Santiago 4:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag nakipagkaibigan kayo sa sanlibutan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos? Ang sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay nagiging kaaway ng Diyos. 5 Huwag ninyong akalaing walang kabuluhan ang sinasabi sa kasulatan, “Ang espiritung inilagay ng Diyos sa atin ay punô ng matitinding pagnanasa.”[a] 6 Ngunit(A) ang Diyos ay nagbibigay ng higit pang pagpapala. Kaya't sinasabi ng kasulatan, “Ang Diyos ay laban sa mga mapagmataas ngunit pinagpapala niya ang mga mapagpakumbaba.”
Read full chapterFootnotes
- 5 Ang espiritung...matitinding pagnanasa: o kaya’y Matindi ang pagnanasa ng Diyos sa espiritung inilagay niya sa atin .
Santiago 4:4-6
Ang Biblia (1978)
4 Kayong (A)mga mangangalunya, hindi baga ninyo nalalaman na (B)ang pakikipagkaibigan sa sanglibutan ay pakikipagaway sa Dios? (C)Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios.
5 O iniisip baga ninyo na ang kasulatan ay nagsasalita ng walang kabuluhan? Ang (D)Espiritu baga na pinatira sa atin ay nagnanais hanggang sa kapanaghilian?
6 Nguni't siya'y nagbibigay ng lalong biyaya. Kaya't sinasabi ng kasulatan, Ang (E)Dios ay sumasalansang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.
Read full chapter
James 4:4-6
King James Version
4 Ye adulterers and adulteresses, know ye not that the friendship of the world is enmity with God? whosoever therefore will be a friend of the world is the enemy of God.
5 Do ye think that the scripture saith in vain, The spirit that dwelleth in us lusteth to envy?
6 But he giveth more grace. Wherefore he saith, God resisteth the proud, but giveth grace unto the humble.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
