy, temperate;
9 Holding fast the faithful word as he hath been taught, that he may be able by sound doctrine both to exhort and to convince the gainsayers.
10 For there are many unruly and vain talkers and deceivers, specially they of the circumcision:
11 Whose mouths must be stopped, who subvert whole houses, teaching things which they ought not, for filthy lucre's sake.
12 One of themselves, even a prophet of their own, said, the Cretians are alway liars, evil beasts, slow bellies.
13 This witness is true. Wherefore rebuke them sharply, that they may be sound in the faith;
14 Not giving heed to Jewish fables, and commandments of men, that turn from the truth.
15 Unto the pure all things are pure: but unto them that are defiled and unbelieving is nothing pure; but even their mind and conscience is defiled.
16 They profess that they know God; but in works they deny him, being abominable, and disobedient, and unto every good work reprobate.
Copyright © 1998 by Bibles International
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

