Add parallel Print Page Options

14 May sakit baga ang sinoman sa inyo? ipatawag niya (A)ang mga matanda sa iglesia; at ipanalangin nila siya, (B)na pahiran nila ng langis sa pangalan ng Panginoon:

15 At ang panalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa may sakit, at ibabangon siya ng Panginoon; (C)at kung nagkasala siya, ay ipatatawad sa kaniya.

16 Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang nagagawa (D)ng maningas (E)na panalangin ng taong matuwid.

Read full chapter