Add parallel Print Page Options

At ang baybayin ay magiging pag-aari
    ng nalabi sa sambahayan ni Juda;
    na iyon ay kanilang pagpapastulan,
at sa mga bahay sa Ascalon ay
    mahihiga sila sa gabi.
Sapagkat dadalawin sila ng Panginoon nilang Diyos,
    at ibabalik mula sa kanilang pagkabihag.

“Aking(A) narinig ang panunuya ng Moab,
    at ang panglalait ng mga anak ni Ammon,
kung paanong tinuya nila ang aking bayan,
    at nagmalaki sila laban sa kanilang nasasakupan.
Kaya't(B) habang buháy ako,” sabi ng Panginoon ng mga hukbo,
    ng Diyos ng Israel,
“ang Moab ay magiging parang Sodoma,
    at ang mga anak ni Ammon ay parang Gomorra,
isang lupaing pag-aari ng mga dawag at tambakan ng asin,
    at isang pagkasira magpakailanman.
Sila'y sasamsaman ng nalabi sa aking bayan,
    at sila'y aangkinin ng nalabi sa aking bansa.”

Read full chapter